Chapter 4

5.2K 190 18
                                    

Andrea's POV

Flashback

Pumunta ako sa memorial ni Phillip. Pagdating ko doon, nakita ko si Tamara, ang best friend ni Phillip.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay siya." Sabi niya at tiningnan ako ng masama.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Sabi ko sa kaniya.

"Malandi ka!" Sabi niya.

"Mali ang iniisip mo-" may sasabihin pa sana ako ngunit pinutol na niya.

"Sana ikaw na lang ang namatay!" Sigaw niya sa akin at umalis.

End of flashback

"Ahhh!" Sigaw ko at itinulak si Jonathan. Nakapatong kasi siya sa akin at nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. Nakasubsob din sa leeg ko ang mukha niya at halos dumampi na dito ang labi niya. Naramdaman ko din ang paghinga niya sa leeg ko.

Dahil sa pagtulak ko sa kaniya, nahulog siya. Minulat niya ang kaniyang mata at tumawa.

"Pfft! Hahaha!" Tawa niya habang tinuturo pa ako.

"Anong nakakatawa? Bakit ka nandito?" Sigaw ko pero tawa pa rin siya ng tawa.

Tumakbo na lang ako papunta sa CR. Maghihilamos na lang ako, walang kwentang kausap si Jonathan, eh. Tinatanong ko tapos sinagot lang ako ng tawa. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at agad na lumaki ang mata ko.

"Jonathaaaaan!" Sigaw ko.

Yung mukha ko kasi, puro ink. Yuck! Agad ko itong hinugasan. Nirub ko ang mukha ko gamit ang Safeguard. Oh, Safeguard talaga para iwas germs. Hindi kasi ako maarte kaya Safeguard lang okay na.

Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush, bumaba na ako at nakita kong ready na ang agahan.

"Good morning sisteret!" Masiglang bati ni Jonathan. Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain.

"Walang maganda sa umaga." Sabi ko. Pati ako ay nagulat sa sudden change of attitude ko. Ito siguro ang epekto ng sinabi ni Tamara sa akin.

Oo, malaki ang epekto ng sinabi niya. At dahil doon, sinisisi ko ang sarili ko. Tama, sana hindi na lang si Phillip ang namatay. Sana ako na lang. He's a good man. He deserve someone better.

"Ang lalim ng iniisip natin teh!" Sabi ni Jonathan, sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba ang cold mo sakin ha? May nagawa ba ako?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin.

"Anyway, papasok ka ba sa trabaho?" Tanong niya ulit at tanging iling lang ang sagot ko.

"Ay, really? Tulungan mo naman akong maghanap ng fafables!" Excited na sabi niya.

"Sige." Sabi ko. Pagkatapos kong kumain, tumayo ako. Sinamaan naman ako ng tingin ni Jonathan.

"Bakit?" Tanong ko. Iba kasi yung titig niya sa akin eh. Parang gumawa ako ng kasalanan.

Marrying Mr. GayWhere stories live. Discover now