Chapter 6

4.3K 70 6
                                    

"Sam, I'm sorry na-late ako. Grabe ang trapik kanina sa SLEX," pagpapaumanhin ni Lanz pagkatapos niyang maupo sa harap ni Sam. Nagpasya sila parehong magkita sa isang coffee shop sa Rockwell at nagkasundong sabay na rin umuwi pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

"I understand. Hindi ka ba pumasok ng opisina ngayong araw, Kuya?" usisa ng dalaga pagkatapos mag-order ng isa pang kape para sa kapatid.

"Hindi, pumunta ako sa Flora Dela Riva. Para i-check ang shop at kumustahin na rin si Daisy at ang pamilya niya," tugon ni Lanz.

Lumaki nang bahagya ang mga mata ni Sam dala ng pagkamangha. "Dinalaw mo si Ate Daisy?"

"Yeah... I mean I paid a friendly visit," maikling pagpapaliwanag ni Lanz sa nakababatang kapatid. Parang nararamdaman niya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Sam kaya sinubukan niyang pangunahan ang sasabihin ng kanyang kapatid.

"I don't know if I'll buy that, Kuya. You never visited women before especially kung hindi mo pa girlfriend. In fact, baliktad ang nangyayari kadalasan, 'di ba?" pabirong banat ng dalaga.

"I know what you mean, Sam. I was that kind of man before but I'm changing," seryosong sagot ni Lanz. Aminado siya na kahit tatlong araw pa lang ang nagdaan ay may nabago na sa mga prinsipyo niya sa buhay simula nang magkakilala sila ni Daisy.

"Sa tingin mo ano ang dahilan nu'n? Kwento ka naman diyan, Kuya," pangangantiyaw ni Sam.

"Tumigil ka nga, Sam. Ikaw 'tong may sasabihin sa akin dapat, di ba? Kaya mo nga ako pinapamadaling makipagkita sa iyo. Parang kanina halos magpanic ka na sa telepono. Bakit nga ba di ito pwedeng pag-usapan sa mansiyon?" pagpapaalala ni Lanz sa kanya tungkol sa kanyang sasabihin.

Bumuntong-hininga nang malalim si Sam saka sinimulan ang paglalahad. "Kuya, may nahanap akong mga files kanina sa drawer ni Mama. I know I'm not supposed to be meddling over her stuff but I was trying to find some documents that I need for the launching. Accidentally, I found these." Saka niya inilabas ang dalawang folders.

Binuksan ni Lanz ang folders at pagkatapos nito, sinuri niya ang nilalaman ng mga dokumento. "DNA results ang mga ito Sam. Bakit mo ito ipinapakita sa 'kin?"

"Kuya, look at it carefully. DNA results iyan after ipa-autopsy ang bangkay na nahanap ng mga NBI agents two years ago sa Queen Starline. Kung mapapansin mo, sa isang dokumento nakalagay na positibong kay Ate Belle ang bangkay. Pero tingnan mo 'yung nasa kabilang dokumento. Halos pareho yung information na nakalagay pero naiba lang sa pangalan, birthdate at ibang minor information. Sinasabi naman sa dokumentong iyan na positive ang DNA at autopsy results sa isang babaeng Selina Arriola ang pangalan," pagpapaliwanag ni Sam.

Nagdilim ang mukha ni Lanz nang suriing maigi ang dalawang dokumento. Tama si Sam. Halos pareho ang impormasyon na nakalap maliban na lang sa pangalan at kaarawan ng bangkay na tinutukoy sa resulta. Anong ibig sabihin nito? Bakit magkaiba ang resulta? Sino si Selina Arriola?

Sari-saring tanong ang dumaloy sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maunawaan ang nangyayari.

Parang nabasa ni Sam ang iniisip ni Lanz dahil may hinuha na siya. "Kuya, the results have been tampered. Siguro hindi totoong kay Ate Belle ang bangkay na nakita kundi diyan sa Selina Arriola na yan."

"Ang ibig mong sabihin...."

Tumango si Sam bilang pagtugon sa iniisip ng nakatatandang kapatid.

"Oo, Kuya. Pwedeng buhay pa ang asawa mo at hindi lang natin alam kung nasaan siya ngayon..."

Akmang sinalat ni Lanz ang sentido at ang batok. Bigla siyang nakaramdam ng kapaguran. "Sam, this can't be true. Noong tinignan ko ang bangkay, nasa ring finger nito ang wedding ring na isinuot ko kay Belle noong araw ng kasal namin."

Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances)Onde histórias criam vida. Descubra agora