Chapter 8

288 16 3
                                    

JACKQUE P.O.V
   Sige ho,aling Martha, sa makalawa na lng kayo bumalik. Pakisabi na rin ho kay Mang bert na gusto ko lang magpahinga bukas ng maghapon", bilin ni Jackque sa may edad ng babae na tanging nakakasama niya sa bahay na iyon.

   Oho. Tamang tama dahil luluwas ako sa kabisera bukas para tumawag sa anak kong nasa Manila.

  Oho,sige ho, pakisara na lang ang gate paglabas ninyo ha?
   Oho.
   Nang makaalis na ang matanda ay pahinamad na naupo sa sofa si Jackque at nagbasa ng magazine ng mainip ay nagbukas ng TV para mag paantok.
   Hanggang makatulugan niya na ang panonood.

And for our late news, patuloy na hinahanap at hinahabol ng mga awtoridad si NBI Agent Jose Marie Viceral. Ang pangunahing suspect sa pagkakabaril at pagkakasugat ni Senator Kim Atienza.

   Mula sa pagkakatulog naaalimpungatan ang diwa ay napamulat si Jackque ng marinig ang pamilyar na pangalang iyon...

  Jose Marie Viceral! Sabay bangon at tutok ng paningin sa TV monitor.

  Kasalukuyang ipinapakita sa screen ang mga naging kaganapan sa Luneta Park kanina mula sa pagkakagulosa prayer meeting, sa pagkabulagta ng senador na duguan sa pagtuturo ng isang lalaki sa itaas ng building kung saan galing ang putok ang pag-capture ng mga camera ng media na nakaantabay sa gawing iyon, ang pagkaalerto ng lalaking nakadungaw sa bintana at may hawak na baril....at ang dalawang putok ng baril na sumugat sa dibdib at balikat nito.

Vice! Nanlaki ang mga mata ni Jackque ng makilala ang mukha nito na bahagyang nakangiwi dahil sa tama ng bala.....

   At sa ngayon ay nasa critical pa ring kalagayan ang senador, habang ang mga awtoridad ay patuloy sa pagtugis sa criminal.
   Napapalunok na napatayo mula sa sofa si Jackque.....
   Siya ang bumaril sa senador na iyon pero bakit?

  Hindi alam ni Jackque ang nararamdaman sa mga sandaling iyon...

  Fastforward........

Naalimpungatan si Jackque dahil sa mahihinang katok sa pinto ng kanyang dalawang palapag na bahay.

Sino kaya ito? Bukas pa ang dating ni Aling Martha para maglaba at maglinis, ah! At napaaga naman yata ang punta niya? Madilim pa sa labas ah!

Masakit ang ulong nagbangon ang dalaga at nasuot na lang ng roba bago lumabas ng kanyang silid na nasa unang palapag.

Mas gusto niyang gamitin ang silid sa ibaba kaysa isa sa dalawang silid na nasa itaas.

Muling naulit ang mga mahihinang katok,nilakihan na niya ang paghakbang dahil baka importante ang sadya ng taong nasa labas.

Oh,angbsakit ng ulo ko! Nahirapan kasi akong makatulog kagabi dahil sa ..... Balita tungkol kay Vice. Alam na kaya ni kuya Vhong amg bagay na ito? Pero nasa paris sila no ate Anne,siguradong hindi pa niya alam.

Sandi lang!
Pinihit ni Jackque ang doorknobat hinila iyon...

Sino ang_----
J-Jackque......
H-ha? Pero padaka ay tila nauupos na kandilang napaluhod ang lalaking nakasandig pala sa saradong pinto kanina. “Vice! mabuti na lang at maagap niya itong naalalayan para hindi tuluyang matumba.

J-jackque.....tulungan mo a-ako.”
Hah! lalo siyang nagimbal ng makita ang dugo sa katawan nito na nagmumula sa balikat at kanang dibdib. Oh my god! Vice, what happend to you!

J-jackque........h-help me. Humigpit ang kapit nito sa braso niya na tila ba doon na lang kumukuha ng lakas.

Natigilan si Jackque,ng maalala niya ang napanood sa late news kagabi tungkol sa pinakahuling lalaki na naisin niyang muling makita.

God! Anong ginagawa mo rito.? Hindi ba't wanted ka ng--------”

I-I was framed-up. H-Hindi ko k-kayang gawin iyon. T-tulungan mo ako.... L-linisin ang pangalan ko.

H-Ha? F-For christ sake, B-bakit ako? B-bakit dito ka  nagpunta? Galit na wika ni Jackque bagamat hindi niya naman ito magawang itulak mula sa pagkakakapit sa kanya.

I-i have no one to turn to......a-lam mo iyan. W-wala akong pamilya.....and ive lost my friend Tom.

N-No! A-Ayokong masabit sa kaso mo at-------
P-please? M-minsan ay itinuring mo rin akong kaibigan,hindi ba? A-at alam mong hindi ako masamang tao.

N-no!     pero pilit pa rin nag bibingi-bingihan si Jackque. Umalis ka na! Mali ka ng taong------ay!   napatili na ang dalaga ng tuluyan ng nabuwal si Vice.

    Oh my god! Oh my god! Anong gagawin ko. Sa isip ni Jackque.

STRANGE SENSATION Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum