Epilogue

7K 148 23
                                    

Pinahid ni Belle ang mga luhang namuo sa mga mata niya saka isinaayos ang mga basket ng bulaklak para sa dalawang puntod na nasa kanyang harapan. Isang taon na ang nakalipas simula nang maganap ang insidente sa Princess Isabelle Starline at nang mangyari iyon ay nakaranas siya ng trauma sa pagsakay sa mga barko. Kaya nagpasya siyang ilayo muna ang sarili sa anumang magpapaalala sa kanya tungkol dito.

Taimtim niyang ipinagdasal ang dalawang taong nakalibing sa harapan niya. Kung nasaan man kayo ngayon, sana nasa mas maayos kayong kalagayan. Hindi ko kayo makakalimutan kahit kailan, aniya sa sarili at muli'y hindi niya maiwasang maluha.

Napabalikwas siya sa kanyang pagkakatayo nang may dumantay na kamay sa balikat niya. Napalingon siya at pagkatapos ay napangiti at umusal, "Kanina ka pa ba, honey?"

Ipinukol ni Lanz ang tingin sa asawa saka tumugon, "Kararating ko lang din. Dumaan kasi kami nina Papa, Mama at Sam sa puntod ni Red kanina kaya pasensiya na kung natagalan ako sa pagsunod dito."

Napangiti si Belle at sumagot, "Okay lang. Lahat naman tayo kailangan maglaan ng oras para sa mga minamahal nating namatay na."

Napansin ni Lanz ang magandang pagkakaayos ng mga basket ng bulaklak na nailagay sa mga puntod nina Vanessa at Gavin Quijano. "Ikaw ba ang nag-ayos niyan?"

Tumango si Belle. "Sa loob ng dalawang taon, 'yan ang itinuro sa akin sa flower shop. 'Di ba ipinaranas nga sa akin ang naging buhay ni Daisy?" pagpapaalala niya sa asawa.

Tumango rin si Lanz. Napakamasalimuot nga ng mga pangyayari bago niya tuluyang natagpuan si Belle.

"Kumusta na si Daddy?" tanong ni Lanz na tinutukoy ang ama ni Belle na si Heraldo Quijano.

Bumuntong-hininga si Belle. "Hindi pa rin siya nagigising eh. Nasa ICU pa rin siya. Ipinagdasal ko naman na siya and I do believe soon, magigising na rin si Daddy. Alam kong kahit papaano'y nararamdaman niya na ako ang kumakausap sa kanya. Alam kong makakatulong ang pagkukwento ko para lumakas ang loob niya. In time, I know he's going to wake up."

Hinawakan ni Lanz ang mga balikat ng asawa. "Don't worry, nahuli naman na si Bettina at confirmed na siya ang mastermind ng insidente sa Queen Starline two years ago. Sa kulungan na niya pagbabayaran ang lahat ng mga kasalanan niya sa atin at sa pamilya mo."

Nangilid ang mga luha ni Belle habang inaalala ang nakaraan. Pagkatapos ay ikinulong siya ni Lanz sa mga bisig niya.

"Alam mo ba," wika ni Lanz habang hawak pa rin ang asawa sa kanyang bewang, "kahit na isang taon na ang nakalipas simula noong lumubog ang Princess Isabelle Starline, na-mimiss ko pa ring yakapin ka."

"Ako rin. Parang hindi ata matutumbasan nito ang hindi natin pagkikita simula noong ikinasal tayong dalawa..." tugon ni Belle na nakatitig sa asawa.

"Masaya akong kasama na kita. Kahit hindi pa completely bumabalik ang mga alaala mo, nakilala naman ako ng puso mo," sambit ni Lanz habang isinasaayos ang buhok ng asawa, dala ng bugso ng hangin.

"Salamat sa iyo. Akala ko hindi na tayo makakaligtas sa paglubog ng barkong ipinangalan mo sa akin. Akala ko magkakahiwalay uli tayo no'n. Buti na lang at nahanap mo ako sa gitna ng dagat. Mabuti nalang at marunong kang lumangoy... iniligtas mo ang buhay ko..." ang sabi ni Belle sa marahang tinig habang naglalakad sila palayo sa mga puntod. Naglakad sila patungo sa parking lot na magkahawak-kamay.

"Kahit ilang beses ko pa iligtas ang buhay mo, gagawin ko iyon kasi hindi nito matutumbasan ang ginawa mo sa buhay ko." Hinarap ni Lanz ang asawa saka ipinulupot ang kanyang mga kamay sa bewang nito.

"Ano 'yon?" usisa ni Belle na nakatitig muli sa kanya.

"You made me realize the true meaning of love. Aaminin ko sa iyo, honey. Noong nagpakasal tayong dalawa, makasarili ako noon at ang iniisip ko lang ay maging matagagumpay sa lahat ng gagawin ko. My world revolved around you na para bang kapag nawala ka, wala na rin silbi ang lahat sa akin. But when I met you again, sa katauhan ni Daisy, I realized that only God can restore everything in my life. That it was only through Him that I learned what true and unconditional love means," pagpapaliwanag ni Lanz.

Napaluha si Belle sa mga nasabi ni Lanz saka niya dinagdagan ang pahayag ng asawa. "It was also Him who brought us back together again."

Tumango si Lanz kasabay ng pagpahid ng mga luha ng kanyang asawa. "Nakatulong sa akin sa positibong paraan ang pagkawala mo sa loob ng dalawang taon, Belle. I learned to appreciate the life that was entrusted to me. Natuto akong pahalagahan at mahalin din ang sarili ko at ang ibang tao."

"Nakakatuwa ang pag-ibig ano? Para siyang barkong naglalayag sa dagat. Kahit minsan, matitindi ang bugso ng hangin pati ng mga alon, dadalhin at dadalhin ka pa rin nito sa dapat mong kalagyan, sa taong nakatadhana talaga para sa iyo," sambit ni Belle sa malamyos na tinig.

Ngumiti si Lanz at pagkatapos ay inilabas ang itim na relo na ibinigay sa kanya ni Daniel. Isinuot niya ito sa pulso ng asawa.

"Bakit mo ito ibinibigay sa akin? Hindi ba ibinigay na sa iyo ito ni Daniel dati?" nakangiting tanong ni Belle.

"Dahil natutunan ko na ang tunay na pagpapahalaga sa isang bagay ay kapag isinuko mo ito sa ibang tao ng walang kahit na anong kondisyon. In this case, ang relong ito ay sumisimbolo ng puso ko. Sunod sa Diyos, ikaw, Mrs. Isabelle Quijano-Dela Riva ang nakatakdang may-ari," wika ni Lanz saka hinawakan ang kanang pisngi ng asawa.

"I love you so much, Lanz..."

"I love you too, Belle. You're the woman God has destined me to be with, for the rest of my life..." Saka hinapit ang asawa at inihilig ang ulo.

"Forever," usal ni Belle at pagkatapos ay ginawaran siya ng isang masuyong halik sa labi. A lingering kiss only meant for a love that would last a lifetime.

*** WAKAS***

Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now