chapter 14

235 9 0
                                    

Oho,gusto ko lang ho talagang mapag isa,wika ni Jackque kay aling Martha na hanggang pinto lang ng bahay niya.

Ganon ba? Eh sige kapag kailangan mo ako ay ipatawag mo lang ako,ha?

Oho,sge ho. Pakisabi na rin kay Mang Berto na bahala na muna siya sa rancho at sa mga kabayo.

Oho,ako'y aalis na .
Sige ho.

Nang tumalikod na ang matanda ay agad niyang inilapat pasara ang pinto at sinulyapan si Vice na mahimbing na natutulog sa sofa-bed

  Kailangan na siyang lumipat sa silid. Hindi ako palaging makakaiwas sa darating na bisita. Pero kakayanin na kaya niyang tumayo para lumipat? Sa isip ni Jackque.

Humakbang siya palapit sa binata at naupo sa gilid ng sofa-bed at      mataman itong pinagmasdan.

Jose Marie Viceral,i cant believe this. Hindi lang kita ginamot at kinakandili rito sa bahay ko, bagkus ay itinatago na rin kita sa batas na umuusig sa iyo. Akala ko,galit ako sa iyo............pero kapag naiisip ko ang kalagayan mo,mas naaalala ko ang mga panahong magkasama tayo sa mga misyon.......noong tayong dalawa pa lang ang magkasama..........noong wala pa si Tom. Palagi kang nakikipag-unahan sa pagluluto ng pagkain natin noon, kahit ang pagtitimpla ng kapr ko, gusto mo pa ring gawin. At kulang na lang, isangga mo ang sarili mo kapag napapalaban tayo para hindi ako masaktan. Akala ko, dahil mabait ka lang talagang kaibigan. Akala ko iyon iyon lang talaga ang natural mo.............huli na nang malaman ko ang dahilan ng lahat ng iyon....na isanla ko na ang puso ko kay Tom.....

Flashback muna tayo guyssss

VICE! gulat na gulat si Jackque gyl nang mapagbuksan ang kaibigan. Bakit narito ka? Kaaalis lang ni Tom at——————“
     
Alam ko, kanina pa ako rito sa labas, narinig ko ang pag uusap ninyo. Hindi na lang ako nag pakita sa kanya nang umalis siya dahil gusto kitang makausap.” Tila nanlalata ang binata nang sumandal sa hamba ng pinto.

Talaga?kung ganoon, narinig mong——“
Narinig kong ..........tinanggap mo na ang alok niyang kasal.

Talaga? Hmmmm, hindi ka na pala masosorpresa sa.....kusang natigilan si jackque sa iba pa niyang sasabihin ng marealize niya kung gaano kalungkot ang bakas sa mukha ng binata.

Teka bakit parang ......may sakit ka ba? Nag-aalalang dinama niya ang pisngi nito. O, wala ka namang........

   Jackque!
   Vice !  Gulat na gulat siya nang bigla nitong hapitin sa baywang sabay yakap sa kanya.

         Jackque, im sorry. Hindi ko pala kaya!
Hindi ko pala kaya.

A-ang alin? Nag simula na siyang mag panic dahil ngayon lang kumilos ng ganoon si Vice.

Nakaramdam siya ng pakailang dahil sa nararamdamang init ng katawan nito.......

Nang tanggapin mo ang pag ibig ni Tom,sinabi ko sa sarili ko na kaya ko....na huli na ang lahat kaya ipauubaya na lang kita. Its all my fault! Ang tanga ko kasi! Nagpadaig ako sa takot sa isiping baka magalit ka sa akin kapag nalaman mo ang damdamin ko para sayo...baka layuan mo ako at kahit kaibigan lang ay hindi mo na ako ituring. Natakot din akong isipin at sabihan mo na mapagsamantala akong kaibigan. At lalo akong naduwag nang sabihin mo sa akin na gusto mo si Tom,na may nararamdaman ka para sa kanya. Kaya hindi ko na itinuloy ang balak kong pag amin. Sinikap ko na lang na ignorahin ang sakit ng kalooban ko kapag nakikita ko kayong masaya,nagtatawanan....lalo na nung naging kayo. God!kung alam mo lang,para akong mamamatay sa bawat sandaling naririnig ko ang matatamis ninyong usapan,ang pagbubulungan .....ang paghahawakan ng kamay,ang pagyayakapan. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa pagseselos.

Vice! Marahas niyang naitulak ang binata. I-ibig mong sabihin ay....

I love you Jackque Gyl. Hindi ko na kaya pang itago ang damdamin ko sayo. Gusto ko ng ipaalam sayo ang totoo. Gusto kong malaman mo na kapag nagpakasal ka kay tom,mamamatay ako!

Vice....halo-halung emosyon ang dumagsa sa damdamin ni jackque sa mga sandaling iyon...

Jackque Gyl Gonzaga, i love you. God i hatr myself for being an idiot! For being a coward..

And i hate you too.”sa wakas ay nakapagsalita na rin si jackque.

J-Jackque....
I-i hate you dahil bakit bakit kailangan mo pang sabihin iyan ngayon......ngayong tinanggap ko na ang alok na kasal ni tom.

..itutuloy

Sorry for the long update guys.medyo nagka problema lang....

Thank you sa mga sumuporta.

Enjoy reading...lablab.

STRANGE SENSATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon