9- Safehouse

2K 114 4
                                    

The crowd's cheer was defeaning. Halos mahilo si Tiana dahil sa lakas ng sigawan ng mga manonood. Sa harap niya ay isang babaeng Turned. Masyado itong mabilis kumilos kahit na mataba ito. Si Fatty Pattsy, iyun ang ginagamit nitong alias.

"C'mon, Shadow. Akala ko ba magaling ka? Saka ka lang pala mabilis kapag mortal ang kalaban mo," nakangisi nitong sabi, showing her black rotten teeth.

"Eh ang mga pangil kaya nito sira-sira din?" biglang naisip ni Tiana. 

Tiana was just standing in the middle of the ring. Wala siya sa mood. Or more like hindi siya makapag-concentrate. Kung anu-ano ang naiisip at napapansin niya.

Isang linggo na sila ni Deus sa Surial at nakita niyang palapit ito nang palapit sa katapusan ng misyon nito. He would soon find out who the Shadow was.

"Ugh!" isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ng dalaga kasabay ng pagputok ng kanyang labi kaya tumilamsik ang dugo niya sa sahig.

People gasped in unison. Ito ang unang pagkakataon na tinamaan si Shadow ng atake at hindi sila sanay doon. Natahimik ang lahat at tila tumigil sa paghinga.

Matatalo na ba ang kanilang idolo sa kauna-unahang pagkakataon dahil panay ang linga ni Shadow sa paligid at halatang distracted.

"Hah! Wala palang binatba-!" hindi na pinatapos ni Tiana ang kanyang kalaban. Tila kidlat na inatake niya ito. Inulan muna ito ng ilang suntok at sipa bago niya pinakawalan ang kanyang pamatay na suntok sa leeg.

Dilat ang mga mata na napaluhod ang kalaban ni Tiana habang sobrang tahimik ng crowd. Hindi sila sanay na makita si Shadow sa estadong ito.

Galit.

Agresibo.

Kadalasan ay isang suntok sa leeg lang ang pinapakawalan niya gaano man kayabang ang kanyang kalaban. Pero iba ngayon.

Tuluyang bumagsak sa sahig ang kalaban ni Tiana at sabay-sabay na nagsigawan ang crowd. Hindi na lamang pinansin ang kakaibang ikinikilos ng kanilang iniidolong fighter.

Tinapunan na muna ni Tiana ng tingin ang babaeng nasa sahig. Oo at nainis siya sa mga sinabi nito pero hindi iyun sapat upang patayin ito. People talked trash all the time. Hindi iyun basehan upang patayin ang isang nilalang. So, she had to wake her up later kahit na nakakainis ito lalo na ang pagmumukha nito.

---

"Isa pa ngang beer," tipsy na sabi ni Tiana kay Bryce na nasa likod ng bar.

Umiiling na binigyan naman siya ng lalaki ng isang bote ng beer at agad na nilagok iyun ng dalaga. That was the twentieth bottle.

"Okay ka lang?"

Pagak na natawa si Tiana. "I'm gonna be disgarbed soon. Ni hindi ko man lang makamit ang goal kong maging champion."

Itinuko ni Bryce ang mga siko sa counter at inilapit ang mukha sa dalaga. "Gaano na kalapit ang kakambal mo sa kaso?"

"This close," ipinakita ni Tiana ang magkadikit niyang thumb at index finger.

"That close huh?"

Tumangu-tango siya. "For one week, limang ex-fighters na pinatay ko ang nakausap n'ya. And you know what? I can't find them after that. Deus is protecting them. He has a safehouse for them and he won't tell me where. That's how confidential he is when it comes to solving this case."

"Which is Sentry protocol, am I right?"

Tumango siya. Hindi niya pwedeng sisihin si Deus kung bakit hindi nito ipinapaalam ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaso. Sinusunod lamang nito ang kanilang standand procedure. Those ex-fighters were his witnesses.

BattlefrontWhere stories live. Discover now