35- Reminder

1.7K 90 15
                                    

Kunwari ay mahinhin na kumakain si Tiana ng hapunan kasama ang hari. Sa totoo lang ay kanina pa naiinis ang dalaga dahil panay ang ngiti ng hari sa kanya. Nangangati na ang kanyang mga kamay na tusukin ang mga mata nito na puno ng kasamaan. Kung anu-ano na siguro ang iniisip nitong kalaswaan sa kanya kaya mas nainis ang dalaga. If only she could read his thoughts.

"Ugh! I wish Malik were here," sabi niya sa sarili.

"So, you and Black huh," the king said.

"Ah yes," anang dalaga.

"How long have you been dating?"

"Hmm. Not long."

"I saw you yesterday. Maybe it's better for you not to show too much affection in public."

Napatingin si Tiana sa hari. "Bakit naman? Nakakaeskandalo ba, mahal na hari?"

"Oh no. Hindi naman. Ayoko lang na kaawaan si Black kapag inagaw na kita. I'm just sparing him the imminent humiliation. Kawawa naman," the king was smiling wickedly again kaya napahawak ng mahigpit si Tiana sa steak knife pero pinilit niya ang sarili na kumalma.

"Confident," pilit ang ngiti ni Tiana. "I like confident men. That's why I am with Black."

"Enjoy it while it lasts, sweetheart," nakangiting sagot ng hari. "So, your championship... are you ready?"

Yes, Tiana and Xandros had a big chance to reach the championship stage of the tournament. At mananalo sila. Hinding-hindi siya papayag na matalo. One loss was enough when she was in the academy. When Sophia Falls, now her twin brother's girlfriend, cheated by taking the illegal potion, Cratus, that made her stronger.

"Black and I are born ready, my king. We will win."

"Your opponents are very strong. They're old and experienced."

"I am confident that we will prevail, your highness. Black is a great fighter and he trained me well. We got this."

Biglang naging matalim ang tingin nito sa dalaga kaya mas ginalingan pa ni Tiana ang pang-iinis dito.

"Black taught me this new technique on how to render an enemy temporarily immobile. It is so cool and easy. Black is just a very great fighter," ngumiti si Tiana habang sadyang inalala ang gwapong mukha ni Xandros. Pakiramdam niya ay ay kumikislap pa ang kanyang mga mata kaya gusto niyang masuka sa pinaggagawa n'ya. Kahit naman kasi totoo ang sinasabi n'ya ay hindi siya sanay na pinapakita 'yun.

Matalim pa rin ang tingin ng hari sa kanya at mas lumakas ang loob niya.

"And then Black gave me this idea of-."

"Enough!" biglang sigaw ni Marlow sabay hampas ng mesa. Tumilapon ang mga kubyertos sa harapan nito. Galit na galit ang mukha nito at medyo napatalon si Tiana sa kanyang upuan.

Agad na nagsilapit ang mga guards at alertong pinag-aralan ang paligid. Isa na roon si Elca na may malaking question mark sa mukha habang nakatingin kay Tiana.

"Enough of Black already! Nakakaumay na ang pangalang n'ya," dumagundong ang malakas na boses ng hari na tila nag-echo pa 'yun sa apat na sulok ng malawak na dining hall.

"But my king, Black is my boyfriend at sinasabi ko lang how brilliant he is," kunwari ay takot na explain ni Tiana pero sa likod ng mga mata nito ay makikita ang tinatagong tawa na hindi makita ng hari dahil sa galit. Napailing na lang si Elca.

"I said enough! Elca, kunin mo si Black at dalhin sa torture room. At manonood ka, Shadow, kung paano ko paluluhurin ang boyfriend mo. Then we'll see how brilliant he will be then," ani Marlow saka iniwan silang lahat.

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon