Finale

21K 490 35
                                    


Finale

***

Chryss

"Are you on your way?" Mataray na tanong ni Soffia.

"Not yet." I sighed.

"Maloloka na ro'n si Freesia! Alam mo naman 'yon." Tumatawang aniya.

For years, I've developed friendship with Freesia and Soffia. Mataray ang huli ngunit mabait naman kapag nakilala mo ng husto. While Freesia's a wonderful but sometimes a crazy woman. Not to mention that she's so forgetful.

Ito ngang in-organize ko para sa anak niya ay rush pa niyang pinagawa. Mabuti na lang at mahusay ang mga staff ko.

"Bilisan niyo. I need to come early at the party. Nasaan na po ba si Voch, Nanay?" Tanong ko sa kay Nanay Minda na naghahanda na para sa pag-alis namin.

I need to be there early para ma-check ang lahat ng detalye. After all, this is not just a simple birthday party.

Napabuntong-hininga siya. "Ayon at binibihisan pa ng diaper si Starry. Alam mo naman 'yong asawa mo, sinabi ko na nga sa kanya na ako na ang bahala." She looks so stressed as she said those words.

Napatawa na lang ako habang naiiling. Madalas kasing pag-agawan ni Nanay Minda at Voch ang anak namin sa pag-aalaga rito. I know na mahal na mahal ni Nanay ang anak ko at parang apo na ang turing niya rito. For years, I learned to call her Nanay because she's like a mother to me. Now, I have three mothers and I've been receiving a lot of love from them.

Ang isa pang nagpapasaya ng buhay ko araw-araw ay ang pag-aalaga ni Senechov sa baby girl namin. It took me two years after naming makasal ni Voch bago magdecide na magka-baby.

I wanted to spend time with Santhe, ang alagaan siya like how ate Ville would do for him. Until Santhe was so done with me and told me he wanted a baby brother or sister. He said he already knows how much we love him. He's pissed actually when he found out that we're considering him before having a baby. Atat na raw siyang magkapatid. So in Senechov's glee, I gave birth to baby Starry.

"How about Santhe?"

"Ayon, nakabihis na rin pero pinapanood pa ang ama na binibihisan ang kapatid niya." Naiiling pero bakas ang saya sa mukha niya.

I am so thankful of her for staying with us through the years. She spent her life taking care of us. She's so loyal and we always tell her that she's a part of our family. Si Shiela naman ay successful na at madalas siyang dumalaw rito sa bahay. May boyfriend na rin iyon ngayon pero hindi pa rin nakaka-move on sa crush kay Sage.

I was about to check  my husband and children upstairs when I heard the doorbell rang.

Sasabihin ko sana kay Nanay na buksan iyon ngunit umalis na pala siya.

Ako na lang ang nagkusang pumunta roon at i-check kung sino ang naroon.

Imposibleng kaibigan namin iyon o barkada ni Voch dahil halos naroon ang lahat sa party. At harmless naman siguro siya dahil pinapasok naman ng guard dito sa subdivision.

I frowned when I saw a pregnant woman outside our gate. She's pregnant but she's wearing a halter dress. It's too fitted that the baby bump is visible.

Dapat naka-maternity dress siya. Ako ang nahihirapan para sa baby niya.

"Sino po hanap niyo?"

"Is your amo there?"

Conyo pa pala 'to.

"Amo? Sino po?"

I mean, either ako o si Voch lang naman ang amo rito. At inakala pa yata niyang kasambahay ako rito?

The Crude CasanovaWhere stories live. Discover now