chapter 9

285 18 5
                                    

Continuation.......

Sorry natagalan sa pag update guyyssss....medyo busy lang si ako.hehehe....enjoy reading...

Still Jackque P.O.V

    V-vice., ano ba? Bahagya siyang lumuhod at tinapik ito sa pisngi.

  P-please help me. Huwag mo akong i-ibibigay sa mga pulis. S-sila ang may kagagawan nito......papatayin nila ako para tuluyang patahimikin. Malilibing sa hukay kasama ko ang katotohanan....ipinikit na ni Vice ang mga mata.

V-vice! Oh my god! Wake up! Gimbal na tinitigan na lang ang mukha nito, pagkuway napasulyap siya sa balikat at kanang dibdib nito na binubukalan ng mga dugo.

Oh god. Kailangang mapigil ang pag bulwak ng dugo. He might die kapag naubusan siya ng dugo.sa isip ni Jackque.

Napasilip siya sa labas ng bahay, diretso sa gate na bakal na gawa sa rehas. At ng matiyak na wala pang nagdaraang tao sa kalsada ay agad niyang hinila papasok ang katawan nitong nakabara sa pinto at agad na agad iyong isinara.

Pagkuway  inut-inot niyang hinila patungo sa natoong sofa bed ang binata para doon asikasuhin.

Dahil malaking tao si Vice ay nahirapan siyang gawin iyon at ng sa wakas ay maiayos na sa sofa ay agad na siyang kumilos.

Kinuha ang kanyang medical kit, naghanda ng mainit na tubig at bulak.

She was trained to this kind of situation, at bago pa siya naging isang spy-agent noon ay naka-two year course siya sa Nursing bagamat hindi na niya itinuloy.

Nananalaytay pa rin sa kanyang dugo ang pagiging isang Gonzaga kaya mas pinili niyang mahing spy-agent ng  The Eagle Shadow noon....kung saan naranasan niya ang mga panganib,anv kasiyahan sa kanyang mga hinagawa,ang kaligayahan ng matuto siyang magmahal sa katauhan ng kasamahang si Tom.... Ang mabigo at masaktan sa pagkamatay ng fiance at isinisisi niya iyon kai Vice....

At ngayon ay,.... Kailangan niyang gumawa ng paraan para iligtas ang buhay ng taong may kasalanan ng lahat,bukod pa sa kailangan niyanv itago sa batas na humahabol dito?

What an irony life.... Sa isip ni Jackque.
Pero kaya ba niyang tikisin si Vice? Kaya ba niya itong ipagkanulo sa kabila ng galit niya rito...

P-please? M-minsa at i-itinuring mo rin akong kaibigan hindi ba? At alam mong hindi ako masamang tao...

Napakurap na lang si Jackque ng maalala ang sinabi nito.

Nag simulang kumilos si Jackque,ginupit niya ang t-shirt nito na puno ng dugo saka sinimulang linisin ng bulak ang bahagi ng dibdib nito na may dugo para makita kung gaano kalalim ang sugat. Oh god! May nakabaong bala .....at sa balikat,malalim ang sugat niya,lumusot ang bala sa buto. Kaya ko ba ito? Baka dapat dalhin ko na siya sa ospital.sa isip ni Jackque.

Pero kusa siyang natigilan,nasa kabisera pa ang pinakamalapit na ospital bukod pa sa hindi pa nagagawa ang kanyang pick-up na pumalya ang makina noong nakaraang linggo.

May dala siyang sasakyan sa labas pero paano kung nakatimbre na ang plaka niyon at may makakita sa amin?

Pero alam ni Jackque na hindi siya pwedeng magtagal sa pag iisip kailangan na niyang kumilos bago pa mahuli ang lahat.

Nag lagay siya ng alcohol sa makapal na bulak at itinapal na muna sa nagdurugong balikat at mahigpit iyong tinalian,pagkuway hinarap niya ang sugat sa kanang dibdib ng binata.

Mabilis niyang nilinis ang paligid ng tama ng bala,naglagay ng alcohol sa bulak at idiniin iyonsa tapat ng sugat sa kanang dibdib ng binata. Pilit na inaampat ang pagbulwak ng dugo mula roon,at ng bahagya ng tumigil ay kinuha niya ang matulis at matalim na panghiwa,kailangang lakihan niya ang buka ng sugat para mahila niya ang balang naroon.

Muling bumulwak ang dugo sa sugat nito,kaya naman nagagahol siya sa pagtatapal ng bulak doon habang ang isa pang kamay ay patuloy na hinihiwa ang butas at ng bahagya ng lumaki ay agad na sinungkit ng tyane ang balang naka baon at hinila.

Muling bumulwak ang mas masaganang dugo ng sa wakas ay mahila na iyon,pero agad niyang nilapatan ng tuyong bulak at diniinan iyon.

Kailangan itong matahi para hindi bumuka.Oh god! Please help me. Hindi ko ito ginagawa dahil kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya, ginagawa ko ito bilang isang tao, sabi ni Jackque sa kanyang sarili habang piliy na inaampat ang dugo.

Pagkuway nagsimula na siyang tahiin iyon at ng sumara na ay nilagyan ng betadine at benda,isinunod niya ang sugat nito sa balikat,pilit niyang inaampat ang dugo.

Kailangan siyang malagyan ng dextrose,maraming dugo ang nawala sa kanya,baka sakaling makatulong ang dextrose para kahit papaano ay hindi siya manghina.sabi ni Jackque sa kanyang sarili.

Natigilan si Jackque, kailangan niyang makapunta sa bayan para makabili ng dextrose at mga gamot at kung posibleng makabili ng dugo na pansalin dito.

Paano kung pagbalik ko ay.....oh no! Hindi siya dapat abutan ng kamatayan dito sa bahay ko.

Muli siyang nalito....
Pero sa huli,nanaig ang pagiging makatao ni Jackque,matapos kumutan si Vice at linisin ang sariling nabahiran ng dugo ay agad na siyang lumabas at ipinasok sa kanyang looban ang kotseng dala ng binata at tinakpan ng lona.

Pagkatapos ay nagtungo na siya sa bayan sakay ang kanyang kabayo na tanging nagagamit niya sa pagluwas.

STRANGE SENSATION Where stories live. Discover now