chapter 15

208 11 0
                                    

Continuation

And i hate you dahil magkakatoon ka lang pala ng lakas ng loob na aminin iyan, bakit hindi pa noon?

Jackque.......im sorry
Sorry? Hah! Maibabalik ba ng sorry mo ang mga panahong nagdaan?

Jackque....
Umalis kana Vice, umalis ka na! Luhaang wika ni Jackque.

Huwag mag usap tayo. Pag usapan natin ang ——“

Wala tayong pag uusapan Vice,its useless. Dahil nariyan na si Tom,at hindi ganoon kadaling gawin iyon. Hindi ganun kasimple....

Jackque....
J-just go! Marahan niyang inilapat pasara ang pinto.

Jaki. ....
Nagbingi-bingihan siya sa pagtawag nito...sa pagkatok.

Masakit ang ulo ng dalaga nang magising siya kinabukasan...

Vice...pero ang binata pa rin ang nasa isip niya.bakit huli na nang aminin mo iyon? Anong gagawin ko? Anong gagawin natin? Bakit mo ako nililito?

Malakas na tunog ng cellphone ang pumukaw sa kanyang pag iisip.

Hello sir jhong,bakit ho?
Jackque ,i have a bad news for you.
S-sir, what was that? Bigla siyang kinabahan,baka kung anong nangyari kay Vice. He's to upset ng pagsarhan ko siya ng pinto kagabi! Agad naisip iyon.

Si............. Vice.     At tom,naaksidente.
Ho? Lalo siyang na gimbal,at bakit kasama si Tom?

Nabangga ng truck ang sasakyan nila.
O-oh God!oh god! N- nasaan sila? Parang gustong magdilim ang kanyang paningin dahil sa matinding kaba.

Nasa hospital si Vice.....wala pang malay pero ligtas na raw sabi ng doctor.

Si Tom?
Ilang sandaling natahimik si jhong.
He's dead....nasa morgue na siya.

N-no——no!

ITS NOT my fault Jackque.
      Its not your fault? Hah! At gusto mong maniwala ako? Galit na bulyaw ng dalaga.
Totoo namang—"
     Its your car, bakit siya ang nag mamaneho?

Inagaw niya sa akin ang susi ,nag pilit siyang mag drive—“
Paano kayong nagkasama? Galinh ka sa condo unit ko,paano kayo magkasamang uminom at—

Nagkita kami sa paborito naming bar,siya ang nagyaya na uminom kami ng husto dahil magce-celebrate daw kami sa pagtanggap mo sa marriage  proposal niya.

Kaya pumayag ka, dahil naka kuta ka ng pagkakataong burahin siya sa landas mo?

Jackque Gyl!
Nakakita ka ng solusyon sa kaduwagan mo! Alam mong pwede kayong maaksidenti dahil sa kalasingan niya kaya hinayaan mo siyang mag-drive!

Thats not true! Nalagay din sa panganib ang buhay ko ah! Hindi napigilang bulyaw din ng binata.

I wont believe you!

Jack—“
I'll never forgivr you Jose Marie Viceral. Youve killed him."lumuluhang wika ng dalaga.

No wala akong kasalanan.
Y-youve killed him!

    End of flashback.

Present..
Napakurap si Jackque sa bahaging iyon ng pakaka alala nya sa nakaraan habang nakatitig sa natutulog na binata.
I"ll never for give you Vice,iyon ang isinumpa at ipinangako ko sa harap ng libingan ni Tom, because its unfair to him. Dahil paano kita patatawarin gayung hindi ko rin mapatawad ang sarili ko? Dahil ng gabing inamin mo ang tunay mong damdamin sa akin....nagalit ako sa iyo, galit na galit.
.umiyak ako ng umiyak dahil naguguluhan ako...nalilito. pero sa huli.....isang pasya ang ginawa ko. Nakahanda pala akong talikuran si Tom,iwanan...dahil mas gusto ko pamg tanggapin ang pag ibig mo. Dahil ayoko pa lang masaktan ka. Dahil mas mahal pala kita. Pero kahit hindi na niya iuon nalaman, ang mga sumbat ng konsensya ko ay hindi mawawaglit. Binalak kong pagtaksilan ang isang lalaking nagmamahal sa akin na mamamatay na pala. And its your fault! Its your fault! Dahil sa kaduwagan mo! Sa isip ni Jackque habang nakatitig sa binata.

Hmm...marahang kumilos si Vice.
H-ha? Bahagyang nagulat si Jackque sabay punas sa luhang umagos na pala sa kanyang pisngi.

Jackque...."tawag nito sa kanya ng mag mulat ito ng mga mata.

