CHAPTER 45: First Firm Hug

1.7K 46 20
                                    

Date: Thursday
Time: 10:25 P.M

5 minutes before to start the battle field
Katabi ko ngayon si Jayser sa kama = First blood
Niyakap niya ako = Double kill
Habang hinahawakan niya ang kamay ko = Triple kill
And Ace has been slain
VICTORY!

Ganito talaga ako kapag nahihirapan akong matulog.

Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Now back to reality.

Ang lambot ng kamay ni Jayser.

Parang gusto ko tuloy halikan.

Teka! Ano?! Sinabi ko ba talaga yun?

Pero wala naman sigurong masama kapag hahalikan ko ang kamay niya diba?

Sasabihin ko lang na aksidente lang yun.

This is it people, hahalikan ko na ang kamay niya. Enhale, exhale. 3...2...1...waaaaa!!!   Nahihiya akooo!!!

Ano ba itong nangyayari sakin?! Gusto kong halikan ang kamay niya? Sobrang awkward kasi kapag hinalikan ng babae ang kamay ng lalaki. Pero bakit pumasok sa ulo ko na hahalikan ko ang kamay niya? Wala akong gusto kay Jayser at talagang hindi na ulit ako magkakagusto sa kanya! Kasama ko lang naman siya ngayon dahil tinulak niya akong pumasok sa sasakyan papunta dito.

"Doggie" Nagsalita siya habang pumipikit ang mga mata niya

"Ano yun?" Hindi talaga ako komportable ngayon! Kanina pa niya hinahawakan ang kamay ko habang niyayakap niya ako.

"Pwede mo ba akong yakapin?"

Waaaaa!!! Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakapagyakap ng tao! Hindi ko pa nayakap ang mga magulang at kapatid ko. Nayakap na nila ako pero hindi ko pa sila nayakap. Mahiyain talaga ako noon.

"H-hindi ko alam" Hindi ko talaga alam kung paano magyakap.

Tapos hinawakan niya ang isa ko pang kamay at pinatong niya sa baywang niya.

Waaaaaaa!!! Niyayakap ko na siyaaa!!! Siya ang unang tao na niyakap kooo!!!

Ikatlong beses na ako niyakap ni Jayser pero ito ang unang beses na niyakap ko siya.

Hinigpitan niya ang pagyakap sakin.

Wala akong magawa kundi ay higpitan rin ang pagyakap ko sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko.

Nagulat nga rin ako sa ginawa ko eh.

"Sobrang saya ko ngayon Doggie" Waaaa!! Hinalikan niya ang noo ko!!!

Bumilis ang tibok ng puso ko. As in! Sobrang bilis talaga! Kinikilig ba ako?! Pero akala ko wala akong gusto sa kanya?

"May exam pala tayo bukas Doggie. Maaga pa tayo gigising dahil uuwi pa tayo para magbihis ng school uniform"

Nakalimutan ko na may exam pala kami bukas at uuwi pa kami para kumain, maligo at magbihis.

"Good night Doggie" Hinalikan niya ulit ang noo ko!

Waaaaaaaaa!! Kinikilig nanaman akoooo!!

Ano ang nangyari kay Jayser? Bakit ang sweet niya ngayon?

"Um Jayser? Bakit parang ang sweet mo ngayon?" Sobrang honest ng sentence na ginamit ko -_-

"Bakit? Gusto mo ba?"

"Siguro"

Pabebe! Bakit bigla akong naging pabebe?! Hindi naman ako pabebe! Hindi talaga!

"Sweet kasi ang mga lalaki kapag gabi" Ngumiti siya

"Bakit naman?"

"Gabi kasi eh. (tumingin siya sakin tapos umiwas agad siya ng tingin) Hindi mo maintindihan dahil inosente ka"

Huh?! Wala akong naintindihan!

"Matulog ka na lang Doggie, maaga pa kasi tayo gigising bukas"

Pinikit ko ang aking mga mata at natulog.

-----

*Friday* (3 days before Jayser will go to America)

Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko na hanggang ngayon ay niyayakap pa rin ako ni Jayser at niyayakap ko pa rin siya.

Totoo ba ito?! Hindi ba kami gumalaw habang natutulog?

Bibitawan ko na sana ang pagyakap ko sa kanya pero napatingin ako sa gwapo niyang mukha.

Tapos gumising na siya.

Agad kong sinampal ang pisnge niya.

Sorrryyyyy!! Hindi ko yun sinasadya. Sobrang lapit kasi ng mukha niya at nagulat ako nang dumilat ang mga mata niya.

"Aray!" Umalis siya sa kama at hinawakan niya ang pisnge niya "You ruined my handsome face!"

"Hindi ko naman yun sinasadya!"

Wala naman pimples ang mukha niya at hindi naman pumula ang pisnge niya nang sinampal ko yun.

"Gusto mo siguro hahalikan kita"

"Hindi noh!" Hindi naman talaga eh. Medyo lang? Teka! Ano ba itong pinagsasabi ko?! May gusto ba ako kay Jayser?

"Doggie, kung gusto mo na hahalikan kita edi sabihin mo"

Bakit palagi niya yan sinasabi? Yan siguro ang favorite line niya.

"Time check (tumingin siya sa kanyang relo) 6:31 A.M na pala?"

6:31 A.M?! May 59 minutes kami para maghanda.

Umalis agad kami sa lodge.

Nakatayo na kami ngayon sa sidewalk.

"Siguro walang sasakyan ang dadaan dito dahil sobrang aga pa"

Huwag mong sabihin na tatakbo tayo -_-

"Tatakbohin na lang natin"

Sabi na nga eh -_-

Pero 3 miles ang distanya namin papunta sa apartment!

Bago ako makapagsalita ay tumakbo agad siya "Kung sino ang huli ay gagawa siya ng DARE!"

Ang daya niya! Tumakbo agad ako para ma unahan ko siya.

Matagal na panahon na ako hindi nakapagtakbo!

Pagod na ako!

Tumigil si Jayser sa pagtatakbo at lumakad siya papunta sakin.

"Para kang Duchshund na dog breed, cute tumakbo"

Hindi ako alam kung makikilig ba ako o maiinis?

Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan siya.

Pagkatapos niyang mag-usap sa tao na nasa kabilang linya ay may sinabi siya sakin na maganda "Tinawag ko ang aking driver at susunduin niya tayo dito"

Buti naman dahil may sinabi siyang maganda. Pero bakit hindi niya sinabi na may natitira pang battery ang phone niya?

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang driver niya.

Pumasok kami sa sasakyan at hinatid kami ng driver sa apartment namin.

Pagdating ko sa apartment ay hindi ko nakita ang mga kapatid ko.

Siguro pumunta na sila sa eskwelahan.

Nagbihis ako at kumuha ako ng dalawang tinapay tapos umalis ako sa apartment.

Nakita ko si Jayser na hinihintay niya ako sa labas kaya sabay kaming pumasok sa sasakyan ng driver niya at hinatid niya kami sa eskwelahan.

Buti naman dahil on time kaming nakarating.

Umupo kami sa aming upuan at nagsimula na ang exam.

END OF CHAPTER 45

The School's Bad Boy Where stories live. Discover now