20- To Blackbourne (2)

1.9K 105 32
                                    

Tiana was wearing a thick black cloak with a big hood. Xandros was wearing the same thing as they walked side by side. Palapit sila sa malaking barko na kulay puti at may malalaking letra na kulay itim; NEMORAH.

"It's mine. It's my baby," nakangiting sabi ni Nemorah na parang proud na proud. Nasa unahan nila ito na nakasuot ng puting mahabang damit, high-heeled boots at mahaba ring itim na fur coat. Sa kanan nito ay babaeng bodyguard na may hawak ng malaking payong.

"Hindi halata," natatawang komento ni Xandros na nakatanggap ng masamang tingin mula sa babae.

"Kailangan mo talagang magsuot ng ganyan? Masyado kang agaw-pansin. Alam mo namang nagtatago kami hindi ba?" mahinang sabi ni Tiana.

"Wag mo ngang pakialamanan ang suot ko," sagot naman ni Nemorah.

"Eh kaninong ideya ba na magsuot kaming apat ng cloaks?" tanong ni Keira na nakasunod naman kina Tiana. Sa tabi nito si Lois na mukhang wala namang pakialam sa suot nila.

"Tanungin n'yo si Tiana. Kung ako ang masusunod, colorful panigurado ang suot n'yo."

Hindi na lang nag-react si Tiana dahil nakuha ng limang Sentry ang kanyang atensyon. Nasa may di kalayuan ang mga ito at panay ang tingin sa paligid na para bang may hinahanap ang mga ito and Tiana was well aware who.

Twenty feet na lang at makakarating na sila sa malaking barko na pag-aari ni Nemorah. Iyun ang pinakamalaking nakadaong doon sa Surial seaport.

Ten feet.

Five. Nakahinga nang maluwag si Tiana lalo na nang makitang paakyat na ang mga bodyguards ni Nemorah na naka-assign sa unahan nila.

"Excuse me."

Napatigil sila sa paghakbang at tila nanigas ang buong katawan ni Tiana nang bigla silang pigilan ng tatlong Sentry.

"Yes?" maarteng sagot namm ni Nemorah sa mga ito. Kung gaano katakot si Tiana ay kabaliktaran naman si Nemorah. Ang kalma lang nito at nakataas pa ang kilay. "What can I do for you?"

"May hinahanap kaming dalawang fugitives," sagot ng lalaking Sentry na sumulyap pa sa kanilang mga nakasuot ng cloak.

"So?" biglang tumaas ang boses ni Nemorah. "Pinagbibintangan mo ba ang grupo ko, mister? Do you know who I am?"

Kumunot ang noo ng mga Sentry na parang pilit inalala kung sino ang babae.

"Wait. You don't know me," na-realize naman agad ni Nemorah ang sinabi. "Hindi pala ako taga-rito. Anyways, wala kayong karapatan na kwestyunin ako! Hindi n'yo ako sakop. I am from Ribenly!"

Sinungaling. Lihim na napailing si Tiana. Ang galing kasing makaisip ng lusot ang babae.

"Kung pwede lang po sana naming tingnan kung sinu-sino itong mga kasama ninyo."

Nanlaki ang mga mata ni Nemorah. "Huwaat? Oh my dear deity, please don't rain your wrath upon these imbeciles," parang baliw na umikot-ikot si Nemorah habang nakadaop ang mga kamay na parang nagdadasal. Para itong humihingi ng patawad sa paligid.

"Ma'am..."

"Stop!" inilapat ni Nemorah ang kanang palad nito sa mukha ng lalaking Sentry kaya muntik nang pumasok sa ilong nito ang mga kuko nitong kay hahaba. "Hindi ninyo pwedeng tingnan ang mukha ng aking mga priestesses. That is bad luck lalo na sa mga gustong sumilip sa mga mukha nila. Sila ang aking divine guides sa lupang ito. Kami ay sakop ng kulto ng sumasayaw na alitaptap!"

Xandros chuckled kaya agad itong siniko ni Tiana kahit na maging siya ay gusto nang humalakhak pero pinigilan niya ang sarili kaya ang sakit na ng tiyan niya.

BattlefrontWhere stories live. Discover now