chapter 5

309 16 2
                                    

Continuation to guysss,, enjoy reading dont forget to vote....salamat...hehehehe

Ngayong kasama ka na sa grupo namin, Tom, i hope na hindi ka papalpak ha? Nakangiting wika ni Jackque.
Dont worry maam magiging maayos ang trabaho ko," masiglang wika ni Tom na titig na titig sa magandang mukha ng dalaga.
Thats good! Anyway have i told you na ayoko ng tinatawag akong maam dahil hindi naman ako teacher? Natatawang wika ni Jackque.
Ah,oo nga pala! Sorry .....Jackque,napapakamot pa sa ulong wika ni Tom.
Good! See ang sarap bigkasin ng pangalan ko di ba?
Oo nga Jackque...
Lalo namang natuwa rito ang dalaga.

Habang tila ningangatngat ng pagseselos ang puso ni Vice na wala namang magawa kundi ang ngumiti ngiti na lang....

Sabagay,ganito rin naman kung kausapin niya ako noong bago pa lang kaming magkasama. Kaya nga kahot na papaano ay na at home ako sa kanya, hanggang maramdaman ko na talagang kaibigan ang turing niya sa akin. Hindi dapat ako magselos, hindi dapat ako mag alala, sabi vice sa kanyang sarili.

Kaya pilit na kinalma ni Vice ang sarili.....hindi niya itinuring na karibal si Tom sa halip ay maging kaibigan niya ito.
Pero may ibang plano ang kapalaran...
Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon dude,liligawan ko talaga si Jackque.

Natigilan si Vice sa gagawin sanang pagpasok sa restroom na panlalaki ng marinig ang tinig ni Tom.

Dude,ang lakas naman ng loob mo.kung si Vice nga na may isang taon ng kasama si Maam Jackque, hindi nagkakamaling dumiskarte,ikaw pa na kabagu-bago pa lang.
Kasi nga baka hindi niya type si Jaki. Pero ako, ang sama talaga ng tama ko,sapul ako rito o!kinabog pa ni Tom ang dibdib niya.

Kasi naman,masyado mong dinidibdib ang pagiging mabait sa iyo ni maam Jackque. Ganoon talaga siya, palakaibigan at hindi nang uuri ng kasama."

       Kaya nga,eh kaya lalo ko siyang minahal.
Pero paano kung mabasted ka? Baka kaibigan ka lang para sa kanya at kapag nanligaw ka na ay bigla na lang siyang umiwas sa iyo? Baka alisin ka sa group team ninyong tatlo.”

     Bahala na. At least nag try ako. Mas hindi ko naman kakayanin ang patuloh na magtanong kung ano kaya ang mangyayari kung naglakas loob akong manligaw.

      Pero dude, hindi ka ba naaalangan na manligaw sa isang Gonzaga? Bukod sa napakaganda niya, mayaman pa.
       Bakit may kaya naman ang pamilya ko sa davao ah. May lupain kami roon. Isa pa,sigurado naman ako na hindi pera niya ang mahalaga sakin kundi siya, ang pag ibig niya.”

      Mabibigat ang mga paang humakbang palayo sa restroom na iyon si Vice.

       Anong gagawin ko? Si Tom iyong tipo ng lalaki na mukhang hindi talaga nasisilong sa isang kagaya ni Jackque Gyl. Pero tama naman siya mahirap magtanong palagi sa sarili kung ano kaya ang nangyari kung sinubukang niyang manligaw? At parang hindi ko yata matatanggap na .....may ibang lalaking nagmamahal sa kanya at mamahalin niya....

     Hanggang makabuo si Vice ng isang pasya....susubukan niyang magparamdam kay Jackque....
     Kailangan niyang makaipon ng lakas ng loob.
     Its now or never! God! Isang buwan ko itong pinagplanuhan isang buwan akong nag ipon ng lakas ng loob para makapagparamdamsa kanya. God please help me.

    Hi, masiglang bati ni Vice kay Jackque na inabutan niyang nagbabasa ng newspaper habang nagkakape sa canteen ng Gonzaga building.
      Oy,ang aga mo ah! nakangiting wika ng dalaga na bahagya lang sulyap sa kanya at muling ibinalik ang pansin sa binabasa. “Ah,coffee?

       Ah sige,ako na lang mag o-order. Tinawag niya ang waiter at nag-order.
     Para tuloy nawalan na naman ng lakas ng loob ang binata na magparamdam ng saloobin.
     Pero kailangan ko ng gawin. Sasabihin ko sa kanya na pwdeng dumalaw ako sa condo unit niya sa linggo o kaya naman .....teka,yayain ko kayang mag dinner ..... Iyong romantic dinner sa isang kilalang restaurant. O kaya naman----------naputol ang pag iisil ni Vice ng tawagin siya ni Jackque.

      Ah Vice may itatanong nga pala ako sa iyo.” Mayamaya ay bigla itong nagtaas ng mukha at tumitig sa kanya.
    Ha? Ano iyon? hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
    Si Tom, anong masasabi mo sa kanya.?
     Ha? napaawang na lang ang bibig ni Vice.
      Ah okay naman siyang kasama,mabait,iyong tipong hindi nang iiwan,mabuting kaibigan.
       
         Talaga? And how about as a boyfriend? I mean, as a suitor?
        Muntik na siyang masamid sa tanong na iyon,lalong kumabog sa kaba ang puso ni Vice.

       Bakit? Nanliligaw ba siya sa iyo?
     Napatitig sa mga mata niya si Jackque.
      Yes, and i think, i like him. Imagine he has the guts! Well natutuwa ako sa kanya. Hindi siya naiilang sa akin. Siguro ganon talaga ang character niya.
        Tila pinipiga ang puso ni Vice sa nabanaag na kakaibang kislap sa mga mata ni Jackque.
        Kaya paano pa niya bubuksan sito ang nilalaman ng kanyang puso.

      End of flashback......

Author's note: sorry guyss medyo natagalan ang pag update medyo busy lang....
      

       Enjoy reading.thank you.

STRANGE SENSATION Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang