25- Getty Adson

1.8K 98 29
                                    

A new school year had started. Thirty Turned and twenty vampire-witch were accepted in Sentry Academy. Twenty vampire-human were put in the preparatory program. A little too many for Gaius' comfort but he couldn't do anything to argue with the school board.

"Not comfortable huh?" napasinghap siya nang biglang tumabi sa kanya ang kanyang girlfriend na si Rifka. Ang ganda nito sa suot na school uniform at dahan-dahang nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok na kulay silver-gray.

"Not really. It's not that I don't like them. Some are just really troublemakers."

"Just like you when you were a student?" Rifka teased and Gaius chuckled.

"Iba naman itong sa kanila. Para bang may sarili silang grupo. I saw them gathered behind the dorms. Parang nagmi-meeting."

"Hmm. Baka naman gusto lang nilang makasama ang mga katulad nila. You know, their own student organization."

Nagkibit-balikat si Gaius. "Possible. It's alright as long as i-register nila sa school ang organization nila. That way, we can monitor what they're up to."

"By the way, speaking of troublemaker, isang vampire-witch ang nagsimula ng apoy sa science laboratory. Nagalit daw sa classmate na Pureblood kaya ayun nag-hamon ng duel. Dahil hindi pinagbigyan, nagsimula ng apoy."

Napailing si Gaius. "Oh, 'di ba sabi ko troublemakers sila?"

"Oo meron nga pero meron din naman yatang matino. Isang Turned ang nagpa-register ng candidacy sa student council. As president."

Tumaas ang kilay ni Gaius saka napatitig sa magandang mukha ni Rifka. "For real?"

Ngumiti si Rifka saka nito hinawakan ang buhok na nasa may noo niya. "Yup. I heard she is smart. Parang ideal student. Hindi ko pa nga lang alam kung sino."

"Huh! Interesting."

Sabay na nagtungo sa cafeteria silang dalawa. Since tapos na ang entrance exam, umalis na rin sina Deus at bumalik sa pagiging full pledged Sentries habang gumagawa ng paraan upang masolusyonan ang problema kay Tiana. Nang palihim.

Lately, lageng puno ang cafeteria ng mga estudyante. Halos mga Turned, vampire-witch at vampire-human lang naman ang hindi nag-i-skip ng meal. At dahil unlimited ang kain at blood bags, sinusulit ng mga ito iyun.

"Why don't we eat sa room namin? I will cook," ani Rifka at agad namang sumang-ayon si Gaius. Rifka had a new roommate. Isang Turned na tahimik at tila walang pakialam sa paligid which was good. Hindi ito katulad ng ibang Turned na magugulo.

Nadatnan nila si Getty, Rifka's roommate, na nanonood ng TV sa salas at tulad ng dati, hindi ito sumagot nang batiin nila.

Mabilis na nakapagluto ng baked chicken si Rifka kasama pa ang roasted green beans at mashed potato. Takam na takam na si Gaius nang dumulog sila sa mesa.

"Getty, kumain ka na ba? Halika, kain tayo," aya ni Rifka.

"No thanks," anang babae saka ito tumayo at pumasok sa kwarto na dati ay kay Tiana. Nakadalawang roommates din si Rifka bago si Getty. Pareho nga lang napatalsik ng academy ang mga ito dahil hindi naka-survive sa kanilang trainings.

"Still aloof, I see," komento ni Gaius saka inatake na ang pagkain. "More for me then."

Napangiti na lang si Rifka bago tumingin sa pinto ng kwarto ni Getty. Desidido siyang maging kaibigan ang babae para naman maging komportable ito sa buhay sa academy. Hindi madali kung nag-iisa ka sa isang lugar na bago sa'yo.

---

Black and Shadow won a couple more fights and their popularity skyrocketed. Makikita sa iba't ibang sulok ng Blackbourne ang kanilang mga posters. Ang mga bata naman ay nagsusuot ng kanilang mask. Even the kids at heart.

BattlefrontOnde histórias criam vida. Descubra agora