2- Sentry Duty

3.7K 162 7
                                    

Kuminang ang blade ng dagger na hawak ni Tiana nang tumama doon ang liwanag ng lamp. She just sharpened it and she was ready to use it.

"Kelan ba?" tanong ni Bryce na busy sa pagmi-mix ng inumin na in-order ng isang mortal na matandang lalaki. Hula ni Tiana ay isa itong minero at walang pamilyang uuwian kaya nandito ito ngayon nagbababad sa pub buong gabi.

"Tomorrow night," sagot ni Tiana saka sinipat ang blade.

"Handa ka na?"

Ngumisi ang dalaga ngunit hindi pa rin niya sinusulyapan ang lalaki. "Kelan ba ako hindi handa?"

Bukas ng gabi ang Battlefront at hindi lang handa si Tiana physically pero sa lahat ng aspeto.

"Alam ba ng pamilya o mga kaibigan mo ang gagawin mo?"

Noon nag-angat ng tingin si Tiana at deretsong tinitigan si Bryce.

"You're joking, right?"

"Saang banda sa sinabi ko ang joke?" taas-kilay na balik-tanong nito. "No, Tiana, I'm not joking."

"My family and friends don't know. They will never know. There. Happy?"

Disappointed itong umiling. "You really don't need to do this. Kapag nalaman ito ng ISOP, tatanggalan ka nila ng garb."

Hindi nakasagot ang dalaga. Ang garb ay isang simbolo ng pagiging Sentry. Ito ang kanilang uniform. Although simpleng undershirt, leather jacket na nakabutones sa harapan, pants at combat boots na pawang itim lamang iyun, nasa meaning ng uniform ang importance ng pagiging Sentry. Ang Zayin sabre (although sampung bampira lang ang meron nito) at garb ang nagsisilbing badge ng mga Sentry. Kapag tinanggal iyun ng International Senate of Purebloods or ISOP (ang governing body ng lahat ng uri ng mga bampira), ibig sabihin, tapos na ang maliligayang araw ng isang bampira bilang Sentry. And such event was very humiliating. At hindi lang 'yun, ISOP would order the family to disown the ex-Sentry. Cruel but should be done. Nawalan na nga ng garb, pati pa pamilya.

Many disgarbed Sentries went on exile to god knows where and others committed suicide.

"Kaya mo bang ma-disgarb?"

Huminga ng malalim si Tiana saka inilagay sa sheath ang hawak na dagger.

"Hindi nila malalaman."

"Paano ka nakasisiguro? ISOP will eventually know. ISOP knows everything. As a Sentry, I'm sure, alam mo ang bagay na 'yan."

"Tayong dalawa lang ang nakakaalam sa involvement ko sa Battlefront. Kapag nalaman ito ng ISOP, it means you're the one who ranted me out. Babalikan kita."

Mahinang natawa si Bryce dahil sa sinabi n'ya. "Why would I do that? ISOP has eyes everywhere, Tiana. Hindi ko na kailangang makialam para malaman nila."

"Ako ang mga mata nila rito, Bryce. So, no need to worry."

Nagkibit-balikat ito. "Ikaw ang bahala. Basta binalaan na kita."

"Thanks but no thanks," sagot niya sabay ayos ng hood ng kanyang cloak dahil medyo bumaba iyun. Ayaw na ayaw niyang nakikita ng mga nasa paligid ang mukha niya. Kailangan niyang itago ang kanyang identity upang 'wag siyang mabuko ng ISOP.

"Gago!"

Sabay na napalingon sina Tiana at Bryce sa isang sulok nang biglang nagkagulo roon. May nabasag pang ilang bote at mesa.

"Geez. Sana may pera ang mga 'to pambayad ng damages," inis na tumalon si Bryce sa countertop at mabagsik na lumapit sa mga nagsusuntukang mga mortal.

Umikot si Tiana habang nakaupo pa rin at nilagok ang isang shot ng tequila habang nanonood ng live show na 'yun.

Parehong matangkad at malaki ang katawan ng dalawang lalaking nag-aaway pero tila bulak lang ang mga ito nang paghiwalayin ni Bryce.

BattlefrontWhere stories live. Discover now