Chapter 3

5.5K 171 28
                                    

Jonathan's POV

"Gosh! Ang bigat." Nasabi ko habang kini-carry ang aking bag.

Nandito ako ngayon sa bagong bahay namin ni Andrea. Yes, eh kasi, yung mga parents namin, gusto nilang kaming ipakasal. Mag-go-good bye na sana ako sa papables ko pero dahil naka-isip ng brilliant idea itong si sisteret, I'm free pa din.

At kung tinatanong niyo kung nasaan si Andrea, nasa work pa yun. Workaholic kasi si ateng. Pero kahit ganoon, hindi naha-haggardo versoza ang beauty niya. Kainggit!

So, umakyat na ako sa taas upang pumili ng room. First door. Binuksan ko ito at puro blue ang bumungad sa akin. Ewness! Too boyish. Second door. Binuksan ko ito at chararan! Ang ganda! Puro pink. Pink ang walls, carpet, mattresses at pillows! So adorable!

Dinala ko kaagad ang mga bag ko papunta sa pink room. Inilagay ko ang mga damit ko sa closet at inayos ang iba pang mga kailangang ayusin. Tsaka kinuha ko ang aking Gluthathione soap, Body wash, Beauty cream, at Shampoo. Yes, maliligo aketch.

So gumora na ako papunta sa CR. May sariling CR kasi ang room na ito. Swerte ko no! Ako ang nakauna. So ito na nagshoshower na ako sabay kanta.

Heto ako,

Basang basa sa ulan,

Walang masisilungan,

Walang malalapitan,

Sana may luha pa,

Akong mailuluha,

At nang mabawasan,

Ang aking kalungkutan.

Ang lupit no! Aegis talaga yung kanta ko. Pagbigyan niyo na minsan lang kumanta, eh. So, tapos na akong maligo kaya lumabas na ako at naabutan kong nakahiga sa aking oh-so-precious na kama si Andrea. Anong ginagawa niya dito?

"Ahhh!" Agad niyang minulat ang kaniyang mga mata dahil sa sigaw ko.

"Anong ginagawa mo dito Andrea?" Naghy-hysterical na ako dito pero kinunutan niya pa rin ako ng noo.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo dito?" Balik niya sa akin.

"FYI, akin ang kwartong ito kaya shoo shoo, maghanap ka ng ibang kwarto." Sabi ko naman sa kaniya.

"Bakit? Andrea ba ang pangalan mo? Nasa taas ng pinto ang pangalan ko, which means, akin ang kwartong 'to." She said.

"Kahit na, ako ang nakauna. Akin na lang itong kwartong ito. Please." Sabi ko at nagpout. I know that she can't resist my cute face.

"Fine!" She said coldly at hinila ang mga maleta niya. Anong nakain ng babaeng iyon? Kahapon, sobrang nice niya sa akin, tapos ngayon, ang cold niya. O to the M to the G! Baka meron siya!

Hindi ko na ito binigyan ng pansin at nagbihis na lang. Then, pumunta ako sa kusina para magluto. Yes, since magiging wifee na ako, ako na ang magluluto. Alam ko namang pagod yung girlalu na iyon. Oh diba! Wife kaming dalawa, walang husband.

Pagkatapos kong magluto, ni-ready ko yung table. Then, nakita kong bumaba sa hagdan si Andrea. Nakasuot lang siya ng short shorts at black long sleeves. Bigla namang uminit ang paligid. Tiningnan ko yung aircon, full naman yon, ah. Bakit ang init?

Then, naglakad na si Andrea papalapit sa akin. Ngayon ko lang napansin ang messy niyang buhok na lalo pang nagpainit sa nararamdaman ko. She's still wearing her cold expression that makes her look hotter.

Naramdaman ko namang sumisikip yung pantalon ko. Ito na talaga, tumatayo na si Junior. Napalunok naman ako habang tiningnan siyang naglakad palapit sa akin.

Umupo siya sa upuang nasa opposite side ng table. She looked at me and our gaze met.

"Tatayo ka lang ba? O kakain ka?" She asked kaya bumalik ako sa katinuan.

"Siyempre, kakain. Alangan naman hindi." I said at umupo na din.

Napaka-awkward ng atmosphere. Pasulyap sulyap lang ako sa kaniya habang kumakain siya. Ang lusog kasi ng hinaharap niya eh.

Nakakainggit! Sana ako din, biyayaan ako ng ganiyan. Lalo pang uminit ang nararamdaman ko. Nagwawala na rin itong alaga ko. Gravity! Buhay ka pa pala Jonathan Junior, akala ko ba matagal ka nang patay.

"Kanina ka pa pasulyap sulyap sa akin." Sabi niya habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Ah, a-ano kasi, yung hinaharap mo eh." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin. Tapos tiningnan niya yung suot niya. Tapos tiningnan niya ulit ako.

"Hindi naman revealing ah." Sabi niya at namilog ang mata. "Pinagnanasaan mo ba ako?"

"A-ah kasi-" hindi pa man ako makapagpaliwanag, binatukan na niya ako.

"Wag mo akong pagnasaan, bakla ka." Sabi niya.

"Hindi naman kita pinagpantasyahan eh. And as a matter of fact, mga papables ko lang ang pinagnanasaan ko. Inggit lang ako sayo kasi ang lusog niyan, oh." Sabi ko at tinakpan naman niya ang kaniyang dibdib gamit ang kaniyang kamay. No need to do that girl, natatakpan ng tela ang dibdib mo.

"Siguraduhin mo lang ha. Pag pinagpantasyahan mo ako, isusumbong kita sa parents mo." Sabi niya at patakbong umalis.

"Girl! Hugasan mo ito!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ayokooo!" Sigaw niya pabalik sa akin.

"Ako ang nagluto, ikaw ang maghugas!" Sigaw ko ulit.

"Ikaw ang asawa! Ikaw ang girl kaya ikaw ang maghugas!" Sigaw niya ulit sa akin.

"Bakit? Lesbian ka ba?" I asked her. Bigla namang natahimik si Andrea. Naghintay pa ako sa sagot niya pero hindi na talaga siya sumagot eh. Kaya ako na lang ang naghugas. Baka nagtulu-tulugan lang iyon.

Pagkatapos kong maghugas, pumunta na ako sa kwarto ko para matulog. I tried to close my eyes pero hindi ako dinalaw ni Ms. Antok eh. Ting! An idea crossed my mind. Malalagot ka talaga sa akin Andrea, ginawa mo akong katulong.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya. Binuksan ko ang pinto at nakita kong mahimbing na natutulog si Andrea. Kinuha ko ang marker ko at sinulatan ang maamo niyang mukha. Nagpipigil ako sa tawa ko habang ginagawa iyon.

Pagkatapos kong gawin iyon, tatayo na sana ako nang bigla niya akong niyakap. She wrapped her arms and legs around me and pulled me closer to her. Di ko maiwasang amoyin ang bango niya!

Then, I felt my heart beat. Bumibilis ang pagtibok nito ngunit hindi ko alam kung bakit. Then, I felt a tingling sensation in my stomach. Ito na ba ang sinasabi nilang 'langaw in the stomach'?

I tried to pull away pero ang higpit pa rin ng yakap sa akin ni ateng girl. Hindi na ako nanlaban pa at pinabayaan ko na lang na manatili kami sa ganoong posisyon.

Nakayakap siya sa akin habang nakapatong ako sa kaniya at nakasubsob ang ulo ko sa leeg niya.

"I love you... Phillip." She whispered. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Nakatulog ako sa kama niya habang paulit ulit na itinatanong sa utak.

Sino ba ang Phillip na iyan?

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now