CHAPTER 46: First Roomies

1.9K 57 30
                                    

Pagkatapos ng exam ay lumapit si Niel sakin "Tapos na ang exam week. Gusto mo bang sumama sa amin mag-overnight sa resort?"

Resort? Parang masaya yan ah

"Sige"

"Kasama natin sina Lloyd, Paris, Zhian, Ryan, Alex, Marielle at Jayser"

Ang dami naman namin.

"Susunduin ka namin sa apartment mo mamayang 11:00 ng umaga" 9:30 A.M kasi ang dismissal time namin tuwing exam week.

"Sige Niel, ma una na muna ako"

"Sige, paalam"

Nag wave siya sakin kaya nag wave rin ako sa kanya

-----

Nang pumasok na ako sa apartment ay nagpaalam ako sa mga kapatid ko na mag-oovernight kami ng mga kaibigan ko sa resort.

Tinulungan ko nilang mag-impake ng mga dadalhin ko at binigyan ako ni Ate Riona ng 5,000 pesos na baon habang si Richmond naman ay gumawa siya ng tatlong strawberry jam sandwich para sakin.

Nagpalit ako ng damit tapos nilagay ko sa aking backpack ang mga extra clothes na dadalhin ko.

Pagkatapos ko nilang tinulungan na mag-impake ay umalis na ako sa apartment at nakita ko ang malaking van ni Paris.

Nalaman ko na van yun ni Paris dahil ang plate number ng van ay 'PAR12'. Halata talaga na pinalitan niya ang kanyang plate number para mabilis malaman ng mga kilala niya na siya ang may-ari.

Lumabas si Ryan sa van at tinulungan niya akong ilagay sa loob ang aking mga dala.

Nang pumasok na ako sa van ay hindi ko nakita si Marielle.

"Na saan si Marielle?" Tinanong ko sila

"Napakarami kasi ng mga dinala niya. May apat na malalaking maleta, isang backpack at isang shoulder bag. Dalawang maleta at isang shoulder bag ang dinadala niya habang ang bulter niya ang nagdadala ng dalawa pang natitirang maleta at isang backpack" Sabi ni Zhian

Ang dami naman ng mga dinala ni Marielle. Ako nga isang backpack lang ang dinala ko eh.

"Eh na saan ngayon si Marielle?"

"Sumasakay siya sa kaniyang private car" Sabi ni Alex

Tiningnan ko kung ilan ang mga bag na dinala nila.

Lahat sila ay isang maleta at isang backpack ang dinala habang ako ay isang backpack lang -_-

Wala kasi akong maleta.

-----

Nang nakarating na kami sa resort ay nagbayad si Niel at Jayser para sa entrance, hotel at pool.

Pumasok muna kami sa hotel para ilagay sa aming kwarto ang aming mga dinala.

Pero pinigilan kami ni Niel. "Sandali lang! Pipili pa tayo ng magiging roommate natin"

"Oo nga pala" - Zhian

"Ah Oo" - Paris

"Oo nga noh" -Alex

"Oo nga, nakalimutan ko eh" - Ryan

"Oo nga" - Marielle

"Tama, naalala ko na" - Lloyd

Bakit sila lang ang may alam tungkol diyan? -_-

Teka! Hindi rin pala alam ni Jayser kung ano ang pinag-uuspan nila. Bakit kaya?

The School's Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon