Chapter 23

3.7K 115 11
                                    

Andrea's POV

Narinig ko ang tawanan nina Jona at Claire sa ibaba. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan. 5:39 pa lang ng umaga pero gising na ako. Pumunta ako sa banyo para maligo pagkatapos, bumaba na.

Nasa sala ako at kitang kita ng dalawa kong mata kung paano landiin ni Claire si Jona. My God! Imagine niyo nga, yakap yakap ni Claire si Jona habang nagluluto ito. Ang landi talaga!

"Ehem!" Nagfake cough ako kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"An-An ko! Gising ka na pala!" Masayang bati ni Jona sa akin. Tinaasan naman ako ng kilay ni Claire at plastic na ngumiti.

"Gising ka na pala. Kumain na tayo, nagluto kami ni Jona." Sabi niya. Really? Silang dalawa ang nagluto? Hindi kapani-paniwala.

"Oo nga bebe ko. Kain na tayels!" Sabi naman ni Jona. Hindi pa din nawawala ang sigla sa boses niya.

Umupo ako sa upuang katabi ni Jona at si-nerve na ni Claire ang pagkain. Umupo naman si Claire sa harap namin. Nagsimula na kaming kumain.

"Bebe ko?" Sabi ni Jona kaya tiningnan ko siya.

"Hmm?" Sabi ko naman.

"Papasok ka ba sa trabaho?" Tanong niya kaya tumango ako. Sayang naman kasi ang sweldo ko kung Hindi ako papasok.

"Gan'on ba?" Nawala ang sigla sa boses niya at nagpatuloy sa pagkain. Ako nga rin Jona, ayaw kong pumasok dahil baka agawin ka ng Claire na ito.

"Don't worry Tany, nandito naman ako diba. At isa pa, we need time for each other. One week lang kasi ang bakasyon ko." Sabi ni Claire at nagpout. Wag kang magpout, ang pangit no.

"Mas maganda pa rin pag kasama natin ang bebe ko. Mas mag-eenjoy tayo." Sabi naman ni Jona. Kinurot ko ang pisngi niya at hinalikan ito. Tinaasan naman ako ng kilay ni Claire.

"Pabida talaga ang babaeng yan." Narinig ko ang bulong niya. Teka, bulong ba talaga iyon o nagpaparinig siya? Mapatulan nga.

"Oo nga Jona, why don't we go at my office. Pwedeng doon na lang tayo magbonding." Sabi ko at nginitian si Jona.

"At ano naman ang gagawin natin doon?" Tanong naman ni Claire at itinaas pa ang isang kilay.

"Pwede tayong magmovie marathon. Marami akong movies doon at mayroon din akong TV sa loob ng office. Anong gusto mo? K-drama? Hollywood? Bollywood? Marami akong collections." Sabi ko at nginisihan siya.

"Hindi ako interesado sa movies mo." Bored niyang sabi. Inikutan ko lang siya ng mata at nagpatuloy sa pagkain.

***

"Good morning ma'am." Bati sa akin ni Myra. Hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pumasok ako sa trabaho. Si Jona at Claire? Ayun, nagbonding sa mall. Para silang magjowa, may pa-spend spend time for each other daw. Inaya ko sila na dito sa office na lang pero ayaw ni Claire. Tapos, nung si Claire ang nagsuggest, pumayag agad si Jona.

Ang ending, hindi ako sumama sa kanila. May trabaho pa ako at uunahin ko ito. Tutal, they can spend their time without me.

"Ay, deadma. Bad trip siguro si ma'am." Rinig kong sabi ni Myra.

"Walang maganda sa araw na ito Myra." Sabi ko at hinarap siya.

"Bakit ma'am? Anong nangyari?" Tanong niya. I shrugged my shoulders.

"Kwento mo na lang sa akin." Sabi niya kaya kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari kanina.

Hindi naman kami busy at boring talaga dahil wala namang mga task na kailangan naming tapusin so, nagchikahan na lang kami ni Myra.

"Ang epal ng Claire na yan! Sugurin ko na ngayon ma'am." Sabi niya kaya tumawa lang ako.

"Naku! Kung ako sayo ma'am, kanina ko pa nginudngod sa pinakuluang mantika ang mukha ng babaeng yan! Ay sorry, nakalimutan ko, mabait ka nga pala." Natawa ulit ako sa sinabi niya.

"Pero honest na ito ma'am. Kung hindi mo kayang sabunutan ang babaeng yan, ako na ang gagawa." Daldal pa siya ng daldal. Natawa pa ako sa sinabi niya.

"Naku! Hinding hindi ko talaga matitiis yang Claire na iyan." Sabi niya pa kaya tumawa ulit ako. Then, my phone rang.

"Hello dad?" Tanong ko. Napatigil naman sa pagsasalita si Myra.

"We'll be busy this week." Sabi niya at agad pinatay ang tawag.

"Ano daw po ang sabi?" Tanong ni Myra habang seryosong nakatingin sa akin.

"Magiging busy tayo this week." Sabi ko at tumango naman siya.

"Naku ma'am! Nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na papasok na ang business ng GFPC sa Germany. Magiging busy talaga tayo ma'am." Sabi ni Myra kaya tumango ako.

"Good! This will be another achievement." Sabi ko.

How rude of me! Mag bestfriend si Jona at Claire kaya kailangan din nilang sulitin ang panahon na magkasama sila. I'll be busy this week kaya I'll give them time para mag-enjoy. Sounds like a good idea.

***

"What are you going to say?" Nakataas ang kilay ni Claire habang tinatanong ako. I know, she hates me so much.

Nandito kami sa sala at nag-uusap. Hindi pa dumating si Jona kasi pumunta pa daw siya sa company nila.

"I'll be busy this week kaya doon muna ako kila Dad at Mom magsi-stay. I'll give you time to be together. Alam kong miss mo talaga ang best friend mo kaya you can spend time together without me." Sabi ko at agad naman siyang ngumiti.

"Thank you talaga! Salamat at naiintindihan mo." Sabi niya at niyakap ako.

"Just tell Jonathan na sa bahay muna ako mag-sistay. Miss ko na din ang parents ko eh." I said. She just nodded in response.

Sana, sana talaga. Hindi niya landiin si Jona. Kung mangyari man, gagawin ko talaga ang sinabi ni Myra.

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now