Chapter 15

4.5K 153 13
                                    

Andrea's POV

Isang buwan na ang dumaan mula noong nanligaw si Jonathan sa akin. Lagi niyang ine-express ang pagmamahal niya sa akin. Lagi kaming nagyayakapan, minsan nagkikiss din kami pero smack lang.

Nalaman na din ng parents namin ang relasyon namin kaya mas lalo silang naexcite. Naalala ko tuloy...

Flashback

"Mom, Dad, Tita Jean, Tito Nathan, may aaminin kami." Sabi ko habang tiningnan sila. Focus naman sila sa pakikinig.

"Buntis ka ba?" Tanong ni Tita Jean sa akin kaya napatingin silang lahat sa kaniya.

"Oo nga, buntis ka ba?" Segunda naman ni Mom.

"Mom!" Singhal ko sa kaniya.

"Thank you Lord! Natupad mo ang prayers namin! Sana babae!" Sabi ni mommy at pinagdikit ang mga palad.

"Dapat lalaki." Sabi naman ni Tito Nathan, ang dad ni Jona.

"Babae ang gusto namin." Sabi naman ni Tita Jean.

"Ah basta! Lalaki yan." Sabi naman ni Dad.

"Babae!"

"Lalaki!"

"Babae!"

"Stop!" Sigaw naming dalawa ni Jona. Napairap naman silang apat.

"Basta, sure na ako dito, babae yan." Sabi naman ni Mom. Daig pa nila ang mga bata kung mag-away.

"Hindi, sigurado ako na lalaki yan!" Sabi naman ni Dad.

"Babae!"

"Lalaki!"

"Babae!"

"Lalaki!"

"Tumigil nga kayo!" Sigaw ko kaya tumahimik naman sila.

"I'm not pregnant." Sabi ko kaya nagkatinginan sila.

"Eh, anong aaminin mo?" Sabay nilang tanong.

"We're in a relationship." Sabi ni Jona at hinawakan ang kamay ko. Palihim akong ngumiti.

"Ayiee! Oh, Jonathan, tirahin mo na yan ha." Sabi ni Tito Nathan kaya hinampas siya ni Tita Jean ng magazine.

"Ang sabi niya, in a relationship pa, wag kang ano." Sabi niya kaya tumawa kaming lahat.

"Mabuti naman kung ganoon. So, gusto niyo na bang magpakasal?" Tanong ni Dad kaya binatukan naman siya ni Mom.

"Ang sabi niya, in a relationship pa, dene-develop pa nila ang feelings nila." Sabi naman ni Mom.

"Ang sakit nun ha." Sabi ni Dad at nagpout. Agad naman siyang niyakap ni mommy at kinurot ang pisngi.

"Sorry na." Sabi naman ni Mom. Tiningnan siya ni Dad at ngumuso.

"Kiss nga." Sabi niya. Napatawa na lang ako habang nakatingin sa kanila. Ang tanda tanda na, naglalandi pa. Napatingin naman ako kina Tita Jean at Tito Nathan.

"Nilulumot na yang utak mo." Sabi ni Tita Jean habang patuloy na hinahampas si Tito Nathan ng magazine.

"Baby aray, aray. Tama na, Baby." Sabi ni Tito. Tumigil naman sa paghampas si Tita. Ang cute ng endearment nila. Agad na niyakap ni Tito si Tita at hinalikan sa pisngi. Kinurot naman agad ni Tita ang braso ni Tito.

"PDA!" Sabi niya. Napangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Kahit matagal na silang nagsama, hindi pa din sila nagsasawang mahalin ang isa't isa. Magiging ganyan din ba kami ni Jona?

"Ang lalim ng iniisip natin, ah." Sabi ni Jona, he's not using his gay accent. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko and he moved me closer to him. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti.

"Ayiiee!" Napatingin kami kay Mom, Dad, Tita at Tito. Kanina pa pala nila kami pinapanood.

End of flashback

"An-An!" Narinig ko ang sigaw ni Jona mula sa loob. Narito kasi ako sa terrace. An-An na ang tawag niya sa akin habang Jona pa rin ang tawag ko sa kaniya.

"Jona?" Tanong ko. Tiningnan ko siya habang naglalakad palapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nasa bewang ko na pala.

"Ano bang iniisip mo?" Tanong niya gamit ang beki accent niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Wala, naalala ko lang noong umamin tayo." Sabi ko naman. I heard him chuckled.

"Nakakatawa nga yung iniisip nila, Gosh! Ang sakit nila sa bangs." Sabi niya at tumawa. Then, tinitigan niya ako at ngumisi. "Pero, alam mo, mangyayari din yun pagdating ng panahon."

"Wag mong sabihing bubuntisin mo ako!" Sabi ko. Lumaki naman ang ngisi niya at tumango.

"Waaah!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kwarto. Nasundan naman niya ako kaagad. Pabagsak kaming humiga sa kama. Nakapatong siya sa akin habang tinitigan ako.

Agad niya akong hinalikan sa labi. It was a soft kiss. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. I pulled him closer to me and continued kissing. Then, he pulled out. I smiled at him.

"Bubuntisin kita pero di pa ngayon." Bulong niya sa tenga ko. He stood up at tumayo din ako. Then he hugged me.

"Bakasyon tayo, bebe ko." Sabi niya.

"Saan?" Tanong ko naman. He looked at me and smiled.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.

"Beach."

"Okay, mag-impake ka na. Bukas pupunta tayo sa beach."

"Agad agad?"

"Siyempre, para sa An-An ko." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.


Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now