last chapter

372 21 5
                                    

Salamat , ha? Ang dami nitong pinamili mo.”

Maligo ka na, huwag mo lang babasain ang mga sugat mo. Pero kapag hindi sinasadyang nabasa ay papalitan ko na lang ang mga gasa mamaya,” kaswal na wika ni Jackque habang pinapalitan ng sapin ang kama ni Vice, gayundin ang mga punda ng unan at kumot.

Ah,oo. Sige, salamat." at pumasok na ito sa banyo.

Pabuntong hiningang nauposa gilid ng kama si Jaki.

Mukhang malakas na nga siya,hindi ko na siyang nakikitang ngumingiwi kapag kumikilos. Mukhang hindi na sumasakit ang mga sugat niya. Sabagay magaling na at sarado na ang tahi. Ibig sabihin,kasabay ng pag ayos ni kuya jhong sa kaso niya...kailangan na niyang umalis dito. Kailangan na naming magkalayong muli...hindi ko na naman siya makikita.

Wala sa loob na nahila niya ang unang ginagamit ni Vice at mahigpit iyong niyakap,nalanghap pa niya ang lalaking-lalaki nitong amoy na naiwan doon kahit na napalitan na niya ang punda.

Bakit ganun? Bakit kailangang mabuhay ang dati kong damdamin sa kanya sa ilang araw na pagsasama namin sa bahay na ito? Its almost three years na inalagaan ko sa dibdib ang galit at paninisi sa kanya, ganun katagal ko ring inakala na nawala na talaga ang damdaming iniukol ko sa kanya noon. Pero sa isang saglit lang nagbalik iyon.

Marahan siyang napapikit at sinamyo ang amoy ni Vice na naiwan sa yakap na unan.

Jose Marie Viceral bakit ang hirap mong limutin.

Pwede na pa lang huwag lagyan ng benda,saradong-sarado na ang sugat saka tuyo na. Itutuloy mo lang ang pag inom ng gamot ha?

Yeah,ill do that.
Naramdaman ni Jackque na nakatitig na naman sa kanya si Vice,pero nakayuko pero pa ring iniligpit niya ang mga ginamit sa paglilinis ng sugat nito.

Siyanga pala, aalos ako bukas,pupunta ako sa rancho. Huwag na huwag kang lalabas,ha? Walang dapat makakita sa iyo sa mga taga rito.

Dont worry, dito lang ako sa loob.
Saka, kapag may kumatok, huwag kang magbubukas. I bring my own keys, kahit sa gate ay may kandado, hindi sila makapapasok kung walang magbubukas mula sa loob.

Okay, ako ng bahala.

Akmang lalabas na siya sa silid ng tawagin siya ng binata.

Jaki..
Bakit? Bahagyang paangil ang kanyang tinig.

Mamaya sa hapunan, huwag mo na akong dalhan ng pagkain dito.

Ha?
Sa kumedor na lang ako kakain, kasalo ka. Pwede ba?

Napaisip si Jackque, just like the good old days? Kagaya noon kapag magkasama sila sa isang bahay para sa isang misyon na hawak nila.

S-sige  napapagod na nga akong dalhan ka ng pagkain dito.
Salamat.

Hindi na siya kumibo at tuluyan ng lumabas ng silid.

Fastforward....

Tahimik at malamig ang gabi, presco ang hanging pumapasok sa bintanang may rehas sa silid na ginagamit ni Jackque na nasa second floor.

Pero mailap ang antok sa dalaga.
Tulog na kaya siya? Naiisip din kaya niya ako?

Pabuntong hiningang bumangon si Jackque at nagtungo sa bintana.

Vice, wala sa loob na napayakap sa sarili ang dalaga.bakit parang hindi ko  na kayang mawala ka uli sa buhay ko? Noong mga panahong may inaasam ako mula sa iyo,bakit ba hindi ko sinunod ang utos ng puso ko na maging pangahas,maging mapusok para iparamdam sayo ang nadarama ko? Bakit ba ng lumapit sa akin si Tom ay mas pinili kong tanggapin siya kaysa iparamdam sayo na ikaw talaga ang gusto ko? Bakit pinilit ko ang sarili na mahalin si Tom sa halip na pilitin kang mahalin ako? Oo nga pala,naduwag din ako noon.,natakot na baka ako lang ang may nadaramang kakaiba sa puso. Pareho lang pala tayo,parehong duwag. Kaya kasalanan natin kung bakit namatay si Tom. Pero hindi naman natin iyon ginusto,nagkamali lang tayo. Oh,Vice, paano pa ako liligaya kung hindi ko hahayaang makaalpas ang nadarama ko para sayo dahil lang binabagabag ako ng konsensya. Paano tayo liligaya kung—”naputol ang pag mumuni-muni ni jaki ng makarinig siya ng mahihinag katok sa pinto.

Hah! Vice! Napatutop sa tapat ng dibdib ang dalaga ng maisip kung sino lang ang pwedeng kumatok.

Muling na ulit ang katok.
Humakbang siya palapit sa pinto...

B-bakit?" pero hindi niya iyon binuksan at sumandal lang dun.

Can we talk? Anas na sabi ni Vice..
Para saan? Tungkol saan?

I love you., I still love you Jackque. Pinagsisihan ko ng labis ang kaduwagan ko noon. Pero sa buhay na hinaharap ko ngayon na walang ka siguradohan kung makakalusot pa ako sa mga ikinakaso nila sa akin,gusto ko namang lumigaya kahit paano,kahit sandali lang. Please, buksan mo ang puso mo para sa akin. Kahit ang kapatawaran mo lang ang marinig ko mula sa mga labi mo, magiging napakaligaya ko,maligaya akong aalis sa buhay mo,at nakahanda na sa anumang mangyayari sa akin.”

Hindi siya kumibo.
Jaki,please talk to me. Say that you've forgiven me,say tha—“

Binuksan niya ang pinto
Jackque....
Y-you brute! Lumuluhang wika niya. Bakit ka naduwag? Bakit hindi mo naramdaman na hinihintay kita? Bakit hindi mo narealize na kaya ko sinabi sayo ang tungkol kay Tom ay dahil gusto kong gisingin ang puso mo para sa akin? Gusto kong habulin mo ako. Bakit pumayag kang paibigin ako ng iba? Bakit hindi mo ako ipinaglaban noon pa man?

Jackque Gyl, im sorry. Natakot kasi akong——“

Yes,natakot ka” masuyong humaplos ang palad niya sa pisnihi nito.“ pero ngayon natatakot ka pa ba?

Jaki..,
Natatakot ka pa bang mamatay sa mga bala ng humahabol sa iyo na hindi mo man lang natikman ang mga labi ko, o nayakap ang katawan ko o naangkin?

Jackque Gyl!
Then para mawala ang takot mo,make me yours. Just kiss me,hug me and make love to me.

Ha?napaawang na lang ang bibig ni Vice sa mga sinambit ni jaki.

Hindi ba iyon ang nararamdaman mo kaya ka narito sa silid ko,kaya hindi ka makatulog,kaya ka balisa? Gusto mo akong halikan,hindi ba? Yakapin, angkinin? So, do it.” Saka kusa na siyang yumakap dito at bahagyang tumingkayad para mag abot ang mga labi nila. “ Do it,para kahit na anong mangyari at least nabigyang laya natin ang baliw na pag ibig na pareho nating kinatakutan noon.

Jaki,.
Yes,Jose Marie Viceral, i love you, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Si Tom pinilit ko lang ang puso ko na mahalin siya, ginamit ko lang siya, para ibalik ang tiwala ko sa sarili ko dahil akala ko,hindi mo ako mahal. At iyon ang mas totoong dahilan kaya ninais kong magalit at lumayo at parusahan ang sarili ko.

Jackque.” napahingal na lang si Vice ng maunawaan ang nais niyang sabihin.

I love you huwag na tayong magpakatanga . Huwag na tayong matakot,humingi na lang tayo ng tawad kay Tom, ha?

Jaki,oh god! Yes,yes gagawin natin iyon, hihingi tauo ng tawad kay Tom! Bigla nitong niyakap ang dalaga. And yes palayain na natin ang mga sarili, lets do it! Para kahit na anong mangyari  at least naging maligaya tayo.

Pagka sabi niya nun ay siniil na ng halik ang mga labi ng dalaga habang nag simula ng maging pangahas at mapusok ang kanyang mga palad sa katawan ng dalaga,dinadama,pumipisil,naghahanap,gumagawa ng landas. .....

And cut.....

Its me your author,sana nagustohan nyo...at salamat sa lahat ng readers ko....lablab ko kayo....sana suportahan nya ang iba ko pang story......

Dont forget to vote.hehehe

STRANGE SENSATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon