Chapter 13

249 13 3
                                    

Oh god! Inaapoy siya ng lagnat! Anong gagawin ko? Ang mga gamot na inihalo ko sa kanyang dextrose,ay hindi pa marahil umiipekto! Pero kailangan din siyang uminom ng gamot para sa lagnat.

Dalawang tablets para sa lagnat ang tinunaw niya sa kutsara at sapilitang ipinasok sa bibig nito,pagkatapos ay kinumutan niya ito ng makapal para hindi na ginawin.

Oh! pero patuloy pa rin sa panginginig ang buong katawan ni Vice.

Kailangan niya ng init....at hindi iyon kaya ng kumot.

Natigilang napatitig si Jackque sa gwapong mukha ng kaibigan...ng dating kaibigan...

Vice.....bakit kasi hindi mo ipinaalam noon na mahal mo ako...na gusto mo rin ako? Bakit ka naduwag? Hindi na sana nangyari ang mga nangyari noon.

Pagkuway sumiksik siya sa tabi nito at pinagkasya ang sarili sa sofa-bed na kinahihigaan ni Vice,sak iniyakap ang mga braso sa katawan nito upang ibigay dito ang init ng kanyang katawan.

Hanggang maya-maya pa ay,tumigil na sa panginginig si Vice,bahagya ng napayapa ang paghinga nito.

Pabuntong hiningang kumalas na si Jackque sa pagkakayakap dito at marahang bumangon.

Still,i should comtrol my self. Dahil ayokong magising na naman ang anumang naging damdamin ko sa iyo noon.sa isip ni jackque.

Humakbang na siya pabalik sa katapat na sofa at ipinikit ang mga mata. Nais niyang makatulog at magpahinga....lalo na ang napapagod niyang puso.

HAH! pasinghap na nagmulat ng mga mata si Vice

Vice P.O.V

Nasaan ako? Napalingap siya sa paligid.Jackque! Saka lang niya unti-unting naalala ang mga naganap ng makitang nakatulog na sa walang kaayosang pagkakaupo sa sofa ang dalaga. Oo nga pala,dito ako nagtungo sa lugar niya. Kung sakali,dito ko gustong mamatay......sa piling niya. Thats way, baka sakaling mapatawad na niya ako sa inaakala niyang kasalanan ko sa kanila ni Tom.

Lumamlam ang mga ni Vice na nakatitig sa dalaga.

Jackque.....hindi mo rin ako natiis. Hindi mo pala ako kayang tikisin. And im glad na nanaig sa iyo ang pagkakaibigan natin noon. I owe my life to you now.

Tinangka niyang kumilos para bumangon.

Oh!napangiwi siya sa gumuhit na kirot sa balikat ang dibdib.

Ha! Napadilat naman si Jackque. Vice gising ka na pala! pagkuway agad itong napatayo at lumapit sa kanya. Anong masakit sa iyo? Teka wala ka na bang lagnat? Parang saglit na nakalimutan ni Jackque na galit siya rito nang makitang nagising na ito....na ligtas na ito sa panganib.

Ah,m-masakit ang buo kong katawan,lalo na ang dibdib at balikat, napapangieing wika ni Vice.

Malalim ang sugat mo sa balikat,tumagos ang bala. Bumaon naman ang bala sa kanang dibdib mo. Pero huwang kang mag-alala,nadukot ko na iyon at napatigil ang pagdurugo ng mga sugat mo. Mabuti na lang at nag-aral ako dato ng Nursing,kahit papaano ay may konti akong alam.

Teka,may sinat ka pa. Kailangan mong kumain para maka inom ka na ng tamang antibiotic at pata sa infection. Saka kailangan mo uli uminom ng paracetamol para mawala na ng tuloyan ang lagnat mo at ng––––“

J-jackque....marahang humawak ang kamay ng binata sa pulso nya.

Vice....natigilang napatitig si jackque sa binata.

Thank you... I owe my life to you. And thank you,dahil hindi mo ako natiis at--------“

Huwag kang pakakasiguro! pagalit nitong tinabig ang kamay niya at tila napasong tumayo at lumayo. “ilang beses ko na ring pinag-isipan na tumawag ng mga pulis,akala mo ba? Hah! Kapag nabuo na sa loob ko ang pasyang iyon,hindi mo ako mapipigil. Naunahan lang ako ng pangamba na may taong mamatay sa loob ng bahay ko kaya kita ginamot.

Malamlam ang mga matang tinitigan ni Vice ang dalaga.

Still,thank you pa rin. Kahit na ano pa ang susunod mong hakbang, hindi na mababago niyon ang katotohanan na hindi mo ako natiis.

At kahit na ano pang susunod mong hakbang,hindi ako magdaramdam sa iyo,mauunawaan kita.

“Hmmp! Mabuti pa,pumikit ka ulit at matulig,    igagawa kita ng pagkain”
Humakbang na si jackque patungo sa komedor.

Naiwang nangingiti si Vice kahit na napapangiwi pa rin sa kirot ng dahil sa mga sugat sa katawan.

Ang mahalaga lang,hindi mo ako natiis. At alam ko, hindi mo ako magagawang ipagkanulo..JACKQUE.


Author's note: sorry for the long update guysss medyo busy lang ang author nyo...

      Enjoy reading dont forget to vote.
Lablab lang....

STRANGE SENSATION Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum