Chapter 8

4.9K 176 26
                                    

Andrea's POV

Bago pa man dumampi ang labi ko sa labi niya, agad na siyang lumayo at tumawa.

"Hahaha!" Sabi niya sabay turo sa mukha ko. Kinunutan ko lamang siya ng noo.

"Nakakatawa ang- pfft! Hahaha! Mukha mo." Sabi niya. Agad naman akong nagpout at tumayo.

"Diyan ka na nga." Sabi ko. Agad naman siyang tumayo at pinuluput ang kaniyang kamay sa bewang ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at parang kinikiliti ang tiyan ko.

"So, gusto mo talagang halikan kita?" Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya.

"Tigilan mo nga ako Jona! Kinikilabutan ako sayo." Sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

"Tulungan kitang magmove on." Sabi niya kaya agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Pano?" Tanong ko at tinitigan siya sa mata.

"Edi maghanap tayo ng hot na fafables!" Excited na sabi niya. Nagningning naman ang mata niya dahil sa sinabi.

"Ayoko na. Back out na ako diyan sa plano mo." Sabi ko at tinaas pa ang dalawa kong kamay.

"Grabe, ka naman te! Minsan lang naman eh." Sabi niya at nagpout pa.

"Ikaw ha, puro fafables yang nasa utak mo." Ngumiti lang siya sa akin at nagpacute.

"Bakit? Gusto mo ikaw lang ang laman ng utak ko?" Sabi niya at lumawak ang ngisi.

"Aish! Jona, tumigil ka." Sabi ko sa kaniya. Ipinulupot niya ulit ang kamay niya sa bewang ko.

"Eh, pano kung Hindi ako titigil?" Sabi niya.

"Kung sino ka mang sumapi sa katawan ni Jona, pakiusap, lumabas ka na!" Sigaw ko sa kaniya pero mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Eh, pano kung hindi ako sinapian?" Lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit na lamang ako dahil sa posisyon namin.

Nakayakap kasi siya sa akin habang ang dalawa kong kamay ay nasa dibdib niya. Idagdag pa na napakalapit ng mukha niya sakin.

"Ahhh!" Nakarinig kami ng tili kaya agad kaming napatingin sa pinto.

"Mom! Dad!" Halos sabay naming sabi ni Jonathan. Agad ko naman siyang tinulak kaya napabitaw siya sakin.

"Oh my Gosh! Ilan ang gusto niyong apo, mare?" Tanong ni Tita Jean.

"Gusto ko anim." Sabi naman ni mommy.

"Pito yung gusto ko." Sabi naman ni Tita Jean.

"Eh, sampu ang gusto namin." Sabi ni Mr. Kennedy habang tinuturo si daddy. Napairap na lang kaming dalawa ni Jonathan.

"Girl, excited na excited silang magkaapo eh, impossible namang mangyari yun." Sabi ni Jonathan habang dahan dahang ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Anong impossible?" Sabi ni mommy at nakatingin sa posisyon namin. Nakaback hug kasi si Jonathan sa akin at nakapatong ang chin niya sa shoulder ko.

"A-ahmm, a-ano, ah, hindi pa k-kasi kami s-sigurado sa f-feelings namin." Nauutal Kong sabi. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon.

"So, aalis muna kami ha. Ipagpatuloy niyo lang ang lambingan moment niyo." Sabi ni Tita Jean at kinindatan kami.

Pagkaalis nila, agad akong binitawan ni Jona. Humiga siya sa kama ko at nagpagulong gulong.

"Hay! Ang boring ng life." Sabi niya at patuloy na gumulong.

"Hanap tayo ng fafables." Agad kong sabi kaya napatingin siya sa akin. "But no more clubbing."

Lumawak ang ngiti sa labi niya. Agad siyang tumayo at niyakap ako.

"The best ka talaga sisteret!" Sigaw niya kaya ngumiti lang din ako.

***

"

Sa park?" Tanong ko matapos niyang ipark ang kotse.

"Wag kang ano. Maraming kekz dito." Sabi niya at lumabas ng sasakyan. Sinundan ko lang din siya.

Naglalakad lang kami sa pathway habang tinitingnan ko ang paligid. Maraming bulaklak dito at maraming kahoy. Napansin kong madilim na pala kaya kapansin pansin ang mga lights sa bawat corner na nadadaanan namin.

Naglakad pa kami hanggang sa narating namin ang tulay. Mula rito, kitang kita ang mga lalaking nagpapraktis ng sayaw, mga batang naglalaro, mga couples na nagde-date, at ang mga taong naglalakad lang.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad at naramdaman ko ang kamay ni Jona na humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti lang din ako.

Naglalakad kami habang magkahawak ang kamay. Umupo kami sa isang bench at nagrelax muna.

"Nakikita mo yung mga lalaking sumasayaw?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Diba, ang gwapo nila! Ang hot pa! Mga fafables talaga." Tili niya while squeezing my hand. Bakla talaga.

"Dito ka muna ha, bibili lang ako ng cotton candy." Sabi niya at tumango na lang ako.

Tiningnan ko lang siya habang naglakad palayo. Tapos, naramdaman kong may tumabi sa akin. Napatingin naman ako at namilog ang aking mga mata.

"Long time no see." Bati niya sa akin.

"G-Gilbert?" Nauutal kong sabi.

"Grabe, ka naman. Para kang nakakita ng mul-" isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa akin. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tiningnan siya.

"Para saan yun?" Tanong niya sa akin.

"Wow ha! May gana ka pang magtanong matapos mong sirain ang buhay ko!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumisi lang ang gago.

"Mahal kita Andrea! Hanggang ngayon mahal pa din kita!" Sabi niya sa akin.

"Well, I'm sorry Gilbert dahil Hindi kita mahal." Sabi ko sa kaniya. "Nasira mo na ang buhay ko, masaya ka na ba? Please, pabayaan mo na ako. Ang sakit na eh."

"That's why I'm here to heal your broken heart." Sabi niya at niyakap ako. Gusto ko man siyang itulak pero sadyang malakas siya. "Just let me love you. Bigyan mo ako ng lugar sa puso mo."

"Who are you?" Narinig ko ang manly voice ni Jonathan sa likuran ko. Agad naman akong binitawan ni Gilbert at napatingin siya Kay Jonathan.

"I'm Gilbert. Eh, ikaw? Sino ka?" Tanong niya kay Jonathan. Lumapit naman si Jonathan sa akin at ibinigay ang nabili niyang cotton candy. Then, nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"I'm Jonathan and I'm her BOYFRIEND!" Sabi niya at inemphasize pa talaga ang salitang boyfriend. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"So, nakamove on ka na pala?" Sabi ni Gilbert at ngumisi. "Anyway, aalis na din naman ako. Gusto ko lang sabihin sayo, Andrea, na marami kang Hindi alam."

Tumalikod siya at umalis. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Marami akong Hindi alam? Napatingin naman ako kay Jona.

"Hindi mo naman kailangang magpanggap na boyfriend kita." Sabi ko at umupo ulit sa bench.

"What if, gusto ko?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Gusto mo?" Tanong ko ulit.

"Oo." Maikling sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko at lumaki ang mata ko dahil sa sagot niya.

"Dahil nagseselos ako sa mga lalaking lumalapit sayo."

Marrying Mr. GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon