CHAPTER 61: First School Idols

2.8K 70 83
                                    

"Ikaw pala si Riona Casuelaaa??!!!"

"Tumahimik ka nga Jaystine! Ang ingay mo!" Iniinsulto nanaman ako ni Jaystone

Kahit kambal kami ay ako ang mas nakakatanda sa kanya dahil ako ang unang lumabas sa tiyan ni mommy bwahaha kawawa naman si Jaystone dahil na unahan ko siya.

"Ate kilala mo pala si kuya Jaystine?" Tinanong siya ng boyfriend ni Jaysminn

"Hindi ko siya kilala"

"Talaga? Hindi mo ako kilala? Pareho lang pala tayo eh. Hindi rin kasi kita kilala"

"Eh bakit sumigaw ka nang narinig mo ang pangalan ko?"

"Nakita ko kasi ang pangalan mo sa aking contacts"

"Anooo??!!!" Nagulat si Jayser

"Okay ka lang Jayser?" Tinanong siya ni Rose

"Wala sa contacts ni Jaystine ang phone number namin kahit kami ang pamilya niya dahil ang contacts niya ay mga phone numbers lang ng mga girlfriends niya!"

Tumingin silang lahat sakin.

"Isa pala sa mga girlfriend mo si Riona?!" Sigaw nilang lahat pwera lang kay Riona at kay Jaystone. KJ talaga ang Jaystone na ito eh.

"Pero si Emmanuel ang boyfriend ko"

"Two timer ka pala ate?" Hahaha nakakatawa pala itong boyfriend ni Jaysminn

"Hindi ako two timer Richmond!" Richmond pala ang pangalan ng boyfriend ni Jaysminn. Naalala ko na rin.

Tapos pumasok si mommy sa dining room.

"You have 5 minutes left to finish eating dinner. Remember to wake up early in the morning because all of you still have to go to school"

"Yes mother" Sabi naming lahat na Elizan family

Nang umalis na si mommy ay agad kaming kumain ng mabilis.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rose's POV

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa aming mga kuwarto para maligo at matulog.

Nasa labas kami ngayon ni Jayser sa kuwarto ng Casuela family.

"Kita tayo bukas Doggie"

"Sige"

Lumakad na si Jayser paalis pero bigla siyang huminto sa paglalakad.

"Wala man lang good night kiss?"

"Naging obsess ka na sa halik. Hindi na ulit ako hahalik sayo"

"Ouch"

"Huwag ka nga magdrama"

"Ouch!" Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang dibdib na parang nasasaktan talaga siya -_-

"Lumakad ka dito"

"Talaga? Papayag ka na?"

"Hindi noh"

Niyakap ko siya

"Good night Jayser. Mahal na mahal kita"

Tumigil ako sa pagyakap sa kanya at tiningnan ko siya.

"Wala ka man lang sasabihin?" -_-

"Ah, um, babalik na ako sa kuwarto ko" Sinabihan ko siya ng good night at mahal kita tapos yan lang ang sasabihin niya?!

The School's Bad Boy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang