Chapter 12

335 13 11
                                    

Still Jackque's P.O.V

Napakurap si Jackque sa pagkaalala sa mga ganong tagpo sa pagitan nila noon ni Vice kapag magkasama sila sa isang misyon.....

Masyado akong na-disappoint sa iyo, Jose Marie Viceral,kaya naisip kong kaibigan lang talaga ako para sayo. Kaya tinuruan ko na lang ang sarili ko na huwag umasa na may iba ka pang damdamin para sakin. That's way,hindi na lang ako laging nabibigo. Until such time na natanggap ko na iyon. Until Tom came to out lives.....at sa kanya ko naramdaman ang mga bagay na inaasam ko mula sa iyo.

Flashback ulit tayo guysss...

Ngayong kayong tatlo na ang magkakasama sa team umaasa ako na mas magiging maayos at maganda ang kalalabasan ng mga misyong hahawakan ninyo, ha?

Dont worry kuya Jhong, i hope na magkakaroon Kami ng magandang rapport sa aming mga trabaho. Mukhang kagaya nitong si Vice, mabusay din itong si Tom.”nakanhiting wika ni Jackque.

Thank you maam.
Ngayong kasama ka na sa team namin Tom,i hope na hindi ka papalpak,ha?nakangiting wika ni Jackque.

Dont worry maam magiging maayos ang trabaho ko, masiglang wika ng lalaki na titig na titig sa magandang muka ng dalaga.

Thats good! Anyway, have i told you na ayoko ng tinatawag akong maam dahil hindi naman ako teacher? natatawang wika ni Jackque.

Ah,oo nga pala! Sorry......Jackque Gyl,napapakamot pa sa  ulong wika nI Tom.

Good! See ang sarap bigkasin ng pangalan ko,hindi ba?

Oo nga.....Jackque....
Lalo namang natuwa rito ang dalaga.

Pero hindi lang mahusay na agent si Tom,mabilis din ito,malakas ang loob...na diskartihan siya..

T-Tom!
I-im sorry, Jackque,pero gusto ko lang ipaalam sa iyo ang nadarama ng puso ko. Alam ko masasabihan mo akong ambisyoso, hindi konna kasi mapigil ang damdamin ko para sa iyo eh. I love you. At kung ang kapangahasang kong ito ay magiging dahilan para magalit ka sa akin,para umiwas,wala akong magagawa. Sana lang,bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa iyo ang damdamin ko.”

Hindi agad nakakibo si Jackque sa kaprangkahan ni Tom,at gusto niyang ihingi ng opinion kay Vice ang ginawa ni Tom....

Ah, Vice, may itatanong nga pala ako sa iyo. Mula sa pag inom ng kape ay nagtaas ng mukha si Jackque at diretsong tumitig kay Vice.

Ha? Ano iyon?
Si Tom,anong masasabi mo sa kanya?
Ha? Bahagyang napaawang. Ang bibig ni Vice. Ah okay naman siyang kasama,mabait,iyong tipong hindi nang-iiwan,mabuting kaibigan.

Talaga? And how about as a boyfriend? I mean as a suitor?

Ilang sandaling hindi nakakibo si Vice. Bakit? Nanliligaw ba siya sayo? Pagkuway tanong nito sa kanya.

Yes,and i think i like him. Imagine he has the guts! Well,natutuwa ako sa kanya. Hindi siya naiilang sa akin. Siguro,ganoon talaga ang character niya.” Muli ay may nais siyang hagilapin sa kislap ng mga mata ni Vice.Pero bigo siya dahil wala siyang nakita na sinyales.

Ah,talaga? Tila sumigla ang tinig nito pero bahagyang nag-iwas ng tingin. Malakas talaga ang loob niyang si Tom. Anyway,may dating ba siya sa iyo Jackque?

Lihim na nakuyom ni Jackque ang kamao,hindi sana iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito.

Matindi,ang lakas ng dating niya sa puso ko! I think,im also in love with him! Pero may bahagyang galit sa kanyang tinig,o sa mas tamang salita ay inis dahil sa pagkadismaya.

Well why not? Bagay naman kayo,maganda ka at gwapo siya,mabait siya at mabait ka rin.

Damn this man! Lihim na napamura si Jackque.
Sige,kapag nagpursige si Tom,kapag nagseryoso siya,sasagutin ko siya.

Thats better! Ah,basta ako ang bestman,ah?

Sa huling sinabi ni Vice,tuluyan ng isinuko ni Jackque ang kung anumang nadarama niya para rito....

Back to present....

OH....”
     Napakurap si Jackque at tuluyang nabalik sa kasalukuyan ang kanyang isip ng maulinigan ang mahinang ungol ni Vice.

Vice,anong masakit sa iyo? agad siyang napalapit dito at marahang hinaplos ang pisngi.

Pero walang sagot mula sa binata,sa halip ay nanatili lang itong nakapikit at pabaling-baling ang ulo nito,tila nginingiki sa ginaw.

STRANGE SENSATION Where stories live. Discover now