Chapter 4

329 18 3
                                    

Guysss still flashback parin ito

Sorry medyo matagal akong makakapag update kasi medyonbusy ang life..sana magustohan niyo ito enjoy reading
–––––––––––––––––-–----------------------––---
         VICE P.O.V

         TAMA ang kasamahan ni Vice na si Gino, kailangan niya ang isang malaking goodluck sa buhay para maiwaksi ang nasumpungang damdamin para kay Jackque Gyl Gonzaga.
       
       Dahil pagkatapos ng training niya sa isla Montenegro, hindi niya inaasahan kung sino ang makakasama sa mga hahawakang misyon.

     So ngayong tapos ka na sa training mo sa isla, nais kong malaman mo na ang magiging ka-partner mo sa mga hahawakan mong misyon ay si Jackque Gyl"kaswal na wika ni Jhong.
     Ho? Nagulat si Vice sa ipinahayag ng kanyang superior.
     Tama si kuya Jhong, Vice, tayong dalawa ang magiging magkapartner,"nakangiting wika ni Jackque na pumasok mula sa bumukas na pinto.

     Ma'am Jackque......" bahagyang napaawang ang bibig ni Vice.

      Anyway, special request kita, alam mo ba iyon? Nakita ko kasi ang training mo sa isla, alam kong magaling ka. Kaya naisip ko, ngayong magpapaka-active na uli ako bilang spy agent, ikaw ang gusto kong makasama.

  Talaga maam? Well, its my pleasure!"pinilit ni Vice na hamigin ang nagwawalang tibok ng puso.
       Diyata't napapansin ni Jackque noon ang pagti-training niya sa isla montenegro?

      Parang hindi ko naman nahalata,ah! Ni hindi nga siya sumusulyap sa akin noon kapag dumaraan siya" sa isip ni Vice.

      Yes! And since magkakasama tayo sa mga misyon,let's drop the formality, okay?
     Ma'am–––––––“
     O, kasasabi ko lang, hindi ba? You must call me Jackque Gyl or Jaki and i'll call you Vice ang haba kasi kong Jose Marie Viceral ang itatawag ko sayo. Mas gusto ko kasing kaibigan ang kasama ko sa isang misyon kaysa tauhan, okay?

        “Okay,” wika na lang ni Vice.
Ang bait pala niya. Pero malinaw ang kanyang sinabi, mas gusto niyang kasama isang kaibigan. Kaibigan lang.... Hindi ako dapat magkamali.sa isip ni Vice.

       Tinandaan ni Vice ang sinabi ni Jackque, at isinapuso niya......

     Cheers! Itinaas ni Jackque ang kopitang may lamang champagne.
    Cheers! Nakangiting itinaas din ni Vice ang kopita niya.

    Nagse-celebrate sila dahil sa katatapos lang ng isang matagumpay na misyon.

    Ang galing natin! Iba talaga ang tandem natin,ano? masiglang wika ni Jackque.

     Oo nga, ang galing mo kasi.” Pero sinisikap ni Vice na huwag titigan ang magandang mukha ng kanyang superior kahit aliw na aliw siyang pagmasdan ang matamis na ngiti sa mga labi nito dahil baka  kung ano ang isipin ng dalaga kapag nahuli siyang tumititig dito.

     Hindi, ah! Mas magaling ka! Halos ikaw naman ang nagtatrabaho kapag mau misyon tayo hindi ba? Alam mo, ang galing mo talaga sa paghahanap ng mga ebedinsya. Saka minsan, feeling ko ay palamuti lang ako sa mga lakad natin. Palaging ikaw ang umaaksiyon.

    Dahil gusto kong makasiguro na lagi kang ligtas sa anumang panganib, bulong ng puso ni Vice.

      Hindi totoo iyan, ha? Ikaw nga itong palaging nasasabak,lalo na kapag kailangan mong magpanggap para madikitan ang target natin.”

     Well isa iyon sa talent ko, ang maging mahusay na actress. Kagaya nitong nakaraan nating misyon, hindi nakahalata si Don Nervano na hindi talaga ako prostitute nang dikitan ko siya, hindi ba? Konting pa sexy at kindat na may kasamang matamis na smile lang sa kanya, isinama na ako sa suite niya. Hayun, napatulog ko tuloy
Siya at nakuha ko ang mga kailangan nating papeles.”

       Nagandahan kasi sa iyo hindi na nakapag isip nang matino ang matandang iyon.” natatawang wika ni Vice.

       Kahit naman ako ang kindatan at ngitian mo ng ganoon, baka makalimot ako. Baka makalimutan kong isa lang akong tauhan at kaibigan para sa iyo,minsan pang bulong ng puso ng binata.

     Well,kinabahan din ako ng nasa loob na ako ng suite niya, ha? Akala ko'y hindi ko siya mapapatulog dahil ayaw pa niyang inumin ang order naming alak na nalagyan ko ng pampatulog.”

    Kinabahan din ako, alam mo ba iyon ha? Ang tagal mong sumagot sa tawag ko, muntik ko ng masugod ang suite niya kahit na may mga bodyguard na nasa labas. Parang hindi kasi matanggap na may ibang lalaki makakahawak sa iyo......patuloy na nagta-traydor ang puso ni Vice.

    Any way ngayong solve na ang kasong hawak natin, pwede na muna tayong mag unwind, hindi ba?
   Ha?
    Samahan mo naman ako sa San Joaquin, ha? Matagal na akong hindi nakakauwi roon. Matutuwa ka sa magagandang tanawin na makikita mo roon. Saka ipakikilala kita sa mama at papa ko.

   “ah,nakakahiya naman.”
    Ano ka ba? Madalas kitang ikwento kay Mama,ano? Ikinukwento ko sa kanya ang galing mo bilang agent. Sabi ko nga sa kanya,wala siyang dapat ipag alala sa akin kapag nasa misyon ako dahil mahusay ang ka-partner ko. Saka alam niyang magkaibigan tayo, ano? Welcome na. Welcome ka sa bahay namin.
    
        Ganon ba?
        Oo kaya samahan mo ako, ha?
Sige” kaswal na wika na lang ni Vice kahit ang totoo, masayang-masaya siya sa isiping kahit sa pagbabakasyon nito ay siya ang kasama........

         At sa ganoong pagkakataon na nararamdaman ng binata ang kabaitan sa kanya ni Jackque, hindi niya mapigilan ang sarili na lalo itong mahalin..... Ng palihim....
        At lalo siyang natatakot na magparamdam sa tunay na saloobin.
       Paano kung magalit sa kanya si Jackque, paano kung isipin nito na isa pala siyang mapagsamantalang kaibigan.....
      Hindi niya nanaising lumayo sa kanya ang dalaga.....

Fastforward tayo ng kaunti guysss
   Enjoy reading....

     Pero kung pinanghihinaan ng loob si Vice na magparamdam sa magandang superior,may ibang lalaki na mas gugustuhing sumubok at masaktan.......kaysa habang panahong nagtatanong sa sarilu ng mga “what if” na walang kasagutan....

     Isang bagong trainee ang biglang sumingit sa pagitan nila.....gwapo rin at matangkad,malakas ang dating at maboka....


Authors note:Sa mga readers ko kung meron man hehehehe salamat sa paghihintay medyo busy kasi e.

STRANGE SENSATION Where stories live. Discover now