30- The King's Hobbies

1.6K 102 17
                                    

Hindi makapaniwalang napatitig si Xandros kay Tiana nang ikwento ng dalaga rito ang tungkol kay Lois.

"All this time, may inaalagaan tayong ahas? Hell! We have to go back and warn Nemorah and the others," agad na bumaha ang pag-aalala sa mukha ng binata para sa mga kaibigan.

"Paano? Daig pa natin ang kriminal dito."

"We can tell them that we need to train outside."

Hindi na lang nag-react si Tiana. Hinayaan niyang lumabas si Xandros at kinausap nito ang mga guards at agad namang pumayag ang mga ito na lumabas sila para sa kanilang panggabihang training. Hindi nga nagtagal ang paghihintay nila. Mabilis silang iginiya palabas ng dungeon na 'yun saka sila dinala sa likurang bahagi ng castle kung saan daw sila pwedeng mag-train.

Walang nagawa sina Tiana at Xandros kundi ang mag- spar habang naghahanap ng tiempo para makatakas. Their friends' safety was more important this time.

"Tama na po!"

Napatigil sa ere ang kamao ni Tiana na tamang-tamang nasa harapan ng ilong ni Xandros nang marinig ang malakas na sigaw ng isang babae. May kasama pa iyung iyak at mga hikbi.

"What is happening?" matigas ang boses na tanong ni Xandros sa dalawang guards na nagbabantay sa kanila. Hindi ang mga ito ang nagdala sa kanila sa dungeon kanina.

"Wag ka na lang makialam," sagot ng isa. Napansin ni Tiana ang paglunok nito na para bang bothered din ito sa mga iyak na umalingawngaw sa gitna ng katahimikan ng gabi.

"Parang awa n'yo na po, Kamahalan!"

Tuluyan nang tumigil sina Tiana at Xandros sa kanilang pekeng training nang marinig ang mas malakas na sigaw na 'yun.

"Kamahalan?" anang lalaki sa mga guards na mukhang hindi komportable.

"Sabing 'wag ka na lang makialam!" singhal ng isa.

"Don't forget who you are talking to. Kaya kitang tirisin," may pagbabanta sa boses ni Xandros sabay ayos sa suot na mask. At mukhang effective naman dahil nagkatinginan ang dalawang guards.

"Ano'ng ginagawa ng hari sa babaeng ito?" tanong ni Tiana.

"Wala kaming sasabihin sa inyo. Kung gusto n'yo talagang malaman, kayo na mismo ang manood," anang isang guard saka ito tumalikod at agad na sumunod ang isa pa.

Nagkatinginan sina Tiana at Xandros. Hindi na sila nagsalita pa. Hinintay na lamang nilang muling sumigaw ang babae para masundan ang ingay nito. Hindi nga sila nabigo. Limang segundo lang yata ang pinaghintay nila dahil muling sumigaw ang babae.

"C'mon," ani Xandros saka sila nagtungo sa isang tower sa may west side ng castle. Galing doon ang sunud-sunod na hikbi ng babae.

The tower had a glass window at tamang hindi nakababa ang makapal na drapes niyun kaya kitang-kita ng dalawa kung ano ang nangyayari sa loob.

The room inside looked like a parlor with a fireplace on one wall. At sa harap ng fireplace ay may babaeng may gutay-gutay na damit. Nakasabit ito patiwarik habang tila nauulol na asong hinahagupit ito ni King Marlow ng malaking latigo.

Sumigaw uli ang babae at tumulo ang dugo nito sa likod na tinamaan papunta sa leeg nito hanggang umabot iyun sa ulo and finally, it dripped on the floor.

Tiana gasped but Xandros was too fast. Agad nitong kinabig ang dalaga sa dibdib nito na para bang pinoprotektahan siya nito.

"What is he doing?" mahinang bulong ng dalaga na hindi naman umalma.

"I don't know," sagot naman ng lalaki na titig na titig sa nangyayari sa loob.

Ilang hampas pa ang ginawa ng hari at palakas nang palakas ang sigaw ng babae. Nang ma-satisfy ay umupo ang hari sa isang magarang pang-isahang couch na kulay gold na nasa sulok ng silid. He took a cup of some drink from a female servant who was quietly standing at the corner. Dalawang guards naman ang nagbaba sa babaeng hinang-hina.

BattlefrontWhere stories live. Discover now