CHAPTER 34: First Friendly Support

2.3K 60 24
                                    

"Um Jayser, may gusto ako kay Revan"

Biglang tumigil si Jayser sa paglalakad tapos tumingin siya sakin habang ngumingiti. "Masaya ako para sayo"

Kalma lang Rose, huwag kang matakot. Diba friends lang kayo ni Jayser? Kaya huwag kang matakot na hihingi ng supporta mula sa kanya.

"Um, pwede mo ba akong suportahan?"

"Oo naman, kaibigan kasi kita eh" Ngumingiti pa rin siya

Nang nakarating na kami sa apartment ay hindi kami naka pagpaalam dahil agad siyang pumasok sa kanyang apartment room.

Hinayaan ko na lang siya at pumasok na ako sa aking apartment.

-----

Sa sunod na araw ay sabi ni Sir Lance sa amin ay may bago daw kaming kaklase.

Pumasok na ang bago naming kaklase sa classroom at siya pala ay si Revan.

Maraming mga babae ang sumisigaw at kinikilig nang nakita siya nila.

"Diba siya si Revan Gohee?"
"Diba siya yung pinakasikat na actor ni Mister Lee?"
"Sobrang gwapo niya talaga"
"Ang maging kaklase ko siya ay isang masayang panaginip"
"Revan Gohee, be mine"

"Mukhang hindi mo na kailangang mag introduce yourself dahil kilala ka na ng buong klase" Tumawa kami sa sinabi ni Sir Lance

Nang naglalakad na si Revan papunta sa kanyang upuan ay naging mas malakas ang sigawan ng mga babae.

Umupo si Revan sa upuan na nasa likod tapos nagsimula na ang klase.

-----

Nang recess time na ay maraming mga babae ang nag-usap sa kanya.

"Pwede next time na lang tayo mag-usap?" Sabi ni Revan

"Sure Revan"
"I'll wait no matter how long it takes"
"Mahal kita Revan"

Tapos umalis na sila sa classroom para bumili ng pagkain.

Pumunta si Revan sa amin ni Jayser.

"Bakit ka nag transfer dito?" Emotionless si Jayser magsalita

"Nandito kasi ang babaeng gusto ko haha"

Sana ako ang tinutukoy niya -_-

"Tsaka nga pala Rose, pwede ba tayong magkita sa likod ng school gates mamayang uwian?"

Bakit yan tinanong sakin ni Revan? May gusto ba siyang sabihin sakin?

"At kung pwede, sana wala kang dadalhing kasama. May sasabihin kasi ako na gusto ko ikaw lang isa ang makakarinig"

Waaaaaaaa!! Sasabihin ba ni Revan na mahal niya ako??!!! Hindi Rose! Huwag kang umasa! Malalaman mo lang yan mamaya kung ano ang sasabihin niya kaya maghintay ka na lang.

Kagaya nga ng sabi nila 'Mga seryoso ang naghihintay at mga tanga naman ang nagmamadali' tandaan mo yan Rose! Kaya maghintay ka hanggang mamaya!

"Sige Revan, pupunta ako mamaya"

"Tsk!"

Ano  ba naman itong problema ni Jayser? Bigla lang siya nagalit.

-----

Nang lunch time na ay hindi sumama si Revan kumain sa amin ni Jayser dahil sabi niya raw may kasama siyang kumain sa ibang section.

"Doggie, alam mo ba na may girlfriend na si Revan?"

"Huh?! Paano mo na sabi yan?" Wala kayang girlfriend si Revan

"Sinabi niya sakin mula sa text, (kinuha niya ang kanyang phone) ito ang phone number niya (ipinakita niya ang phone number ni Revan) at hindi siya sumama sa atin kumain ng lunch dahil kasama niya ang girlfriend niya na nasa ibang section"

Ang sakit pakinggan ng sinabi niya. Parang tutulo na ang luha ko. Sino ba kasi ang girlfriend ni Revan?

"Hahahahahaha joke lang" Walang hiya ka Jayser! Akala ko totoo!

"Mahilig si Revan kumain ng spicy foods, hindi siya kumakain ng sweets at mga masasayahing babae ang gusto niya" Kilala pala ni Jayser si Revan. Buti naman at may nasabi siyang maganda -_- "Ayaw niya sa mga babae na mabilis magalit, mahilig siyang pumunta sa lugar na maraming mga halaman at Daisy ang paborito niyang bulaklak, oh ayan, masaya na?"

Daisy ang paborito niyang bulaklak? Bakit hindi rose?

"Salamat sa impormasyon" Maliban lang sa Daisy ang paborito niyang bulaklak. Pakiramdam ko tuloy na sana Daisy na lang ang pangalan ko.

"At ang pinaka gusto niya sa mga babae ay ang marunong magluto"

Anooooo???!!! Hindi ako marunong magluto!! Cup noodles lang ang kaya ko.

"H-hindi ako marunong magluto" Kailangan kong sabihin kay Jayser ang totoo dahil siguro tuturuan niya ako kung paano magluto

"Ah ganun pala? Edi good luck sa magiging love life mo" Sana hindi ko na lang sinabi sa kanya ang totoo dahil wala naman pala akong makukuha

"Ah talaga? Eh ikaw? Alam mo ba kung paano magluto?"

"Syempre naman, alam ko nga kung paano gumawa ng cake eh"

"Eh kung itatapon ko ang cake diyan sa mukha mo?"

"Edi lalagyan ko ng icing ang mga mata mo, bulag ka kasi pagdating sa pag-ibig"

"Kung ganun, lalagyan ko ng sprinkles ang buong katawan mo!"

"Bakit? Nang dumating ba ako sa buhay mo biglang naging makulay ang mundo mo?"

Sandali lang, tama nga siya.

Simula nang nakilala ko siya ay nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan, natuto akong mag role play at tumula, marami akong nakilalang mga tao at pinaalala niya sakin ang pakidamram na tumawa at ngumiti.

Ang mainip kong buhay ay biglang naging makulay.

"Sorry" Dapat ko lang naman sabihin yan eh

"H-huh?! Bakit? Para saan?" Nag sorry na nga ako dahil ininsulto kita tapos ganyan ang sasabibin mo sakin?!

"Wala! Never mind!" Ibabalik ko na lang sakin ang sorry na sinabi ko kung wala man lang siyang plano na kunin yun

Tumahimik siya at parang iniisip niya kung bakit ako nag sorry. Bahala ka diyan, hindi kita tutulungan.

-----

Nang oras na ng uwian ay pumunta agad ako sa likod ng school gates at naghintay ako hanggang dumating na si Revan.

.
.
.

Jayser's POV

Nandito rin ako ngayon sa likod ng school gates dahil gusto kong malaman kung ano ang sasabihin ni Revan sa aso ko. Pero nagtatago ako sa likod ng malaking puno para hindi nila ako makita.

"Rose, kanina ka pa ba dumating?" Dumating na si Revan

"Hindi, bago lang ako dumating" Anak ng kanding! With matching pabebe face pa siya magsalita sa harap ni Revan! Mukhang hindi loyal ang aso ko. Dapat siguro tuturuan ko siya kung paano maging loyal sa kanyang amo?

"Rose, nag enroll ako sa eskwelahang ito dahil gusto kita makita araw-araw, gusto kong sumama sayo araw-araw at gusto kitang mahalin araw-araw. Rose, hindi ko na patatagalin ito, (lumuhod siya with one bent knee) Rose Casuela, will you be my girlfriend?"

Kinuha ko ang aking phone at tiningnan ko ang aking wallpaper.

Ang una naming selfie ni Doggie ang aking wallpaper pero ngayon na matatapos ang pagiging tanga ko sa babaeng yun.

*Delete photo*

END OF CHAPTER 34

The School's Bad Boy Where stories live. Discover now