Pagkatapos ng limang oras na pagtuturo ng guro ay dismissal time na.
Ito na ang oras na magkikita si Jayser sa mga kaklase kong babae.
Alam ko na wala akong rights para pumunta din sa pagkikita nila pero curious lang naman ako kung ano ang gagawin ni Jayser.
"Goodbye class"
"Thank you ang goodbye Sir Lance"
Bago sila umalis ay agad kong kinuha ang aking bag at tumakbo paalis sa classroom.
Pumunta ako sa hallway na malapit sa mga lockers at nagtago habang hinihintay ko sila
Pagkalipas ng 20 seconds ay dumating na ang mga kaklase kong babae.
Ang aga naman nilang pumunta dahil si Jayser ang nagsabi na magkikita sila
-_-Habang naghihintay sila kay Jayser ay nagpapaganda pa sila. Inayos nila ang kanilang buhok, naglagay pa sila ng lip gloss at pulbo, pinataas pa nila ang kanilang palda para magiging maiksi at naglagay sila ng pabango.
Pero pagkalipas ng isang oras ay hindi pa rin dumating si Jayser.
Saan kaya siya pumunta? Wala ba siyang plano na pumunta dito?
Naalala ko na, bad boy pala siya. Siguro nga hindi siya darating. Pinapaasa niya lang ang mga babae.
Kahit na iniinsulto ako ng mga babaeng yun pakiramdam ko na dapat kong sabihin sa kanila na hindi darating si Jayser pero sa tingin ko pagtatawanan lang nila ako.
Aalis na lang ako.
----
Sa sunod na araw ay pumunta ako sa eskwelahan
Nung nakita ko ang mga babae na may gusto kay Jayser ay hindi na nila ako iniinsulto. Nakakagulat naman ito, bakit hindi na nila ako iniinsulto?
Umupo ako sa aking upuan at naghintay ulit hanggang mag ring na ang bell.
Pero lumapit si Claire at ang kaibigan niya na si Kyana sa akin.
"Anong relasyon mo kay Jayser?" Tanong ni Claire at galit na galit siya
"B-b-bakit ka n-na gagalit?" Takot ako at nahihiyang sumagot. Akala ko hindi na ako mahiyain pero kay Jayser lang pala ko hindi nahihiya.
"Hindi mo ba alam na boyfriend ko siya?!"
"Si Claire ang nagsabi kay Jayser na dito siya mag-aaral para magkakasama sila! Kaya huwag mong landiin si Jayser" Sabi ni Kyana tapos tinapon niya ang aking notebook sa sahig
"M-ma-magkaibigan lang
k-kami"Hindi ko naman alam na boyfriend ni Claire si Jayser. Kung alam ko lang sana yun edi hindi ko na pinansin si Jayser noong first day of school niya pa lang dito.
"Ito ang masasabi ko sayo, LUYUAN MO ANG BOYFRIEND KO!" Habang sinigaw yun sa akin ni Claire ay hinihila niya ng malakas ang buhok ko
Tapos may isang lalaki na hindi ko kilala ang tumulong sa akin.
Sinampal niya sa mukha sina Claire at Kyana pero mas malakas ang sampal niya kay Claire.
Hinawakan ng lalaki ang braso ko at hinila niya ako papunta sa garden ng eskwelahan para malayo kami sa classroom kung saan nandun sina Claire at Kyana.
"Okay ka lang?" Tinanong niya ako habang hinahawakan niya ang aking balikat
"Um Oo, s-salamat pala sa
t-tulong mo""Ako si Lloyd Hamandre, magkatabi ang ating classrooms. Diba ikaw si Rose Casuela?"
"Um, o-oo"
Tapos nag bell na
"Ihahatid na kita sa iyong classroom"
Hinatid niya ako sa classroom at naghitay siya hanggang umupo ako sa aking upuan at umalis na siya.
Nakita ako ni Jayser na hinatid ako ni Lloyd sa classroom at parang nagulat siya.
"Doggie, si Lloyd ba yun?""Paano mo siya nakilala?"
"Mukhang nakalimutan mo na famous ako dito kaya ibig sabihin nun marami akong kilala dito"
Alam ko naman kung ano ang famous noh!
"Bakit ka ba hinatid ni Lloyd?"
"Wala ka na dun" ayokong sabihin na inaway ako ng girlfriend niya kanina kaya tinago ko na lang.
"Bakit ba ayaw mong sabihin? May gusto ka ba kay Lloyd?"
"Wala noh!"
"Edi sabihin mo na!"
"Ayoko!"
Hindi ko na lang siya pinansin dahil kapag pinansin ko siya siguro marami nanamang mga babae ang magagalit sa akin.
"Doggie, sabay ulit tayong maglunch ha?"
Hindi ko siya pinansin
"Bad dog mo naman"
Nagsalita siya at nagsalita pero lahat ng mga sinabi niya ay hindi ko lahat pinansin.
"Nakilala mo lang si Lloyd tapos hindi mo na ako papansinin?!"
Huh?! Hindi kaya yun ang dahilan! Nakaka inis naman toh
"Huwag ka na ulit lalapit pa kay Lloyd, masama siyang tao"
Gusto ko sanang sabihin na si Lloyd ang nagligtas sa akin mula sa galit mong girlfriend pero kapag sasabihin ko yun siguradong magagalit sa akin si Claire dahil sinumbong ko siya sa boyfriend niya.
Bakit ba palagi akong inuutos ni Jayser? Tapos kapag sinunod ko ang utos niya pakikiligin niya ako. Manloloko talaga!
Kaya simula ngayon, hindi ko na susundin ang mga inuutos niya sakin.
END OF CHAPTER 5
VOUS LISEZ
The School's Bad Boy
Roman d'amourIto po ang unang tagalog love story na ginawa ko. Tungkol po ito sa isang buhay ng nerd na babae na hindi inaasahang mababago ng isang lalaki... Na kilala bilang... "The School's Bad boy"