CHAPTER 23: First Letter

5.6K 122 56
                                    

"Good afternoon class"

"Good afternoon Miss Dioquino"

Tsk! Tapos na ang lunch. Hindi ako nakakain dahil lang sa babaeng yun! Ah hindi, aso pala haha

As always boring nanaman ang lesson.

"Psst"

Sino yun? Pakiramdam ko ako ang tinatawag. Tumingin ako kung saan galing yung tunog. Si Niel lang naman pala.

"Pupunta daw ang Skull Bones bukas"

Tumingin ako kay Doggie at parang hindi niya na intindihan, buti naman. Umuupo kasi si Niel sa tabi ni Doggie. For short, habang nag-uusap kami ni Niel si Doggie ay nasa gitna.

"Anong oras sila pupunta?" Tinanong ko si Niel

"Ewan, hindi kasi nalaman ni Paris" Si Paris ay dala rin siya sa grupo namin. Anim kaming lahat na bad boy. Si Niel, Lloyd, Paris, Zhian, Ryan at ako. Nahawaan lang sila ng ugali ko kaya naging bad boy na rin sila, hehe

Pero minsan ko na lang silang nakasama dahil palagi ko kasing kasama ang pasaway kong aso na si Rose.

"Sabihin mo sa mga bulldogs na maaga pa sila pupunta sa tournament bukas" Sabi ko

Bulldogs ang naisipan kong pangalan sa grupo namin dahil mahilig ako sa aso haha.

Ang sinasabi ko namang tournament ay kaming mga bad boys ay nagpapataas ng reputasyon sa pamamagitan ng pagpunta sa lugar na walang masyadong tao at mag-aaway kami.

Nagpupustahan kami at ang pera ng panalo ay ginagamit ng grupo sa pag-inom ng alak.

Matagal na akong hindi nag-aaway at umiinom ng alak dahil kay Doggie. Parang unti-unting nagbabago ang aking ugali kapag palagi ko siyang kasama.

Tumingin ulit ako kay Doggie. Buti naman dahil hindi niya na intindihan ang sinabi ko. Dahil kapag na intindihan niya siguradong isusumbong niya ako sa guro. Pupunta ulit ako Detention Room kapag nangyari yun.

"Good bye class"

Hindi ko napansin ang oras. Tapos na pala ang klase.

Science naman ang sunod na subject.

"Good afternoon class"

"Good afternoon Miss Reyes"

"Gagawa kayo ng report bukas tungkol sa Astrology"

Haha piece of cake lang yan.

"Magiging partner niyo ang inyong katabi"

Yes! Nice one! Buti na lang dahil katabi ko si Doggie.
BWAHAHAHA!! Siguradong masaya ito.

Pero mag a-absent pala ako dahil may tournament kami sa Skull Bones bukas.

Hindi ko matutulungan si Doggie.

Matalino naman siya kaya siguro kaya niya yan. Pero galit siya sakin at kapag mag a-absent ako bukas siguradong iisipin niya na sinadya kong mag absent dahil nahihirapan akong gumawa ng report tungkol sa astrology. Mas magagalit siya sakin pag nag absent ako!!

Hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko -_-

Pagkalipas ng ilang oras ay tapos na ang klase pero sa buong oras ang ginawa ko lang ay mag-isip ng kung ano ang magandang pipiliin na desisyon. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-isip!!

"Class dismiss"

"Thank you and goodbye Miss Elravi"

Kinuha ko agad ang bag ni Doggie "Ihahatid kita"

"Ibalik mo nga ang bag ko!"

Tapos sumali si Niel sa aming usapan "Pre, ibalik mo na lang ang bag niya. Ako na ang maghahatid sa kanya"

F*ck -_-

Binalik ko na lang ang bag ni Doggie. Tapos umalis sila ni Niel ng magkasama -_-

May gusto si Niel kay Doggie?! Diba wala?! Acting lang yung pagcourt niya kay Doggie pero bakit ngayon parang hindi na siya nag a-acting!!

Patago ko silang sinundan.

Habang naglalakad sila papunta sa apartment ng aso ko ay nakinig ako sa kanilang usapan.

"Diba may gusto ka kay Jayser?"

Anak ng kanding! Dinamay pa ako ni Niel sa usapan nila! Sabagay mahilig naman si Niel mang damay. Pasalamat siya magkaibigan kami.

"Oo, pero noon lang yun"

Ang lungkot ni Doggie. Sana hindi ko na lang siya niloko.

"Ibig mo bang sabihin available ka na?"

Anong sinabi mo Niel???!!!!!! Walang duda!!! May gusto ka nga sa aking aso!!!!

"Ano?"

"Ah wala"

Gumagawa ka pa ng mga THE MOVES mo para maakit siya haha hard to get kaya ang nerd na yan.

"Bakit nagkagusto ka kay Jayser?" Nice question Niel! Gusto ko rin kasing malaman eh

"Dahil masaya siyang kasama" Teka (⊙o⊙), ang sarap pakinggan ng sinabi niya

Tapos dumating na sila sa apartment ni Doggie.

Nagpasalamat si Doggie at nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Bago ako umuwi ay tiningnan ko ang apartment ko noon na magkatabi sa apartment ni Doggie. Tsk! Parang gusto kong tumira ulit sa apartment ko noon.

Umuwi na lang ako sa bahay at pumunta sa aking kwarto.

Kinuha ko ang papel na binigay sakin ni Doggie.

Ngayon lang siya nagbigay ng letter para sakin.

Pagbukas ko ng papel, ang nakasulat ay:

May boyfriend na ako kaya lumayo ka sakin para hindi siya magseselos.

Huh???!!!!! Seryoso??!!!! Na nanaginip ba ako??!!! Imposible naman na may magkakagusto sa isang nerd na katulad niya!!! Sino ang boyfriend niya???!!! Si Niel ba???!!!!!!

END OF CHAPTER 23

The School's Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon