Chapter 3

5.3K 96 5
                                    


Magkakasabay na dumating sina Lanz, Sam, Dahlia at Daisy sa Grand Ballroom para sa wedding anniversary ng mag-asawang Dela Riva. Maringal ang pagkakaayos sa Grand Ballroom at sadyang napuno ito ng mamahaling mga glasswares sa bawat mesa at masasamyong mga bulaklak tulad ng chrysanthemums, lillies- of-the-valley, daisies, asters, tulips at camelias sa bawat sulok bilang palamuti. Nagmistulang mga hari at reyna naman ang mga bisita ng mag-asawa dahil sa mga suot na mamahaling evening gowns, cocktail dresses at tuxedos.

Ang party ng mga Dela Riva ang isa sa mga naglalakihang salu-salo ng mga elitista ng lipunan sa taong iyon. May ilang field reporters at camera men sa paligid na ibinabalita at kinukuhanan ang bawat anggulo ng okasyon.

"Sam," bulong ni Dahlia sa dalaga, "ano kaya kung bumalik na lang kami ni Daisy sa kwarto namin? Para kasing hindi kami nababagay dito sa suot namin eh." Kasabay nito ay napatingin siya sa kanyang maikling floral dress.

Tiningnan din ni Sam sina Dahlia at Daisy at marahang nagsalita. "Ate Dahlia, wala kayong dapat alalahanin. Inimbita ko kayo dito kaya tama lang na nandito kayo. You have nothing to worry about. You look perfectly fine to me." Napangiti siya kasabay ng pag-anyaya sa kanila patungo sa mga silya. "Halina kayo."

Pasulyap-sulyap si Lanz sa magkapatid na Andrada lalung-lalo na kay Daisy. Sa kabila ng simpleng asul na bestida at puting sapatos na suot niya ay angat pa rin ang kanyang kagandahan. Higit pa sa kanyang inosente at mapagpakumbabang aura ang napansin ni Lanz. May kakaiba talaga kay Daisy at 'di pa rin malaman ni Lanz kung ano ito hanggang sa mga sandaling iyon.

Simplicity is beauty. At para kay Lanz, si Daisy ang pruweba niyon.

What's happening to me? Napaisip siya. I never appreciated a woman like this way before. Perhaps the last woman I appreciated for real was my wife. And to think nagkakilala na pala kami dati. Tapos kanina nakilala ko uli siya, but in a seemingly awkward situation.

Dahil ba ito sa pagkakahawak niya sa mga bisig ni Daisy kanina nang tulungan niyang makatayo ang dalaga mula sa pagkakahulog niya? Pakiramdam niya ay lumukso nang paulit-ulit ang tibok ng kanyang puso kanina habang nakakapit si Daisy at nakatingin sa kanya.

Halos pigilan din ni Lanz ang kanyang paghinga nang ngumiti si Daisy kanina nang sunduin nila ang magkapatid sa kanilang cabin. That smile seemed so familiar, pati ang pagkakatitig at pagkakahawak ng dalaga sa kanya ay parang pamilyar din. Naalala tuloy ni Lanz ang nabanggit noon ng kanyang ina na ang tunay na kagandahan ng isang babae ay dumadaloy mula sa nilalaman ng kanyang puso at ito ang siyang nakakaimpluwensiya sa kanyang panlabas na kaanyuan. Marahil ito ang dahilan kaya nagagandahan siya sa dalaga. Hindi pa man niya ganoon kakilala si Daisy ngunit pakiramdam niya ay may busilak siyang kalooban.

Ngunit biglang may namuong kislap ng pag-aalinlangan sa kanyang puso. Lanz, get a hold of yourself, paalala niya sa sarili. You can't simply fall for any woman just like that. You made a vow two years ago that you won't entertain relationships with women until you have completely moved on, right? Kaya nga kaswal lang dapat ang pakikipag-ugnayan mo with most women na makikilala mo. Nothing serious. No unnecessary attachments whatsoever.

Napaigtad at napalingon siya nang biglang yumapos sa kanya si Bettina. Mala-ahas ang pagkakayapos niya sa kanya kaya bahagyang umiwas si Lanz.

"I'm glad you came to the party," sambit ni Bettina.

"Malamang pupunta ako dahil party ito ng mga magulang ko, 'di ba?" ang sarkastikong tugon ni Lanz.

Mukhang hindi naramdaman ni Bettina ang asidong tono ni Lanz dahil patuloy ang pagsuyo pa rin niya sa binata."I'm sorry for pissing you off awhile ago. Hindi na iyon mauulit pa..."

Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon