CHAPTER 25: First Lovely Nurse

4.4K 98 40
                                    

"Doggie?! Paano mo nalaman na bumalik ako dito?! At bakit ka pumunta sa apartment ko?!"

"Alam mo ba na ako lang mag-isa ang gumawa ng report natin dahil absent ka!! (Nakita niya na maraming mga sugat ang aking mukha at kamay) At ano naman ang nangyari sayo?!"

"Wala ito" Umiwas ako ng tingin sa kanya

"Babalik ako" Umalis siya

Nakalimutan ko na gagawa pala kami ng report ni Doggie. Pero sino ang sinasabi niyang boyfriend niya? Si Niel? Pakiramdam ko talaga si Niel ang boyfriend niya.

Bumalik na si Doggie at pumasok siya agad sa apartment ko.

Parang akala niya apartment niya ito -_-

"Umupo ka diyan sa upuan" Tsk! Sige na nga!

Binuksan niya ang kanyang first aid kit.

"Masakit ito" Sabi niya habang nilalagyan ng beta dine ang cotton.

Tumahimik lang ako. Kahapon kasi binigyan niya ako ng letter at ang naka sulat ay dapat na akong lumayo sa kanya dahil may boyfriend na siya. Pero ngayon, siya mismo ang lumapit sakin. Sino kaya ang boyfriend niya?

Tapos pinunasan niya muna ng basang panyo ang aking mga sugat.

F*ck! Kinikilig ako! Masakit sa mukha habang pinupunasan niya ang mga sugat ko pero hinahawakan niya ang mukha ko!!

Tapos pinunasan niya naman ang sugat sa kamay ko. Anak ng kanding! Hinahawakan niya ang kamay ko!! Sobrang lambot ng mga kamay niya, parang mas malambot pa kaysa unan.

Tapos kinuha na niya ang cotton na may beta dine. Pinunas niya sa aking mga sugat. Tekna!!! Ang sakit!!! Tapos bigla kong naalala na may boyfriend na pala iya. 

"Doggie"

"Ano yun?"

"Sino ang boyfriend mo?"

"Bakit gusto mong malaman?"

Anak ng kanding! Ang galing niyang magreply!! Na corner niya ako (╥_╥)

"Curious lang ako"

"Nagsisinungaling ka, kaya hindi ko sasabihin sayo" Nalaman niya na nagsisinungaling ako??!!! Grabi, alam niya kung saan gagamitin ang katalinuhan niya -_-

Tapos na siyang maglagay ng beta dine kaya nilagyan niya ang mga sugat ko ng bandage.

"Tapos na, aalis na ako, magpahinga ka diyan" Pagkatapos niya itong sabihin ay umalis na siya sa apartment ko.

Tiningnan ko ang oras at nakita ko na 5:53 pa lang. Nag set ako sa aking alarm clock na 7:00 niya akong gigisingin. Tapos nagsimula na akong matulog.

----

Nang dumating na ang 7:00 ay nagring na ang aking alarm clock.

Gumising ako at nagpalit ng damit. White T-shirt,black jeans at red shoes ang sinuot ko.

Sumakay ako sa aking sasakyan at pumunta sa mga bahay ng aking mga bulldogs (pangalan ng grupo namin ang bulldogs, remind ko lang hehe) para sabay kaming pupunta sa bar.

----

Nasa loob na kami ngayon ng bar. Madilim, mga colorful lights lang ang umaandar at maingay ang music. Marami ring mga chix, maliliit at fit ang mga damit na sinusuot nilang lahat.

"Akin yung naka blue" Sabi ni Paris

Tapos lahat sila pumili na ng kani-kanilang chix

"Akin yung naka puti" -Lloyd

"Akin yung naka pink" -Zhian

"Akin yung naka violet" -Ryan

Tumawa lang ako sa kanila pero nagulat ako kay Niel dahil hindi siya pumili.

"Hindi ka ba pipili?" Tinanong ko siya

"Hindi"

Hindi raw siya pipili!!!! May girlfriend na kaya siya??!!! Si Doggie ba ang girlfriend niya??!!

"Eh ikaw Jayser? Hindi ka ba pipili?"

Iniinsulto niya ba ako?! Edi pipili ako!!

"May napili na ako noh! Pupunta na nga ako sa kanya eh"

Umalis ako para hindi niya malalaman na nagsisinungaling ako. Pero ang totoo ay umupo lang ako sa round sofa.

Tapos may apat na mga babae na umupo rin sa round sofa. Ang dalawa ang tumabi sakin habang ang natitirang dalawa ay umupo sa sahig na nasa harapan ko.

Woah! Ang se-sexy  nilang apat! Hinahawakan pa nila ang katawan ko!! Sobrang komportable naman dito. I'm in paradise!!!

Matagal na panahon na akong hindi pumupunta sa bar. Tinitingnan ko ang mga babae na humahawak sa katawan ko. Ang katabi ko palang babae na nasa kaliwa ay si Cathleen? Ang ex ko

"Cathleen?" Tinanong ko siya at tumingin siya sakin

"Jayser? Hindi ko nalaman na ikaw pala yan dahil medyo madilim eh"

"Ah okay lang"

Tiningnan ko ang kanyang dibdib at nakita ko na ang laki ng dede niya haha. Parang balloon kalaki habang si Doggie naman ay parang siopao kalaki. Pero okay naman ang siopao dahil masarap yun kagatin habang ang balloon naman ay hangin lang ang malalasa mo haha.

Naalala ko tuloy si Doggie, siya pala ang naglagay ng bandage sa mga sugat ko. Pero pumunta pa rin ako dito sa bar!! Ang sama ko.

Pero may boyfriend naman si Doggie kaya okay lang itong ginagawa ko, diba?

"Jayser" Tinawag ako ni Cathleen

"Ano?"

"Pwede mo bang hubarin ang damit mo? Kahit T-shirt lang"

"Oo nga" Sabi ng tatlo niyang mga kasamang babae

Gusto nila na magiging shirtless ako dito??!!! Hmm, may boyfriend naman si Doggie kaya sige.

Hinubad ko ang aking T-shirt. Tapos hinawakan nila ang katawan ko lalong-lalo na ang six pack abs ko. Hehe ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa nila.

Habang hinahawakan nila ang katawan ko, bigla kong naalala si Doggie. Hinawakan niya kasi ang kamay ko kanina para gamutin ang mga sugat ko. Mas malambot pa ang kamay ni Doggie kaysa kamay ang mga babaeng ito.

Kahit na alam ko na may boyfriend na si Doggie pakiramdam ko wala pa siyang boyfriend.

Parang gusto kong umalis dito.

Sinuot ko ang aking T-shirt

"Aalis ka na agad?" Tinanong ako ni Cathleen

"Oo, may importante kasi akong pupuntahan" Nagsinungaling ako para paaalisin niya ako

"Sige"

Buti naman

Pumunta ako kay Niel dahil sasabihin ko sa kanya na uuwi na ako.

Nakita ko siya na umuupo sa sofa at umiinom ng alak.

"Niel, uuwi na ako. Paki sabi na lang sa mga bulldogs na kita tayo sa eskwelahan bukas"

"Rossie" Sabi niya, teka! Yun ang tinatawag niya kay Rose! Naparami yata ang ininom niyang alak. "Sana mahalin mo rin ako" May gusto nga talaga si Niel kay Rose!!!!!! Ibig palang sabihin nito hindi si Niel ang boyfriend niya? Eh sino?

END OF CHAPTER 25

The School's Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon