Chapter 5

5K 92 3
                                    


Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa kawalan.

Ilang sandali pa ay nakakita siya ng malabong imahe ng isang lalaki. Nakaputi siya. Nakasakay sila sa isang barkong naglalayag sa dagat.

May mga taong nagpapalakpakan at nag-uusap din. Isang magarbong pagdiriwang pala ang kanyang napuntahan.

Pagkatapos ng palakpakan ay naglalakad siya patungo sa isang malawak na bulwagan. May katabi siya pero hindi niya maaninag kung sino.

Nagpalakpakan muli ang mga tao sa bulwagan. Napaliligiran siya ng napakaraming tao. May kantahan, sayawan, kainan. May ilang kislap ng ilaw rin na dumadaan-daan sa harap niya. Sari-sari ang kanyang nakikita at naririnig.

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Matapos nito ay nagulantang siya dahil sa isang malakas na pagsabog.

Nais niyang tumakbo papalayo at sumigaw. Ngunit wala na siyang magawa dahil nakonsumo ng apoy ang lahat sa kanyang paligid... at pagkatapos nu'n ay biglang dumilim ang paligid..


Napabalikwas si Daisy at saka dumilat ng mga mata. Kinuha niya ang panyo na nasa gilid ng kanyang kama at akmang pinunasan ang pawis na namuo sa kanyang noo, saka siya tuluyang bumangon.

Ano ang napanaginipan ko? Bakit hindi ko ito maintindihan? aniya sa sarili.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit halos paulit-ulit niyang napapanaginipan ang ganitong kagimbal-gimbal na senaryo. Sa isip-isip niya ay may nais ipahiwatig ang kanyang panaginip pero hindi niya malaman kung ano ito.

Wari niya ay sinasadyang ipaalala ang nakaraan sa kanya. Ilang beses niya gustong tanungin ang mga magulang at kapatid tungkol dito ngunit wala siyang lakas ng loob. Para saan pa kung makakasama lang sa kanyang maalala pa iyon?

Ang tanging naikwento ng kanyang ina ay natagpuan siya ng mga mangingisda na lumulutang sa dalampasigan dalawang taon ang nakalilipas. Duguan ang kanyang mukha, tagiliran at mga kasu-kasuan. Walang malay daw siya noon kaya itinakbo siya sa ospital. Nagising na lang siya pagkatapos ng isang buwan na wala nang maalala. Kahit sarili niyang pangalan ay di niya matandaan at maging ang mga mahal niya sa buhay.

Bagaman ganoon ang kanyang sinapit, para sa kanya ay pangalawang buhay na niya ito. Parang nagsimula uli siya sa kanyang buhay pagkalabas niya noon sa ospital. Sa loob ng dalawang taon ay tinulungan siya ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan sa kanilang barangay at maging sa Flora Dela Riva na magkaroon ng panibagong pag-asa. Pinuno siya ng mga taong ito ng pagmamahal at kasiyahan kahit na may mga panahong binabagyo sila ng maraming pagsubok. Pero kahit kailan ay hindi ipinaramdam sa kanya na siya'y may kakulangan at iyon ay ang kanyang alaala. Natuto siyang maglinis sa loob ng bahay, mag-alaga ng mga halaman at mag-ayos ng mga bulaklak. Bukod dito, patuloy ang suporta ng kanyang pamilya sa mga pangarap niya at mga bagay-bagay na nais maisakatuparan sa buhay.

Kaya kung anuman ang nagpapaalala sa kanya sa nakaraan ay pinipili niyang huwag nang alalahanin pa. Mas makakabuti para sa kanya at sa pamilya niya na ibaon na lang ito sa limot.

"Daisy!"

"'Nay, papunta na po ako diyan," wika niya saka nagmadaling bumangon at tumungo sa palikuran.

Sa loob ng isang oras ay alam niyang handa na siyang pumasok sa flower shop. Kinuha niya sa kanyang tokador ang manual at Bibliya para sa magaganap na fellowship mamaya sa mga kabataang walang pamilya at may kapansanan. Matagal na niyang ginagawa iyon sa bahay-ampunan na malapit sa flower shop. Pagkatapos niyang tulungan ang ina doon ay tumutungo agad siya sa mga batang naghihintay na sa kanyang ihahain na aralin.

Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن