26- Threats and Hot Encounter

1.9K 110 44
                                    

Rifka was shaking in shock when Gaius arrived in her room. On her bed was a dead squirrel and blood was purposely splashed all throughout the wall and floor. Halos walang gamit na pwedeng i-salvage.

"Gaius," anang kanyang girlfriend kaya agad niyang binuksan ang kanyang mga braso para mayakap ito.

"Kilala mo kung sino ang gumawa?" mahina niyang tanong at umiling ito. Nakita ni Gaius na lumabas mula sa silid nito si Getty na may bitbit na libro at nakasuot pa ng bilog nitong reading glasses at naka-messy bun ang buhok.

"What happened?" tanong nito saka sumilip sa silid ni Rifka. She gasped when she saw what happened inside.

"Ms. Adson, please call the campus security," ma-otoridad na sabi ni Gaius kaya agad na kinuha ng babae ang telepono na nasa salas.

Hindi nagtagal ay dumating ang dalawang lalaking Sentry at tiningnan ang silid ni Rifka.

"Sentry Kühn, iniimbistigahan na namin ang kasong ito. Hindi si Ms. Spivak ang unang biktima ng mga troublemakers na 'to. Actually, she is the third today," anang isa sa mga Sentry.

"Who are the other victims?"

"Isang freshman at isang senior na parehong Pureblood."

Huminga ng malalim si Gaius saka sinulyapan si Getty Adson na mukhang curious na nakamasid sa kanila. Ilang beses din itong napapailing kapag nasusulyapan nito ang kwarto ni Rifka.

"May ilang leads na kami Sentry Gaius. May pi-pick-upin kaming mga estudyante ngayon para i- interrogate."

"Pinapupunta na rin dito sa campus si Sentry Malik Brigham para basahin ang isip ng mga suspect."

Nakita ni Gaius na pumasok si Getty sa kwarto nito pero hindi na lamang niya pinansin iyun. Muli niyang itinuon ang pansin sa dalawang Sentry.

"Well, thank you for your hardwork, Sentry Payne, Sentry Geen."

Nang makaalis ang dalawa ay dumating naman ang ilan pang Sentry para i-secure ang silid ni Rifka. It would be sealed until the case is closed.

"You will move to another dorm room. And Ms. Adson should also transfer with you. It is not safe for her to be here alone," sabi ni Gaius.

"I'll be fine here," sagot ni Getty, suddenly popping out of her bedroom.

"But this is a crime scene, Ms. Adson."

"Her room is a crime scene, Sentry Kühn. Only her room," giit nito na in- emphasize pa ang crime scene.

"You have to convince Director Brisbois. This is out of my hand."

"Thank you," anito saka lumabas na ng dorm room para siguro puntahan ang director.

"Sino sa tingin mo ang gumawa nito?" pabulong na tanong ni Rifka nang makaalis ang babae at mga Sentry.

"I'm not sure. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman dito ang mga bagong estudyante na mga 'yun."

Tumaas ang kilay ni Rifka. "The ones who gather behind the school buildings?"

"Maybe?"

Napailing si Rifka. "I don't wanna judge but I think I have to agree with you. Saka lang naman nagsimula ang lahat ng ito mula nang tinanggap sila rito."

"Right. Anyways, we will find out soon once Malik arrives."

Sabay na lang na napabuntung-hininga ang dalawa.

Samantala, agad na tinawagan ni Getty ang grupo ng mga Turned na gumawa n'on sa silid ni Rifka.

"Tell the others to use the mind blocking spell on you," sabi niya agad nang may sumagot sa kabilang linya. And she meant the vampire-witch when she said 'others'.

BattlefrontWhere stories live. Discover now