Chapter 22

3.8K 121 8
                                    

Andrea's POV

"Good morning Myra!" Bati ko sa aking sekretarya pagpasok ko sa office. Balik na ulit ako sa trabaho. Tapos na kasi ang two-day-vacation ko.

"Good morning ma'am. May nagpapabigay ulit." Sabi niya at ngumiti. She handed me the chocolates and flowers. For sure, galing na naman ito sa suitors ko.

"Sino na naman ba? Is it Matt? Ken? Justin? Ashlley?" Tanong ko. Sila yung laging nagpapadala sa akin ng mga ganito. And I'm annoyed at their presence.

"Galing po iyan kay Sir Jonathan, ma'am." Sabi niya at kinilig. Yup, she knows about our relationship and how it all happened. She's my friend in this company. Ngumisi na lamang ako.

"Ma'am, kailan po ang kasal niyo? Invited ako?" Tanong niya. Nginitian ko lang siya at umiling.

"Ano ba naman yan. Hindi ako invited." Sabi niya at nagpout. Nakakatawa talaga ang babaeng ito. I really enjoy her company.

"In relationship pa kami no, hindi pa kami magpapakasal." Sabi ko at nagsmile ulit. Ngumisi naman siya at tumango.

"Basta ma'am ha. Iinvite niyo ako." Sabi niya kaya tumango na lang ako.

Umupo na ako sa swivel chair ko at nagpalipas ng oras. I looked at the flowers. Pinapakilig ako ni Jona.

To my An-An,

Have a nice day bebe ko, mahal kita. Susunduin kita diyan mamaya ha, date tayo.

Yours truly,
Jona

Ngumiti na lang ako habang binabasa ang nakasulat sa stickee (tama ba spelling?) note. Ngumiti na lang ako at binuksan ang chocolate. Nagsimula na din akong kumain.

***

Hapon na, wala pa din along ginagawa, naubos ko na nga ang chocolate na binigay ni Jona.

"Excuse me ma'am." Sabi ni Myra kaya kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "May bisita ka."

Before she closed the door, she mouthed the word 'gwapo'. Ngumiti muna siya then sinarado ang pinto. Pumasok naman kaagad ang isang lalaki.

Sapatos niya lang ang nakikita ko. Nakayuko kasi ako kaya iniangat ko ang tingin ko ngunit laking gulat ko dahil siya pala ang bisita.

"Gilbert?" Tanong ko, bakas sa mukha ko ang galit. I know, I've moved on from Phillip pero malaki pa din ang galit ko sa kaniya.

"Nice office." Pangiti niyang sabi habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng office ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko pero ngumisi lang siya.

"Masama bang bisitahin ka?" He asked. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"What are you planning to do? Huh?" Sabi ko. I know, sisirain na naman niya ang buhay ko.

Kung dati, si Phillip, baka ngayon si Jona naman. Naku, baka mahulog kay Gilbert yung baklang iyon. Ang hilig pa naman nun sa gwapo.

And, just thinking that makes me want to punch his face. Ayokong masira ulit ang buhay ko. Ayokong magunaw ulit ang mundo ko.

"Do you really think na sisirain ko ang buhay mo?" Tanong niya. Tinikom ko na lang ang bibig ko. He knows exactly what I'm thinking.

"Tell me Andrea, mali bang magmahal?" He asked. Umiling lang ako.

"Hindi maling magmahal. Ang mali, yung pinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong may iba nang mahal." I said kaya sumeryoso ang atmosphere. Teka, kanina pa naman seryoso ang atmosphere, ah.

"Then tell me, is it wrong to love you?" Tumahimik na lamang ako.

"Masama bang ipadama ko ang nararamdaman ko huh?" Pagpapatuloy niya.

"Just let me love you, wala akong pakialam kung may iba kang mahal." He said kaya tiningnan ko siya.

"Before you love me, mahalin mo muna ang sarili. Wag kang magpakatanga, masasaktan ka lang." I said. Yes, masakit ang maging tanga. Na-prove ko na iyan.

Nagpakatanga ako kay Phillip noon. For five long years, I endured the pain. But now I have moved on. Ayokong may magpakatanga, they'll end up hurting themselves.

"Kakambal ng pag-ibig ang sakit. Kaya handa akong masaktan, maipakita ko lang sayo ang tunay kong nararamdaman." He said.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jona. Hindi ko namalayang mabilis na pala ang oras. Sinusundo na niya ako. Napansin kong matatalim ang tinging binabato niya kay Gilbert.

"Ikaw yung lalaki sa park noon tama ba?" Sabi ni Jona habang nakatingin kay Gilbert. Maangas ang pagkakasabi niya at boses lalaki din ang gamit niya.

"Yeah, ako nga iyon." He said. "Sige mauna na ako." Tumalikod siya at lumabas sa office.

Agad naman akong niyakap ni Jona, sinubsob niya ang ulo sa leeg ko at inamoy ito.

"Anong ginawa niya dito?" He asked using his manly voice kaya umiling lang ako.

"Wala naman, nag-usap lang kami." Sabi ko. He looked at me and stared at my eyes.

"Sigurado ka?" He said kaya tumango ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Nasanay akong gumagamit siya ng gay accent niya but now, he's so manly at serious. Then, bigla siyang ngumiti.

"Mabuti naman kung ganoon An-An ko." Sabi niya at hinalikan ang noo ko. "Lika na, date na tayo."

Agad kaming lumabas sa office at nagpaalam kay Myra. Kinikilig naman siya habang nakatingin sa amin. Tapos bigla siyang sumigaw.

"Sana pagbalik niyo, may baby na kayo!" Sigaw niya kaya inirapan ko siya. Si Jona naman, ngumiti lang.

"Oo, gagawa kami mamaya." Nagulat ako sa sagot niya. Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako.

***

Narito na kami sa restaurant at nagsisimula na ding kumain. We just talked about random things at hindi namin namalayan na gabi na.

"Let's go home." Sabi niya. He grabbed my hand and intertwine our fingers. Sumakay kami sa kotse niya at umuwi.

Pagdating sa bahay, nakita naming may babaeng nakatayo sa labas ng gate. Lumabas kami ni Jona sa sasakyan. Nang nakita kami ng babae, tumakbo siya papunta kay Jona at bumeso.

"Claire!" Sabi ni Jona kaya kumulo na naman ang dugo ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Jona kay Claire.

"I'm staying in the Philippines for vacation kaya balak kong magspend ng oras with you. And pumayag si Tito Nathan and Tita Jean na dito ako magstay sa bahay niyo." Sabi niya kaya kumulo ang dugo ko.

What? Dito siya titira sa bahay namin? No way!

Marrying Mr. GayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum