14- Stripped

1.9K 133 21
                                    

In a world full of secrets, some needed to be exposed to make room for others and Tiana's was one of those that had to be revealed.

"One hundred fifteen fighters were convicted of murder. Those who killed more than five opponents were sentenced to death. I heard execution by shooting," inform ni Atira kay Tiana kaya napangiwi ang dalaga.

She did not kill anyone. For sure hindi siya kasama sa mga i-execute. Napatingin siya sa garb na kailangan niyang isuot mamaya para sa kanyang disgarbing rite. Hindi pa man nagsisimula ay parang dahan-dahan na siyang namamatay.

"Tiana..." muling napabalik sa sarili ang dalaga nang maramdaman ang mainit na kamay ni Atira sa kanyang braso.

"I messed up, Atira. I ruined my life. I ruined so many lives," mahina niyang sabi.

"Don't say that," anito saka umupo sa gilid ng kanyang kama. At na-realize niya na ito na ang huling pagkakataon niya sa silid na 'yun.

This was her last day as Sentry Bloodworth. Her last day to be part of two powerful clans. Her last day to be with her friends.

Her last day to be somebody.

Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya naaawang niyakap siya ni Atira.

"I missed you so much," bulong nito kaya napapikit si Tiana. How she loved being with him right now. Yes, mahal pa rin niya ang lalaki. Their relationship was one of the many casualties of her ambition and she hated herself for hurting a very good man.

"Pagkatapos ng lahat ng ito, please remember that I love you," mahina niyang sabi kaya kumalas ito sa yakap nila saka siya siniil ng halik sa labi.

Tiana felt bliss. His warm kiss was sunshine in the midst of storm. He brightened up her gloomy life...temporarily. But she was determined to savor the last sweet moments they had. Tumugon siya sa bawat halik at yakap nito. Ipinadama niya ang kanyang nararamdaman dito.

After this she wouldn't be allowed to see the people she loved. She would be on her own.

Dalawang malalakas na katok ang bigla nilang narinig at bago pa man sila makalayo sa isa't isa ay bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang middle-ranked Sentries. Nasa mukha ng mga ito ang awa para sa kanya pero nanatiling detached ang mga ito.

"Maghanda ka na para sa digarbing rite. Sir, tapos na po ang oras ng inyong pagbisita," sabi ng isa kaya tumango si Atira.

Muli itong yumakap sa kanya. She felt the warm tears on his face when he kissed her for the last time. Then he stood up and left.

Gustong abutin ni Tiana ang kamay nito upang pigilan ito sa pag-alis pero alam niyang hindi n'ya 'yun pwedeng gawin. Hopeless na sinundan na lamang niya ito ng tingin silently berating herself for letting a man like him go.

Why did she waste her perfect life?

"Thank you," napabaling si Tiana sa tatlong nasa may pintuan ngayon at nagpapasalamat sa dalawang Sentry na paalis na.

Isinara ni Gaius ang pinto at pumasok na kasama sina Rifka at Malik.

"Hey," malungkot ang ngiti ni Rifka nang umupo sa tabi n'ya at sumandal sa headboard. Nanghihinang ipinatong naman niya ang ulo sa balikat nito.

"They told you to get ready huh," komento ni Gaius na nakatingin sa kanyang garb na nakapatong sa mesa sa sulok.

"Yeah," mahinang sagot ni Tiana.

"Gusto mo itakas ka namin? Tapos sa ibang continent tayo manirahan? Sa tingin mo, papayag kaya si Mr. Black na dalhin tayo sa kanila. Taga- Blackbourne s'ya hindi ba?"

BattlefrontWhere stories live. Discover now