Chapter 18

4.3K 137 28
                                    

Andrea's POV

Hinubad ko ang malaking itim na T-shirt na suot ko. Nagsuot kasi ako ng two piece sa ilalim. Hindi ko na huhubarin ang short ko. Ayoko kasing ma-expose ang buong katawan ko.

Tiningnan ko si Jona at nakita kong titig na titig siya sa katawan ko. Nakanganga ang bibig niya habang nakatitig rito.

Sino ba naman kasi ang hindi mapatitig sa katawan ko? Maganda ang hugis nito at makinis pa at maputi. At aaminin ko, may kalakihan talaga ang hinaharap ko. Kinagat ni Jona ang labi niya habang nakatitig pa din sa katawan ko.

Oh, inggit siya sa katawan ko. Wala naman palang laban ang abs niya eh. I snapped my fingers in front of him.

"Hoy, Jona. Ang sabi ko, maligo tayo." Sabi ko kaya bumalik naman siya sa katinuan.

"Ang ganda naman ng katawan mo, naiinggit ako." Sabi niya at nagpout.

"Sadyang gifted lang ako. Wag kang mag-alala, iyong iyo pa rin itong katawan ko. Ligo na tayo!" Sabi ko kaya tumango naman siya.

Tumakbo ako papunta sa dagat at lumangoy agad. Pag-ahon ko mula sa tubig, nagulat ako dahil nasa harap ko na pala si Jona. Napahawak tuloy ako sa matigas niyang dibdib. Agad naman niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. He pulled me closer to him.

"Jona?" I asked him. Pati ba naman dito? Aba! Sumusobra na siya.

"Gusto lang kitang yakapin." Bulong niya sa tenga ko. Kaya nagyakapan kami habang nakababad sa tubig.

"Aw, ang sweet naman nila."

"Nakakakilig sila."

"Bagay sila."

"Sana ganyan din kami ng BF ko. Pero naalala ko, wala nga pala akong BF."

"Lamporeber! Magbe-break din kayo!"

Maraming bulong-bulungan ang narinig ko. Kanina pa pala kami pinagtitinginan.

"Oh, bitaw na, kanina pa tayo pinagtitinginan dito." Sabi ko sa kaniya. He smiled at me.

"Hindi ako bibitaw, I won't let you go because I know that if I do, I can't get you back." Sabi niya kaya napatitig ako sa mga mata niya.

"I mean, pwede naman tayong magyakapan anywhere. Wag lang dito, maraming tao." Sabi ko kaya nagsmirk siya. Hinila niya ako at bumalik kami sa hotel.

Nagbanlaw na ako at sumunod naman siya. Then, nagpalit ako ng malaking T-shirt na kulay pula at puting maong na short.

Lumabas si Jona mula sa kwarto. Naka blue T-shirt siya at nakashort na kulay brown. Nilapitan niya ako at agad na niyakap.

"Maglunch muna tayo." Bulong niya sa tenga ko na agad ko namang tinanguan.

Pumunta ulit kami sa restaurant na malapit sa hotel at naglunch doon. Then, gumala naman kami sa mall. Naglaro kami sa arcade at pumunta sa cosplay stall.

***

"Ang gwapo mo Natsu!" Sabi ko nang makita si Jona. Ang hot niyang tingnan lalo na dahil kitang kita ang abs niya. Ginagaya niya si Natsu ng Fairytale habang ako naman si Lucy.

"Ang sexy mo Lucy." Sabi niya.

"Mas sexy ka kaya. Tingnan mo oh, tumutulo na yung laway ng saleslady." Sabi ko habang tinuturo ang saleslady na kanina pa nakanganga.

"Mas sexy ka tingnan mo oh, ang daming nakatingin sayo." Sabi niya habang tinuturo ang mga lalaking kanina pa silip ng silip.

"Pasok na nga tayo sa booth!" Sabi ko at tumawa lang siya. Pumasok nga kami at nagpicture. Iba't ibang pose yung ginawa namin.

Pagkatapos, nagbihis na kami at lumabas. Sunod naming pinuntahan ay ang tindahan ng mga teddy bears.

"Gusto mo nito?" Tanong niya sa akin at ipinakita ang panda na hawak niya. Malaki ito at cute tingnan kaya tumango ako.

"Bilhin natin." Sabi niya kaya natuwa ako. Pumunta na siya sa counter habang naglibot libot pa ako. Nakita ko naman ang stall na puro caps ang binebenta.

"Ang ganda nito!" Sabi ko at kinuha ang dalawang caps na black and white at parehong may Korean calligraphy.

"Miss, ano bang ibig sabihin nito?" Tanong ko sa saleslady habang tinuturo ang Korean calligraphy ng puting cap.

"Yeojachinku po, ibig sabihin, girlfriend." Sabi niya.

"Eh, ito?" Tanong ko habang itinuro ang Korean calligraphy ng itim na cap.

"Namjachinku, ibig sabihin, boyfriend." Sabi niya kaya agad akong nagka-interes. Cute kasi tingnan at talagang pangcouples siya.

"Bibilhin ko po." Sabi ko.

"350 pesos po lahat." Sabi niya kaya binigyan ko siya ng five hundred. Agad niya namang naibigay ang sukli kaya namili pa ako ng ibang accessories.

May mga couple tees doon, couple watch, couple glasses at marami pang iba. May mga couple mugs din.

Naglakad na ako papunta kay Jona nang nakita ko siyang kayakap ang isang babae. Wait, sino ba ang babaeng yan? At bakit sila nagyayakapan?

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now