CHAPTER 22: First Invite

6K 122 54
                                    

"Rose, sorry"

Tekna!! Sobrang sincere yung pagkakabigkas ko.

Tumingin siya sakin

"Para saan?"

Tekna kang aso ka! Sinusubukan mo talaga ako. Pinipilit mo akong sabihin ang totoo.

"Dahil nagsisisi ako sa pagloko ng damdamin mo"

"Hindi ko maintindihan"

Hindi ito kdrama kaya huwag mo akong pilitin na maging sincere sa nararamdaman ko (╥_╥)

Pero hindi ako magpapatalo. Hindi pa ito ang tamang araw para sabihin ko sayo ang totoo kong nararamdaman.

"Huwag mo na lang intindihin"

"Halimaw!"

"Si Rose Casuela!" Haha nainis siya sa sinabi ko

Umiwas siya ng tingin sakin haha ang cute naman.

"Doggie"

Hindi niya ako pinansin katulad ng dati -_-

Pero hindi na siya umiyak simula nung niyakap ko siya. Haha siguro crush pa rin niya ako.

"Rose, nagsisi ako na niloko kita kasi mahal kita"

Tumingin siya sakin at gulat na gulat siya.

Buti naman, yan kasi ang gusto kong maging reaction niya.

"Haha joke lang"

Sinampal niya ang braso ko.

"Ouch, sakit nun"

"Ako nga puso ang nasaktan!"

Grabi tong babaeng toh! Na feel guilty ako sa sinabi niya. Alam niya talaga kung ano ang sasabihin niya para lang matamaan ako -_-

"Huwag kang mag-alala, hindi na ako ngayon magloloko ng damdamin ng mga babae"

"Ibig mo bang sabihin ako ang last mong niloko?!" Galit pa rin siya.

"Dapat nga masaya ka dahil ikaw ang aking LAST"

"Last?"

"Oo, last na niloko" Haha sinampal niya ulit ang braso ko. Ang cute nga eh

Tapos may kinuha siyang papel at ballpen sa kanyang bulsa.

Naalala ko tuloy ang panget kong panaginip -_-

Pagkatapos niyang magsulat sa papel ay binigay niya ito sakin.

Ito rin ang nangyari sa panaginip ko! (⊙o⊙) SO CREEPY

Alam mo yun? Yung feeling na nangyari sa real life ang napaginipan mo?

Hindi ko muna binuksan ang papel. Hindi pa kasi ako handa na basahin yun ngayon. Nilagay ko muna sa aking bulsa ang papel.

"Bakit hindi mo binasa?"

Hmm, maghintay ka muna diyan Doggie. Nag-iisip pa ako ng isasagot ko, hehe.

"Wala akong ganang magbasa ngayon"

"Ibalik mo na lang yung papel!" Uh-oh, galit nanaman siya. Kaya pala maraming mga pikonin na babae dahil niloko pala sila ng mga lalaki. Ouch, natamaan ako sa sinabi ko.

The School's Bad Boy Where stories live. Discover now