31- The Coward

1.7K 107 23
                                    

Walang kahirap-hirap na tinalo nina Tiana at Xandros ang mga kalaban nila nang weekend na 'yun pero medyo bumaba ang suporta sa kanila ng mga tao nang nalaman ng mga ito na pagmamay-ari na sila ng Hari. The people didn't like it. Marami ang nag-boo sa kanila. Marami rin ang umalis at hindi tinapos ang kanilang fight.

"This is not good," bulong ni Xandros kay Tiana at hindi na niya kailangan pang sumagot. Yes, this was bad. Very bad. They needed to have the people's support for the rebellion they were planning.

"Black and Shadow!" malakas na ulit ng host pero iilan lang ang pumalakpak.

"Si Lois," muntik nang mapasigaw si Tiana nang mamataan ang babae na nakatayo sa crowd. For some reason ay mag-isa lang ito at may bitbit itong isang basket.

"Let's go," hinila na siya ni Xandros pababa sa ring na 'yun kung saan patuloy pa rin na nagsasalita ang emcee. Pero nagulat na lang si Tiana nang sa ibang direksyon siya nito hinila kaya marahas niyang binawi ang kanyang kamay.

"What are you doing?" taas-kilay niyang tanong dito.

"You can't confront her," he looked around, making sure they lost the King's guards.

"What? Why?" nanlaki pa ang mga mata n'ya habang titig na titig sa gwapong mukha ng binata. But she was starting to get annoyed at him.

"Kapag sinabihan mo s'ya na alam natin ang sekreto n'ya, baka bigla n'ya na lang gawin kina Nemorah kung anuman ang balak niya sa kanila. If she didn't know, maybe we could buy ourselves some time to warn the others. Without Lois getting suspicious," mahaba nitong explain at natahimik naman si Tiana. May point si Xandros. "Kahit saan natin tingnan, dehado tayo."

"Or I can just turn her into a frog right now," sagot niya kaya tinitigan siya ni Xandros nang seryoso na para bang naniwala talaga ito sa kanya.

"You know we can use her to lead us to Tamara LeBlanc, right? Then we can clear your name."

Hindi sumagot si Tiana. Nilingon na lamang niya ang direksyon ni Lois na ngayon ay kasama na sina Keira at Bryce. Naisip na rin niya 'yun. Lois would be a great source of information. She could be her chance to be able to go back to her family and friends.

"Think about it, okay?" ani Xandros saka siya inakbayan. Tumango na lamang siya saka inilingkis ang braso sa beywang nito habang hinihintay ang grupo nina Bryce na makalapit sa kanila since nakita na sila ng mga ito.

"Uy ano 'yan?" may panunukso sa boses ni Lois nang tuluyan nang makalapit ang mga ito sa kanila.

Saka lang na-realize ni Tiana kung ano ang position nila ni Xandros kaya agad siyang napabitaw dito pero tumawa lang ang lalaki na tila aware naman sa ginawa nila the whole time.

"Nasaan si Nemorah?" Tiana asked instead para hindi na sila usisain kung bakit magkaakbay sila ni Xandros. By this time, may ibang pares na ng fighters sa taas ng ring na naglalaban. Isa pa, nag-aalala rin sila dahil hindi nila alam kung ano ang ginawa ng hari rito pagkatapos nitong magwala.

Nagkatinginan ang tatlo kaya kinabahan sina Tiana at Xandros. Something happened to Nemorah for sure.

"What happened?" Xandros demanded. Ramdam ang tensyon mula rito.

"Well..." nag-aalangang sagot ni Bryce. "Ano kasi..."

Hindi humihinga sina Tiana at Xandros habang naghihintay ng sagot. It couldn't be that bad, right? Nemorah belonged to an important family.

"The King cut her leg," pagtatapos ni Lois sabay ngiwi na para bang naghahanda ng parusa.

"What?!" malakas na sigaw nina Tiana at Xandros.

BattlefrontWhere stories live. Discover now