29- Web of Spies

1.7K 83 42
                                    

Mag-iisang oras na yatang nakasalampak sa gitna ng kama si Tiana habang nakapikit ang mga mata. She chanted a spell for quite awhile at ngayon ay hindi na ito gumagalaw o gumagawa ng ingay.

Tahimik lang na nakamasid si Xandros sa magandang mukha ng dalaga. Tila nang-aakit ang mga labi nito kahit na wala naman itong ginagawa.

Dati pa man ay pansin na niya ang ganda ng mukha at ang talim ng dila nito. Idagdag pang nakakatakot itong fighter. Alam niya ang reputasyon ng mga Sentry at hindi lang basta-bastang Sentry si Tiana. She graduated with flying colors. Second in her class, next to Deus and Gaius.

Huminga ng malalim si Xandros. Bakit kaya tila kinikiliti siya sa tiyan kapag natititigan niya si Tiana? Tila kinakapos din siya ng hangin kapag nasa paligid ito. Para bang bigla siyang kinakabahan. Lately lang niya ito napansin at hindi niya iyun nagustuhan dahil pakiramdam niya ay mahina siya kapag nasa harapan niya ang dalaga. But it only got worse after he had tasted her sweet lips.

Xandros cursed under his breath before standing up, his bed making a creaking sound.

Tiana opened her right eye kaya agad na napaatras si Xandros. Isang mata pa lang 'yun ah and his breath already hitched.

"Ang ingay mo. I'm trying to contact Lois," seryoso nitong sabi kaya agad na itinaas ni Xandros ang mga kamay.

"Sorry. I just needed to stand," aniya saka ngumiti rito. Pero ang totoo kinabahan talaga siya na baka magalit ito sa kanya.

"It's alright. Hindi ko naman magawa ng tama ang spell. I wish I had something to draw a pentagram on the floor."

Napaisip si Xandros. Dati pa man ay gusto na talaga niyang tulungan si Tiana.

"How about my blood?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Sigurado ka? You're a Pureblood..."

"And the pentagram will work stronger," pagtatapos niya sabay ngiti. "Ano? You want to use my blood?"

Tumango ito habang kumikislap ang mga mata dahil sa excitement.

He smiled before moving his bed. "We can draw the pentagram here then we can put my bed back to cover it lalo na kung wala tayo rito."

"Sometimes I forget how smart you are. Lage ka kasing kalokohan," komento ni Tiana.

"I will take that as a compliment," aniya saka kinagat ang kanyang palapulsuhan. Tiana immediately gathered his blood using her hands. Using both hands she draw a pentagram on the floor. Madali naman nitong natapos iyun at saktong sumara ang sugat ni Xandros.

"Your blood really smells so good," anang dalaga saka umupo sa gitna ng pentagram at nag- lotus pose. "By the way, thanks," anito saka pumikit na at nagsimula nang mag-chant ng spell.

He smiled. She was just so adorable kahit na maldita.

Lumabas na lamang si Xandros para hindi na maka-isturbo pa sa kung ano man ang ginagawa ng dalaga at para na rin maging lookout.

---

Xandros' blood really helped a lot for Tiana to go to the limbo where they can find other witches who use the same spell she was using now. Ito rin 'yung spell na ginamit ni Lois kanina. Their will or mind go to a limbo. All Tiana could see was darkness and some witches who were doing the same spell. Tinitingnan siya ng mga witches pero walang pakialam ang mga ito sa kanya. Naghintay lang ang mga ito sa mga witches na gustong makausap ng mga ito.

Sa totoo lang, Tiana had not tried using this spell before but she learned about it from their mother who mastered a lot of difficult and strong spells. Sabi nito, the limbo was a dangerous place. Pwede siyang ma-trap doon kapag hindi siya agad lumabas. 'Yung mga na-trap ay tila na- comatose ang katawan habang naliligaw ang kaluluwa sa limbo. Only a powerful witch can pull that lost witch back to her body.

BattlefrontWhere stories live. Discover now