TCC ~ 14

16.9K 401 13
                                    

TCC ~ XIV

***

Chryss

Hanggang ngayon ay natutulala pa rin ako sa nasaksihan ko kagabi. I don't know how long I watched them both cuddling. Si Senechov, habang nakayakap sa kanyang anak.

It was such a sight to see. The fondness, the love emitting between the two of them. It tugs my heart.

I know I've been indifferent with Senechov. I really thought he doesn't have that much fondness for his son. I judged him so early. And I accepted that I'm so wrong. I realized I am such a bad person for thinking that he doesn't love his son that much. Who am I to bear that thought?

Noong gabing iyon ay hindi agad ako nakatulog. Patuloy na bumabalik sa isipan ko ang pagyakap ni Senechov sa anak niya. I thought I was never going to fall asleep. But I did. Hindi ko rin inakala na magiging maganda ang panaginip ko. I thought I was going to be haunted with her in my dreams. But it was a dreamless one. And I woke up with a happy thought.

It's another boring day but I didn't mind it. Hinatid ko si Santhe sa school at binantayan siya roon like any other day. There's some development with him dahil hindi na siya gaanong nagsusuplado.

"Ang cute at pogi talaga niyang binabantayan mo, Kris! Wapak! Sabagay ay kagwapo naman talaga ni Sir Seyn na iyon!" Sabay humahalakhak si Candelaria.

Ganoon talaga siya. She's loud but what I like about her is she's not an insecure person. Unlike those maids we are with here, iyong mga nagbabantay rin sa ibang bata. Sobrang sama nilang makatingin.

I wonder why they have to act like that eventhough I'm not doing anything to them? Hindi ko lang kasi maintindihan. If you are insecure, don't be mad at people around you. Make yourself better. Improve yourself. Don't drag others down. It won't make you any better. Kung minsan kasi, kung sino pa 'yong hindi kagandahan, sila pa 'yong may attitude.

"Tingnan mo 'yong baby ko, si Asheng, ang lusog di ba? At tsaka ay tingnan mo, kung makadikit kay baby Santhe! Ship ko 'yan!" Patuloy na pagdaldal niya.

I only smiled at her. Nakakatuwa nga ang alaga ni Candy, iyon ang nickname ni Candelaria. Asheng or Ashley is so cute. Bilog na bilog ang pisngi niya at namumula ang cheeks. Madalas nga niyang kulitin si Santhe.

"Ship?" I asked her.

"Basta. OTP!"

Lalo lang akong naguluhan sa pinagsasabi niya pero tumango na lang ako.

Marami pa siyang na-ikwento sa akin. Her life in Cebu where she came from, her works here in Manila, her boyfriend na nakilala niya sa Tantan. She's funny to be with. Naaalala ko si Cleopatra sa kanya. There are just no dull moments.

She made my stay in school a little bit not boring.

My time has never been this free before. I have a lot of things to do at talagang naninibago ako na wala na ako halos na ginagawa. Sobrang hectic ng schedule ko. It's because my business is just starting. I somehow thought I need to do everything, to finish all my jobs. But I regret taking all my time working. I lost her without even giving her my time, without even giving her the bonding she so much wanted.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi ako matahimik. Kung bakit napapanaginipan ko siya. I have so much regrets. I have so much what ifs.

"Uy, bigla kang nalungkot?" Nanunuri ang tingin niya sa akin.

"Wala 'to." Tipid ko siyang nginitian.

She shrugged. Hindi na siya nang-usisa pa.

"Pero napansin ko lang.. Alam mo 'yon, sino nga kaya ang Mommy ni Santhe? Hindi ko pa nakikita eh. Pero alam mo, may kahawig siya!"

The Crude CasanovaOnde histórias criam vida. Descubra agora