Ah,t-titingnan ko sana kung....okay ka na,king wala ka bang lagnat.

I-i think im all right. Hindi na mainit ang pakiramdam ko. Sagot naman ng binata habang titig na titig ito sa kanya. Bakit ka umiiyak?

H-ha? Ah w-wala. N-naalala ko lang so Tom. Baka gusto na nun bumangon mula sa hukay dahil tinulungan ko ang taong  naging dahilan ng kanyang kamatayan."  Saka marahas siyang tumayo at akmang hahakbang palayo rito.

Jaki..pero nagawa pa din nitong pigilan ang kamay niya.

Ano ba? Bitiwan mo nga ako. Tinangka niyang hilahin ang kamay.

Jaki...thank you again.
Sinabi ko na sa iyo na hindi ka pa rin dapat magpasalamat at—
Basta salamat.

Oo na.marahas niyang hinila ang kamay at naupo na sa katapat na sofa. Siyanga pala,kung kaya mo na ang katawan mo,lumipat ka na roon sa kwarto. Delikado rito,hindi maiwasang may dumating akong bisita.

Yeah,kaya ko na. Delikado talaga rito. Saka akmang babangon ang binata.

O,teka! Dahan-dahan lang at baka dumugo ang sugat mo.”pabigla tuloh siyang lumapit dito

No,kaya ko na.” naka upo na si Vice aat akmang tatayo.

Teka aalalayan kita! Wala sa loob na hinawakan niya ito sa braso at iniangkla iyon sa kanyang balikat para alalayan itong tumayo.“O,dahan dahan lang ang paghakbang at baka dumugo ang sugat mo. Huh ang bigat mo!

Oo, hayaan mo at hindi ako magpapabigat” humigpit ang akbay niyo sa kanya para mag karoon ng lakas ang tila nanginginig ng mga tuhod.

Nagsimula na silang maglakad patungo sa silid na nasa unang palapag ng bahay ni Jaki.

At dahil hirap na hirap itong gumalaw naging mabagal ang mga sandali bago sila nakarating sa pinto...

Oh God! Kaya nagkaroon si jaki ng pagkakataong pakiramdaman ang simpleng pagkakadikit ng mga katawan nila.

And there were STRANGE SENSATIONs na nagsimulang madama ng kanyang puso.

Almost tree years na mula ng huli siyang madikit kay Vice, iyon ay noong akala niya ay kaibigan lang siya para rito.

Pero ngayong aware na siya na may ibang damdamin para sa kanya qng binata,paano ba pakitunguhan ang mumunting daloy ng kiliting nagsisimulang maglakbay sa kanyang mga kalamnan.

O,dahan dahan lang,baka dumugo mga sugat mo,mahirap ampatin yan. Sa wakas ay nakarating na sila sa tabi ng kama

Ah! Bahagyang napangiwi si Vice sa munting kilos lang nito para maupo sa gilid ng kama.

A-alin ang masakit? May pag aalala sa tinig ng dalaga na agad siyang napahawak sa kamay ni Vice.

Ah,itong kanang dibdib ko,makirot. Sumasabay pa ang balikat. But dont worry kaya ko.” saka tumitig sa mga mata niya.

Ah,mabuti naman." tila na papasong napabitaw siya sa mga kamay nito.“ sige na, mahiga ka na at ipaghahanda kita ng pagkain. Kailangan mo uling uminom ng gamot at saka papalitan ko ang benda ng mga sugat mo,kailangan ding malinisan iyan.

Salamt”.parang robot na nahiga ang binata pero nanatiling naka titig sa kanya.

Naiilang na tumalikod na lang si Jackque at humakbang palabas ng silid.

My god! Pero tila nanghihina siya na napasandal sa saradong pinto. Bakot ganun? Bakit kahit na naiilang ako sa pagkakadikit ng mga katawan namin, damang dama ko rito sa puso ko na gusto ko ang nararamdaman ko? Oh,Tom,im sorry,mahirap nga yatang dayain ang puso. Nangako ako sa iyo noon na kalilimutan ko na lang ang anumang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ipinasya kong manatili sa lugar na ito,malayo sa mga alaala niya....nangako ako sa iyo na hindi ko na kukunsintihin ang sarili kong kaligayahan bilang parusa sa binalak kong pagtalikod sa iyo...pero ngayong narito siya...saan pa ako kukuha ng lakas para iwaglit ang nagising konna namang damdamin para sa kanya? Sa isip ni jaki.

Naiiling na himig niya sa sarili at humakbang na patungo sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Vice.

Wow,big achievement naka 1000+ na words...
Enjoy reading guys...lablab.

STRANGE SENSATION Where stories live. Discover now