CHAPTER 31: First Unrequited Love

2.6K 62 11
                                    

Nang oras na ng uwian ay nakita namin ni Jayser si Matthew sa labas ng gate ng eskwelahan.

Pumunta kami sa kanya.

"Hihintayin pa natin sina Revan at Alex" Sabi ni Matthew

Pagkalipas ng dalawang minuto ay dumating na si Revan. Suot niya ang kanyang uniporme sa kanyang eskwelahan.

"Nasan si Lex?" Tinanong kami ni Revan

"Nasa eskwelahan pa" Sabi ko

Pagkalipas ng limang minuto ay dumating na si Alex

"Sorry late ako, cleaners ko kasi ngayon eh"

"Okay lang, tara na, pumasok na kayo sa sasakyan"

May sasakyan pala si Matthew? What the F?! BMW ang sasakyan niya?!

Ito ang aming seating arrangement sa loob ng sasakyan.

Matthew-----Revan (Front seat)
Jayser---Ako---Alex (Back seat)

-----

Nang nakarating na kami sa theaters play ay ipinakilala kami ni Matthew kay Mister Lindsey, ang director ng theaters play.

"Madali lang naman ang gagawin niyo, magtatanghal kayo sa entablado ng 20 minutes dahil ibang tao naman ang sunod na magtatanghal" Sabi ni Mister Lindsey

"Ito po ang script, maghanap po kayo ng gusto niyong karakter na gaganapin" Sabi ng assistant

"Bakit tayo ang pipili ng sarili nating karakter? Diba dapat magtatanghal pa tayo at pipiliin ng director kung sino ang karakter na bagay sa kanya base sa kanyang pagtanghal?" Tinanong ko si Matthew

"Konti lang kasi ang sumali at malapit nang maganap ang tanghalan kaya tayo ang pipili ng sarili nating karakter para mabilis tayo makahabol sa oras"

"Ako ang gaganap na prinsipe" - Revan

"Ako ang gaganap na evil witch, Rose ikaw ang gaganap na evil princess dahil nakasulat dito na magkaibigan daw sila" - Alex

"Sige" - Sabi ko

"Ako ang hari" - Matthew

"Ako ang tagapagtanggol ng kaharian" - Jayser

"Sauluhin niyo ngayon ang inyong script dahil mag-eensayo tayo bukas ng stage directions" Sabi ni Mister Lindsey

"Opo sir" Sabi naming lahat

Habang binabasa ko ang script ay nakita ko na ang prinsipe ay may gusto sa evil princess at habang nagpapatuloy ako sa pagbabasa ay pakiramdam ko bumibilis ang tibok ng aking puso dahil ang gaganda ng mga stage lines na sinasabi ng prinsipe.

"Rose, diba ikaw ang gaganap bilang evil princess?" Tinanong ako ni Revan

"Opo"

"Kapag may nakalimutan kang stage line habang nagtatanghal tayo, kumurap ka lang dahil ako ang bahala para hindi ka mapahiya"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang prinsipe siyang magsalita.

"Ehem! Sorry sa distorbo pero malapit nang gumabi kaya ihahatid ko na siya sa kanyang apartment" Nagulat ako sa sinabi ni Jayser. Parang iba ang ugali niya ngayon.

-----

Pagkatapos akong hinatid ni Jayser sa aking apartment ay hinawakan niya ang aking braso bago ako pumasok sa pinto.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking ulo at parang may nilalagay siya.

Tapos inalis na niya ang kanyang kamay.

The School's Bad Boy Where stories live. Discover now