TCC ~ 1

40.7K 651 27
                                    


TCC ~ I

***

Chryss

"Mag-iingat ka roon anak, ha?" Umiiyak na pamamaalam sa akin ni Nanay.

Hindi matigil ang kanyang pag-iyak. Kahit nang nag-aayos ako ng aking mga dadalhin ay tumulong pa siya pero tumutulo ang luha.

I understand my mother. She's still mourning.

Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng matipid na ngiti. Ayoko nang magsalita pa dahil may bumibikig sa aking lalamunan dahil sa pinipigil na emosyon. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko ito.

Kailangan kong ipakita na matapang ako kahit na panay naman ang iyak ko nitong mga nakaraang gabi.

Mahirap na malalayo muli ako sa mga magulang ko. Matapos ang nangyari sa Ate Ville ko, may aalis na naman na anak sina Nanay. Alam kong mahirap para sa kanila ito. Nakatingin lang sa akin ng malamlam si Tatay. Mababakas ang ilang linya ng katandaan sa kanyang mukha. He's not crying but I know he's worried too. But I feel a little bit better knowing he'll be brave for my mother. Alam kong hindi niya pababayaan si Nanay.

Kumaway rin sa akin si Leonora na kaibigan ko. She have this sad face as she look at me going away.

Nang makaalis ang tricycle sa tapat ng bahay namin ay tuluyan nang tumulo ang luha ko. I've been trying to hold my tears and now that they can't see me, it flowed freely in my face. Masakit din sa aking malayo sa aking mga magulang. It feels like the second time around..

Halos dalawang buwan ko pa lang silang nakakasama at ngayon ay kailangan ko na namang umalis.

I sighed and tried to smile despite my grief.

Kailangan kong namnamin ng maigi ang kalinisan ng hangin dito sa probinsiya. I would surely miss its freshness. I love my province life. Walang matataas na gusali na humaharang sa sikat ng haring araw. Tanging mga mayayabong at matatangkad na puno na nagbibigay lilim maging ng preskong hangin.

I love the chirping of the birds during morning and the sound of the crickets at dawn. It was like music to my ears. The people here are welcoming too. They  keep on giving small smiles  even to the people they don't know. Kahit na minsan ay marami talagang chismosa, it's just normal.

Walang traffic at maiitim na hangin sa paligid. No busy people minding their own business.. Iyon ang mga mami-miss ko sa probinsiya namin.

Hindi ko man nais umalis ngunit may kailangan akong gawin at tuparin na pangako.

Matapos ang halos pitong oras na byahe ay nakarating na ako sa  Manila. Katulad ng inaasahan ko, dagsa ng mga tao na nagmamadali.

Pagkababa ko ng bus ay hinanap ko ng tingin ang naghihintay sa akin. Nakapaskil sa isang cardboard ang pangalan ko.

Panay ang lingon ng may hawak noon. Sa tingin ko ay isa siyang driver.
Well, I'm not expecting a grand welcome.

"Manong?" Agad kong lapit sa kanya. "Ako po si Chryss." pagpapakilala ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni Manong mula sa ulo hanggang sa naka-flat sandals kong paa. Malinis naman ang mga kuko ko. I'm not offended naman.. Marahil ay kinikilala niya lang ako. Mukha siyang nag-aalangan sa hitsura ko. I don't know if it's a bad thing.

Maybe I should have wore a more worn out outfit? Naka-t-shirt lang naman ako ng puti at blue fitted jeans. It's the simplest clothes I could wear.  Hindi rin naman signature jeans ang suot ko. I left all of those at home.

"Sigurado po ba kayo, Miss? Mukha po kayong bakasyonista.." Napakamot sa batok na turan ni Manong.

May face requirement na ba ngayon sa pagtatrabaho? I sighed.

The Crude CasanovaWhere stories live. Discover now