Habang hinahatid ako ni Jayser sa aking apartment ay nag-usap kami.
"Huwag kang maniwala kay Kyana, hindi nag commit ng suicide si Claire. Nagtransfer lang siya sa ibang eskwelahan"
Sinabi ni Jayser habang nagmamaneho"Bakit?"
"Nakipagbreak ako sa kanya"
Bad boy talaga! Wala siyang paki alam sa nararamdaman ni Claire.
"Dahil (huminto siya sa pagsasalita ng ilang sigundo tapos nagsalita na siya) may nakilala akong aso. Masaya siyang kasama kaya hindi na ako naglalaro ng damdamin ng mga babae, kaya sinabi ko kay Claire ang totoo kong nararamdaman."
Aso? Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi Rose! Assuming ka lang talaga! Huwag kang umasa!
Tapos nakarating na kami sa aking apartment.
Nagpasalamat ako sa kanya at sabi niya "Doggie, siguradong magugulat ka bukas"
"Huh?! Bakit?"
"Gamitin mo nga ang utak mo, kapag sinabi ko sayo edi hindi ka na magugulat"
Grabi siya magsalita -_-
"Pumasok ka na sa apartment mo"
"Kung nagmamadali ka edi umalis ka na"
"Hindi ako aalis dahil hindi ka pa pumasok sa apartment. Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari?! Kapag ako ang unang umalis siguro may kukuha ng mga gamit mo, may magrerape sayo, may mag hohostage sayo, maraming pwedeng mangyari"
Nag-aalala ba siya sa akin? Susundin ko na ang sinabi niya para hindi na kami mag-away.
Pumasok ako sa apartment at umalis na si Jayser.
Sa loob ng apartment ay nakita ko na si Ate Riona ay wala pa sa apartment.
"Nag overtime ba ulit si Ate Riona?" Tinanong ko si Richmond habang gumagawa siya ng strawberry jam sandwich
"Sabi niya raw may bago tayong kapit bahay sa apartment kaya bibili siya ng pagkain para ibibigay sa bago nating kapit bahay"
"Sino ang bago nating kapit bahay?"
"Hindi ko alam" Pagkatapos yan sabihin ni Richmond ay kinain na niya ang strawberry jam sandwich
Napansin niya na tinitingnan ko ang kanyang kinakain.
"Hindi ka pwedeng humingi! Ako ang bumili ng strawberry jam using my own savings!"
Ang sungit talaga -_-
Tapos dumating na si Ate Riona
"Rose, may school field trip ako bukas. Maaga pa ako aalis sa apartment at sa Tuesday pa ako uuwi dahil mag
o-overnight kami. Ikaw muna ang magbabantay kay Richmond at ikaw ang gagawa ng fruit salad tapos ibibigay mo sa bago nating kapit bahay"Ako ang mag-aalaga kay Richmond?! At ako rin ang gagawa ng fruit salad? Hindi ko nga alam kung paano magluto edi syempre hindi ko rin alam kung paano gumawa ng fruit salad. Tapos ibibigay ko pa sa bago naming kapit bahay sa apartment?! Alam naman niya na mahiyain ako!
Tapos pumasok na si Ate Riona sa kanyang kwarto at natulog.
Tumingin si Richmond sa akin
"Ang malas ko dahil ikaw ang magbabantay sa akin"Nakaka inis ka na bunso!
Kumuha na lang ako ng dalawang tinapay at pumasok sa kwarto ko.
Habang kumakain ako ay nanonood ako sa YouTube kung paano gumawa ng fruit salad.
----
Pagdating ng umaga ay umalis na si Ate Riona, tulog pa si Richmond at ako naman ay gumagawa ng fruit salad.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nilagay ko sa refrigerator ang fruit salad na nasa tupper ware.
Tapos gumising na si Richmond at kumain siya ng dalawang sandwich.
Siguro mabubusog na siya sa kinain niya. Ayokong magluto dahil takot ako sa init ng heating stove.
---
Hapon na, kinuha ko sa refrigerator ang fruit salad at pumunta sa apartment ng aming bagong kapit bahay.
Tumatayo ako sa harap ng kanyang pinto.
Ano kaya ang sasabihin ko? Kamusta AKO ang iyong kapit bahay? Or Kamusta KAMI ang iyong kapit bahay. Ano kaya ang sasabihin ko?! Ako lang naman ang tumatayo dito pero kapit bahay niya rin ang mga kapatid ko.
Hindi ko na lang kaya sasabihin ang AKO o KAMI.
Sige practice muna 'Kamusta kapit bahay' naku hindi! Parang walang respeto pakinggan.
'Kamusta, para sa iyo ang fruit salad na ito dahil kapit bahay ka'
Mali rin! Ang hirap palang magkamusta kapag hindi ginagamit ang mga salitang AKO o KAMI.
'Kamusta' na lang siguro ang sasabihin ko
Bahala na diyan kung ano ang mangyayari.
I press the doorbell na kinakabahan.
Ano kaya siya? Lalaki o babae
Binuksan niya ang pinto.
Nagulat ako nang nakita ko siya
Siya pala ang bago naming kapit bahay?!
"Hi Doggie"
END OF CHAPTER 9
YOU ARE READING
The School's Bad Boy
RomanceIto po ang unang tagalog love story na ginawa ko. Tungkol po ito sa isang buhay ng nerd na babae na hindi inaasahang mababago ng isang lalaki... Na kilala bilang... "The School's Bad boy"