Chapter 5

5.1K 170 16
                                    

Andrea's POV

"Natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, natin. Tayo at ang fafables natin." Sabay niya. Ay. Akala ko ano na. Ngumiti lang ako sa kaniya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Dahil siguro ito sa gulat. Bigla niya kasi akong niyakap eh.

"Maglunch muna tayo ateng." Sabi niya at hinila ako palabas ng sinehan.

Sabay kaming kumain sa isang restaurant. Hindi ko na binigyang pansin ang pangalan nito at kumain na lang.

"So, sabihin mo na kasi sakin kung saan tayo maghahanap ng 'fafables'." Sabi ko at patuloy lang sa pagkain.

"Mamaya na ateng, kailangan pa natin magpaganda." Sabi niya.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami sa bahay. Kumunot naman ang noo ko.

"Akala ko ba maghahanap tayo ng 'fafables'?" Tanong ko at tumango lang siya.

"Eh, bakit tayo uuwi?" Tanong ko ulit. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Excited much?" Sabi niya at binalik ang tingin sa daan.

Pagdating namin sa bahay, pinark niya ang sasakyan as garage. Lumabas kaming dalawa doon at pumasok sa bahay.

"Magbihis ka ng sexy ha." Sabi niya at pumasok sa room niya. Tumango lang ako at pumunta sa room ko. Naghanap ako ng damit na presentable. Saan ba kami pupunta? Bakit kailangan pa magsuot ng sexy?

Napili kong suotin ang isang black tube na fitted dress na hanggang gitna ng hits ko. Then tinernuhan ko ito ng black na doll shoes na may 3 inch heels. Sinuklay ko lang ang hair ko at tumingin sa salamin.

Dahil ready na ako, kinuha ko ang wallet at phone ko at bumaba na. Naabutan Kong nakaupo sa sofa si Jonathan. Nakasuot siya ng white v-neck na sweatshirt at pinaresan niya ng pantalon na black then Converse shoes.

Napako ang tingin niya sa akin. Sandali siyang natigilan saka tumayo at lumapit. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

"Jona?" Tanong ko pero nakatitig lang siya sa akin.

"May kulang." Sabi niya at may kinuha siya sa bulsa ng pants niya. Isang... Lipstick?

"Yung lips mo teh, lagyan natin nito." Sabi niya at tumango lang ako. Nilagyan niya ng lipstick ang labi ko then ngumisi siya sa akin. Tiningnan niya yung labi ko tapos tiningnan yung mata ko. Bumalik ang tingin niya sa labi ko, tapos sa mata ulit.

"Pakiss." Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. "Aray naman teh, di ka naman mabiro. Alis na nga tayo."

***

"Hot and Hard Night Club?" Tanong ko kay Jonathan. Tumango lamang siya at nagsmile.

"Maraming kekz(gwapo) dito ateng." Sabi niya at lumabas sa sasakyan. Sumunod naman ako at sabay kaming pumasok sa club.

Pagpasok ko palang, pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nagulat ako dahil bigla kong naramdaman ang kamay ni Jonathan sa bewang ko. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

"Ngayon lang siguro sila nakakita ng Diyosa." Bulong niya sa tenga ko. Napangiti na lamang ako ng wala sa oras.

"Sinong diyosa?" Tanong ko sa kaniya.

"Sino pa ba? Edi ako." Sabi niya kaya napatawa na lamang ako.

"Diyosa o sirena?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

Marrying Mr. GayOnde histórias criam vida. Descubra agora