Chapter 17

4.2K 152 7
                                    

Jonathan's POV

Kumulo ang dugo ko nang makita kong hinalikan ni Kapre ang An-An ko. Pati nga si An-An nagulat din.

"Matt?" Tawag niya kay Kapre. So, Matt pala ang pala ang pangalan ng chakang Kapre na ito.

Fafable nga siya kasi macho at gwapo pero agawin ba naman ang girlfriend ko. No way! Kahit gaano siya kahot, di ko pa din ibibigay si An-An.

"Sino ka?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Aba! Ang angas din ng isang 'to.

"Eh, ikaw? Sino ka?" Tanong ko. Siyempre, nag-aangas angasan din ako.

No beki accent muna, baka agawin pa sakin si An-An. Naku! Di ako papayag. Try niyo lang agawin ang bebe ko, magkakapatayan na.

"Ako lang naman ang sikat na model ng Nathaniel fashions." Sabi niya at ngumisi. So, gusto niyang mainggit ako sa kaniya? Sorry siya.

"Ah, model ka pala ng mga sapatos. Sorry, di ko nakita ang mukha mo sa magazine. Paa mo lang kasi ang pinicturan eh." Sabi ko naman at inakbayan si An-An.

"Model din ako ng brief no!" Sabi niya pa.

"Ah, ikaw pala yung may malaking itlog. 12 inches yata ang haba." Sabi ko at ngumisi.

"Aish! Model din ako ng T-shirt, jersey at iba pang accessories kaya wag mo akong i-smallin." Sabi niya at halatang asar na asar. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni An-An.

"Ah ganoon ba. Ako naman ang CEO ng Kennedy Shipping and Transport. Baka nakakalimutan mong malaki ang utang ng Nathaniels Fashion sa company namin." Sabi ko at ngumisi.

He sighed. Yes! Panalo na ako! Tiningnan niya naman si An-An.

"Sino ba siya?" Tanong niya dito.

"Mahal ko." Simpleng sagot ni bebe ko. Agad ko naman siyang hinila.

"Halika na nga bebe ko." Sabi ko habang hinihila siya. Huminto kami sa ilalim ng puno ng niyog. Agad ko naman siyang niyakap.

"An-An ko, para kang puno ng niyog." Bulong ko sa tenga niya.

"Bakit?" Tanong naman niya.

"Kasi you are the tree of my life." Sabi ko sa kaniya kaya siya naman ang bumanat.

"Mais ka ba?" Tanong niya kaya nag-'bakit' din ako.

"Kasi ang corny mo." Sabi niya. Ay, akala ko kikiligin na ako.

"Bahala na kung corny basta sweet corn." Sabi ko naman kaya ngumiti siya.

"Di ka talaga mauubusan no?" She asked kaya ngumiti lang ako.

"Gaano ba kalalim ang karagatan?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Why? You want to swim in the ocean? Wag dun, maraming shark." Sabi niya habang nagpout.

"No, ang gusto kong sabihin, kahit gaano kalalim ang karagatan, hindi nito mapapantayan ang lalim ng pagmamahal ko para sa iyo." Banat ko kaya kinurot niya ako.

"Ito pa. Gantimpala ka ba?" Tanong ko kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Ang dami mong pick up lines ha." Sabi niya. "Oh sige na nga, bakit?"

"Kasi handa kong harapin ang mga challenge makamit ka lang." Banat ko ulit. Hindi talaga ako mauubusan ng pick up lines.

"Sapat na." Sabi ko kaya naguguluhan siyang tumingin sa akin.

"Anong 'sapat na'?" Tanong niya kaya ngumiti lang ako.

"Sapat nang ikaw lang ang kasama ko at pagmamahal mo lang ang nasa isip ko." Sabi ko at hinalikan siya ng pasmack sa labi.

"Maliligo na ba tayo?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Ang init pa kasi eh." Sabi niya habang nakatingin pa din sa dagat.

Agad ko namang hinubad ang suot kong white T-shirt. Nakashort kasi ako at nakawhite T-shirt. At dahil hinubad ko ito, kitang kita ang tiyan ko.

Mainggit kayo! May abs ako. Lagi kasi akong nag-gy-gym at jogging almost everyday. Lumingon sa akin si An-An kaya namula siya at agad umiwas ng tingin.

Niyakap ko siya agad patalikod. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at inamoy amoy ang buhok niya.

"Nahiya ka ba sa abs ko?" Tanong ko. The tip of my nose is slightly touching her neck causing her to moan.

"PDA!" Sabi niya at tiningnan ako. Napatingin din ako sa kaniya.

"Wala namang tumitingin dito eh." Sabi ko at hinalikan ang labi niya. Isinandal ko siya sa puno ng niyog at nagpatuloy kami sa paghahalikan. Pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya at nasa balikat ko naman ang kamay niya.

"Hay naku! Mga bata talaga ngayon, walang pinipiling lugar." Narinig naming sabi ng matanda sa hindi kalayuan.

Namula naman ang mukha ni An-An.

"Jona, maligo na nga tayo." Sabi niya at hinubad ang black na T-shirt niya. Literal akong napanganga sa nakita.

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now