Chapter 7

280 15 2
                                    

Continuation

Mula sa ikalabing dalawang palapag ng hotel na kinaroroonan ni Vice,tanaw niya ang kabuuan ng luneta park,particular ang kabuuan ng Quirino Grandstand kung saan nagkakalipunpon na sa paligid ang mga taong dumalo sa prayer meeting na iyon.

   Habang sa ibabaw ng stage ay abala sa pagsaludar sa mga dumating na malalaking tao ang leader ng prayer group na si brother Billy Crowford.

   Marahang iniikot ni Vice ang hawak na binocular sa paligid,isinoom-in ang lens para mapag-aralan ang anyo at kilos ng mga taong naroon.

   That guy,masyadong malikot ang kanyang mga mata,tumingala pa siya rito sa kinaroroonan ko!sa isip ng binata.,bigla ang kabang nadama ng binata ng magpag-aralan ang kilos ng isa sa mga close-in security ni Senator Atienza na ngayon ay paakyat na sa stage.

    Agad na sinalubong at kinamayan ni brother Billy ang bagong dating na senador at iginayang paupoin sa naroong mga silya katabi ng iba pang panauhin pandangal.

   Nagsimula na ang palatuntunan sa isang mataos na pagdarasal habang nakatutok pa rin ang tingin ni Vice sa close-in security ng senador na kahina-hinala ang ginagawang  pagsulyap sa gawi niya habang may kausap sa suot nitong mouthpiece.

    Alonte,did you see the guy na isa sa mga close-in security ng senador? Panay ang sulyap niya rito sa gawi ko.
     Copy that, Sir! Napansin ko nga rin iyon.
    Masama ang kutob ko sa kanya. Parang alam niyang narito ako.
   Yes sir mukhang alam nga niya na nariyan ka. Parang umaalerto.
   Yes, tutukan mo siya ng tingin,tatawagan ko lang so Collins.
  Over and out sir!

   Collins,what is your exact location?
   Sir,im still at six o'clock position and so far,wala akong matanaw na sniper sa mga nakapaligid na building.

    Natigilan si Vice, kung walang sniper sa paligid ibig sabihin ba ay nasa malapit lang kay Senator Kim Atienza ang magtatangka sa buhay nito?

    Okay,just be ready.
    Copy that sir! Over and out.
Lumipas ang mga sandali,patuloy siyang nagmanman sa paligid,nakaalerto.

    Nagpatuloy ang palatuntunan sa stage nagdasal ang mga tao umawit ng makalangit na kanta....nagpuri sa panginoon,nagsayawan...

   Hanggang magsimula ng magsalita ang mga panauhing pandangal may nagpapatotoo sa magandang biyaya ng panginoon sa kanila,may nagse-share ng mga personal na karanasan sa patuloy na pananalig sa nasa Itaas...

   Kapag si Senator Atienza na ang magsasalita mas dapay akong maging alerto.sa loob-loob ni Vice na wala pa ring makitang kakaibang kilos sa paligid maliban sa close-in security ng senador na ngayon ay direkta ng nakatingin sa gawi niya....

    Sinilip niya sa hawak na rifle ang lalaki,nakangisi ito sa kanya.

    Anong ibig sabihin ng ngising iyon? Sa isip ni Vice.
    Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid....

   Hah! Napamaang na lang si Vice kasabay niyon ang pagbulagta ng nakaupong senador. “shit! Alonte, Collins may bumaril sa––.

   Bago pa niya matapos ang sasabihin ay isang malakas na putok pa uli ang umalingawngaw.

   Ah! Sapol siya sa balikat, at ng hanapin niya kung saan galing ang putok ay natanaw niyang nakatutok sa kanya ang dulo ng baril ni Alonte.

   Siya ba ang bumaril–– agh! Isa pa uling putok ang umalingawngaw. Ah! Napaigik siya lalo sa sakit at nagimbal ng makitang may bumubulwak na dugo sa kanang dibdib niya.

  Collins..... at lalo siyang nagimbal ng makitang sa kanya rin nakatutok ang dulo ng baril ng isa pang kasama.

  Hayun ang bumaril kay Senator Atienza! malakas na sigaw ng lalaki sa tabi ng nakabulagtang pulitiko, habang nakatutok ang baril sa kanya sabay paputok pataas.

  No ----- no! hindi na siya papayag na tamaan pa uli ng bala,mabilis siyang umalis sa tabi ng bintana at naghanap ng madadaanan palabas....

STRANGE SENSATION Where stories live. Discover now