Chapter 11

234 11 7
                                    

Continuation pa rin to guysss kaya still flashback parin tayo.kaya enjoy reading guyssss.mwuahhh.labyu all.

Ho? Nagulat si Vice sa ipinahayag ng superior.

Tama si kuya Jhong, Vice, tayong dalawa ang magiging magka-partner,nakangiting wika ni Jackque na pumasok mula sa bumukas na pinto,gusto niya ang nabasang kislap ng pagkabigla sa mga mata ni Vice ng makita siya.

Maam,Jackque.....bahagyang napaawang ang bibig ni Vice.

Anyway special request kita,alam mo ba iyon?

Nakita ko kasi ang training mo sa isla,alam kong magaling ka. Kaya naisip ko, ngayong magpapaka-active na uli ako bilang spy-agent,ikaw ang gusto kong makasama. May hinahanap sana siyang kislap sa mga mata nito,katuwaan,excitement.....pero bigo siya.

Talaga ma'am? Well it's my pleasure! pero kaswal lang nitong wika.

Yes! And since magkakasama na tayo sa mga misyon,lets drop the formality, okay? pinilit niyang maging kaswal ang pagsasalita......

Ma'am ––––“
O,kakasabi ko Lang,hindi be? You must call me Jackque or Jack and I call you Vice ang haba naman kaau matador Ng name MO. Mas gusto ko kasing kaibigan ang kasama ko sa isang misyon kaysa tauhan okay?

Okay, wika na lang ni Vice.

Minsan pang na disappoint si Jackque sa inaasam....naisip niya na baka nagmukha naman siyang flirt dahil obvious na pinapaboran niya iyo....

Pero itinaboy na lang niya ang kung anu-anong isipin, baka naman ganito lang talaga si Vice, masyadong malihim sa nadarama,natutuwa na ay hindi pa rin mababakas sa mukha ang kasiyahan nito....

Gayunpaman,hindi pinagsisihan ni Jackque na si Vice ang hiniling niyang maka-partner, dahil napatunayan niya na hindi siya nagkamali sa pagpili rito.

Just stay here,Jackque Gyl,ako na lang ang aakyat sa pader.

Pero Vice ––––....
Sshh! Its okay ha? Its too risky para sa iyo ang pumasok sa loobang iyan,masyadong mataas ang mga bakod at baka nga totoong may live wire na nakakabit sa mga bakal na nasa ibabaw ng pader. Let me test if the wate is hot,ha?

Ano kaya iyon? At paano kung may kuryente nga?

At least,isa lang sa atin ang makukuryente hindi ba?

Pero------
Sige na,just stay here in the car,i-monitor mo ang paligid ha?

Itawag mo sa akin kapag may problema para maging alerto ako,okay? Mas mapapanatag ang kalloban ko kapag narito ka at mas makakakilos ako ng maayos.

Okay, sinabi mo eh.”
At sa mga ganitong pagkakataon, hindi maiwasan ni Jackque na hangaan ang pagiging maginoo ni Vice, ang pagiging over-protected nito sa kanya ay nakakakilig kung minsan.

At kahit minsan ay gusto niyang sawayin ang binata, naipadala rito na sa trabahong kanyang pinil, she consider herself as one of the boys.....hindi niya alam kung bakit gusto niyang e-injoy ang trato nito sa kanya.

At dahil doon lalong nagkalapit ang loob nila....hindi lang sila naging mag partner naging magkaibigan pa sila.

Bestfriend,kain na tayo.!
Sshh,mamaya na! Tinatanaw ko pa rin si Don Paco kung dumating na,wika ni Vice habang nakasilip sa hawak na binocular na nakatutok sa katabing bahay na katabi ng maluwang na solar na kinatitirikan naman ng bahay na pinagkukublihan nila.

Ano ka ba? Maghapon at magdamag ka ng nakatutok dyan sa katabing bahay,ah.... Naidlip ka lang kanina,tapos pinalitan mo na uli ako sa pagbabantay.

O,anong problema?
Bahagya lang itong bumaling sa kanya ng maupo siya sa tabi nito.

Ang problema ayaw mo na yata akong hatian ng trabaho,ah. Sinosolo mo!

Hey,natatawang tuluyan siyang nilingon ni Vice.

Galit ka ba?
Naiinis! Dahil sino ba naman ang matutuwa kung lagi kang ganyan? Feeling ko,palamuti lang ako sa bawat misyon na hinahawakan natin. Im your superior remember?

Pero ikaw na ang nagcocomand sa mga gagawin natin kapag ganitong may misyon tayo,”nakairap na sabi ni Jackque.

Of course not! Hindi totoo iyan, ha?
natatawa pa ring wika ni Vice. Ang gusto ko lang, huwag kang mapagod. Saka......gusto ko lang na--------“

Ang gusto ko lang sa kasama ko,nakakasalo ko sa pagkain,okay? Kaya pwede ba umalis ka na muna riyan sa tabi ng bintana at kumain na tayo! Nagdadabog na tumayo na si Jackque at iniwan ito.

Hey-hey! Huwag Ka ng magalit! natatawang sumunod si Vice sa kanya. Sige na po kakain na ako! Saka umakbay ito sa kanya ng maabutan siya nito sa hagdan.

Lihim na natigilan si Jackque,masyado ng at-home sa kanya si Vice at parang natural na rito ang akbayan siya o hawakan sa kamay....at masyado na rin siyang at-home dito to the point na hindi na siya naiilang dito.

Pero paminsan-minsan may munting tinig na bumubulong sa kanya ...at nangangantiyaw...

Siguro,talagang wala kang appeal sa lalaking iyan. Parang hindi siya apektado sa kagandahan mo,hindi ba? Baka hindi ka maganda sa kanyang paningin. Imagine,ilang beses na kayong nakakatulog sa iisang silid at isang kama,ni nakaw na halik,hindi niya ginawa sa iyo. Sigurl naman hindi siya bakla ano? Yan ang nasa isio o tanong ni Jackque.

Author's note:salamat sa tyagang paghihintay sa update ko.enjoy reading guysss.

STRANGE SENSATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon