CHAPTER SEVENTEEN:LEFT BEHIND

60 7 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN:
LEFT BEHIND

~•Ethan•~

Heto na naman ako naiwan na naman ako.

Wala ako sa sariling nagalakad paalis sa bahay nila Amara.

Lagi na lang akong iniiwan. Lagi na lang akong nag-iisa.

Tanggapin mo na ang katotohanan na simula pa lang nung umayaw na siya ay isa na lamang siyang magandang alaala.

🎶I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin from within
I have learned to live my life beside you
And maybe I'll just dreamed of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end🎶

Napakapit ako sa mga puno dahil nanghina ako sa sakit na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa babaeng huminto sa harapan ko.

"Tita hindi na ako maalala ni Amara, ang sakit po" kinausap ko ang nanay ni Amara na nakatingin sa akin.

"Hijo, patawad wala akong magagawa. Alam kong mahal mo si Amara pero hindi ko kayang makita siyang may sakit. Pinangakuan ako ni Dustin na ipapagamot niya si Amara. Pasensya ka na talaga hijo" pumatak ang luha sa mga mata ng nanay ni Amara.
Hinawakan niya ako sa likod at tinapik tapik.

"Madami pang iba diyan makakahanap ka pa ng para sa iyo." unti-unting umalis ang nanay ni Amara at iniwan akong mag-isa.

Mag-isa na naman ako.

Kasabay ng pag-amin, ay parang pagkapit sa isang kutsilyo, na kahit alam mong masakit, hinding-hindi ka bibitaw, pero kung tuluyan na siyang bumitaw... Mapapabitaw na lang din ba ako sa pag-iibigang hindi na umaapaw?

Lagi na lang akong naiiwan mag-isa. Ang tanging ginawa ko lang ay magmahal pero ang tanging ginawa nila ay mang-iwan.

Tinatanong ko sa sarili ko ng pulit-ulit.

Paulit-ulit...

Kung bakit sa dinamirami ng pwedeng parusahan ako pa? Ano bang kasalanan ang nagawa ko noon?
Kasalanang hanggang ngayon patuloy ko pa ding pinagbabayadan. Kasalanang hindi kayang mapatawad.
Iniisip ko kung isinumpa ba ako. Pinilit ko namang balik-balikan ang lahat pero wala pa din hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat ng ito.

×××

Walang emosyon akong bumalik sa bahay.

"Hijo saan ka ba nanggaling alam mo bang nag-alala ako ng sobra sa'yo. Biglaan kang umalis ng ospital ng walang paalam" nag-aalala si titang lumapit sa akin.

"Ganito ba yon tita? Kapag nagmamahal ka ba lagi kang masasaktan?" kumawala sa bibig ko ang isa sa madaming katanungang gumugulo sa aking isipan.

Iniupo muna ako ni tita sa sofa saka siya tumabi sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at isinandal niya ang ulo ko sa kanya.

"Alam mo kapag nagmamahal ka masasaktan ka talaga" marahang hinagod ni tita ang buhok ko.

"Tita may aaminin ako sa'yo. Hindi ko alam kung maniniwala ka o matatawa ka pero gusto ko lang masagot ang mga katanungan sa puso ko." aaminin ko na kay tita na naalala ko ang lahat. Lahat pati ang nakaraan kong buhay.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now