Chapter 13

4.8K 164 5
                                    

Andrea's POV

Nagising ako at nakita kong katabi ko si Jona na nakahiga sa kama. Ano bang nangyari kagabi? Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'I'll always stay with you', everything was a blur. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

"You're awake." Sabi niya habang nakangiti akong tiningnan. He is using his manly voice. He rubbed his temple and yawn.

"Anong nangyari kagabi?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. He shook his head at bumangon.

"Wala." Sabi niya, ngumiti naman ako sa kaniya at bumangon na rin. Lumabas siya at pumunta sa room niya. Pumunta na din ako sa CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magsipilyo, nagbihis na ako. Short short na kulay green at malaking T-shirt na kulay black ang suot ko ngayon. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nakita ko namang nagluluto si Jona. Nilapitan ko siya at niyakap patalikod.

Nagulat ako dahil humarap siya sa akin at ngumisi. Ginulo niya yung buhok ko at niyakap din ako.

"Chumachansing ka na ha." Sabi niya with his beki accent.

"Anong chansing? Tsk. Mag-go-good morning lang sana ako." Sabi ko naman. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at tiningnan yung mga niluluto niya. Sunny side egg. Perfect for breakfast!

"Turuan mo naman akong magluto." Sabi ko at ngumiti.

"Of course ateng. Tuturuan kita para maging mabuti kang asawa." Sabi niya.

"So husband ka?" Tanong ko naman. Ngumisi siya at nilagay ang kamay niya sa bewang ko. Siya naman ang yumakap sa akin patalikod. Inilagay niya ang chin niya sa shoulder ko.

"Bakit? Gusto mo ba akong maging husband?" Tanong naman niya sa akin gamit ang panlalaki niyang boses. Napatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Joke lang teh! Malamang, wifey din ako." Sabi niya at nag-peace sign pa. Agad ko naman siyang binatukan.

"Kinikilabutan ako sa iyo." Sabi ko at ngumiti. "So, pano to?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinuruan niya akong magluto. First time kong magluto.

***

"Hehe, sunog." Nahihiya kong tawa. Bigla namang tumawa ng malakas si Jona.

"Ang epic ng mukha mo sis! Pfft! Haha!" Tawa niya.

"Tumahimik ka na nga! Kumain na lang tayo." Sabi ko naman sa kaniya.

"Ah, galit ang fiancee ko." Paglalambing niya habang niyakap ako patalikod. Naramdaman ko na naman ang kuryente at parang kinikiliti ang tiyan ko.

"Anong nakain mo Jona?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya.

"Yan oh." Sabi niya habang nakaturo sa leeg ko. Agad ko naman itong kinapa at parang may bukol doon. Teka, kailangan ba ako nagkaroon ito?

Pumunta ako sa pinakamalapit na salamin na nasa sala lang namin. Nakita kong kulay pula ito and it looks like it was bitten and sucked. Ano ba talagang nangyari kagabi?

"Jonathan!" Sigaw ko. Patakbo naman siyang pumunta sa akin.

"Yes?" Tanong niya with his beki accent.

"Ano to?" Tanong ko at ngumisi siya.

"Kiss mark, malamang." Pamimilosopo niya.

"Ikaw ba ang may gawa nito?" Tanong ko habang itinuro ito. Lumaki ang ngisi niya.

"Ikaw talagang bakla ka! Ang manyak mo!" Sigaw ko sa kaniya habang pinapalo ang balikat niya.

"Ouch! Aray! Nagustuhan mo naman eh." Sabi niya kaya lumaki ang mata ko.

Then, naalala ko na ang mga nangyari. Hinalikan niya ako at
hinalikan ko din siya. Agad namula ang mukha ko.

"Naalala mo na?" Tanong niya kaya tumalikod ako. Nakakahiya, wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya. Agad naman niya akong niyakap patalikod.

"Wag ka nang mahiya kasi ikakasal din naman tayo pagdating ng panahon." Bulong niya sa tenga ko. Ngumiti naman ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"May pupuntahan tayo, magbihis ka." Sabi niya at hinalikan ang noo ko. Umakyat siya upang pumunta sa kwarto niya at ganoon din ako.

I changed my clothes at nagsuot ng off shoulder, long sleeve top na kulay blue at white pencil skirt na above the knee.

Bumaba ako at nakita kong naghihitay si Jona sa sala. He is wearing a blue T-shirt at maong na pantalon. Tiningnan niya ako at tumingin din siya sa suot niya.

"Blue pala ang color of the day natin te!" Sabi niya kaya tumawa ako.

"Let's go." Sabi niya ulit kaya tumango ako. Sumakay kami sa kotse at umalis.

***

"Sa park ulit?" Tanong ko sa kaniya kaya ngumisi lang siya.

"May galit ka ba sa park?" Tanong niya kaya umiling ako. Lumabas siya ng sasakyan at ganundin ako.

Naglakad ulit kami sa pathways na napapaligiran ng bulaklak. Hanggang ngayon, ang ganda pa ring tingnan. Pumitas siya ng bulaklak at binigay sa akin.

"Thank you ha." Sabi ko at ngumiti. Nginitian niya din ako.

Naglakad ulit kami hanggang sa narating namin ang tulay. As usual, maraming couples na nagde-date, mga batang naglalaro at mga taong naglalakad lang.

Hinawakan ni Jona ang kamay ko and he intertwined our fingers. Tiningnan ko siya at ngumiti lang siya. Then, I felt the tingling sensation run down my spine. My heart is beating abnormally fast.

He looked at me and smiled. I smile at him, too. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"I think I'm in love." Bulong niya sa tenga ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"In love?" Tanong ko.

"Uulitin ko pa ba te?" Bulong niya ulit kaya umiling lang ako.

"Kanino?" Tanong ko.

"Wag ka nang magtanong, kilala mo siya." Sabi niya at tumingin din sa akin kaya nagkatitigan kami. Kumunot naman ang noo ko.

"Sino nga?" Tanong ko ulit at ngumiti. Pero deep inside, my heart is aching. Yung feeling na lagi kayong naglalambingan pero iba pala ang mahal niya. Ang sakit.

"Basta, makikilala mo siya mamaya." Sabi niya at ngumiti din sa akin.

"Ganoon ba?" I said and disappointment is evident in my voice. Tumango naman siya.

"And I want to court her. Later." Sabi niya. So, it's a girl. Lalaki na ba talaga siya?

"Lalaki ka na ba?" Tanong ko. Umiling lang siya.

"I'm not sure. Nalilito pa din ako." Sabi niya.

"Let's walk around." Sabi niya at hinila ako para maglakad.

Sigurado akong mahal ko na siya. Pero, bakit ngayong sigurado na ako sa nararamdaman ko, saka pa siya nahulog sa iba?

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now