Chapter 4

4.9K 94 1
                                    

Pagkatapos sumigaw ni Lanz, napansin niyang may gumagalaw sa kaliwang bahagi ng upper deck. Napalingon siya rito at nagulat nang makitang si Daisy pala ang naroon at nakatitig sa kanya. Tinatalian niya ng pula at puting laso ang mga bulaklak na nakapulupot sa mga railings ng deck pero parang natigilan siya dala ng ginawa ni Lanz na pagwawala. Nagtaka ang binata. Bakit sa tuwing makakaramdam ako ng pagkayamot sa sarili ko ay bigla kang sumusulpot sa harapan ko, Daisy? Nalaman ko mula kay Sam na nagkakilala na tayo dati pero di ko 'yun maalala. Then I met you for the second time after two years here in the upper deck and that was just hours before the party. Ito yung oras na iniisip ko si Belle. Kanina pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sam, nagkita uli tayong dalawa. Ngayon naman, sa kalagitnaan ng galit at kawalan ko ng kumpiyansa sa sarili ay narito kang muli.

Hindi malaman ni Lanz kung bakit sa oras na kailangan niya ng katatagan ng loob ay si Daisy ang sumusulpot na parang kabute. Pinagmasdan muli niya ang dalaga. There's really something about this woman that I ought to find out on my own. Something interesting. Nag-atubili siya noong una na lapitan si Daisy ngunit pakiramdam niya ay dinadala siya ng kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ng dalaga.

"Daisy..."

Nakatingin pa rin si Daisy sa kanya nang lumapit siya sa dalaga. "O..okay ka lang ba..Lanz?" ang nag-aalangan niyang tanong.

Napatawa nang marahan si Lanz at saka humakbang papalapit kay Daisy. Kumuha siya ng mga pulang laso sa maliit na basket upang iabot sa kanya at sinadyang ibahin ang usapan. "Kanina ka pa ba nandito?"

"Halos kalalabas ko lang ng Grand Ballroom..."

Napatigil bigla si Lanz at napaisip nang malalim. Siguro narinig niya ang naging announcement ni Papa kanina tungkol sa "kasal" ko sa susunod na taon.

Hindi maunawaan ni Lanz kung bakit biglang ikinabahala niya ang magiging reaksiyon ni Daisy ukol sa mga kaganapan kanina sa bulwagan.

"Ibig sabihin narinig mo ang announcement ni Papa kanina?" usisa ni Lanz sa kanya para makatiyak.

Napakunot- noo si Daisy na napalingon sa kanya. "Anong announcement?"

Nagpakawala ng buntong-hininga si Lanz. Mukhang lumabas na siya kanina nang i-announce ni Papa ang tungkol sa kasal, wari niya. Nagpalusot na lang siya, "Ah...wala...ang ibig kong sabihin ay yung pagpapakilala ni Papa sa aming magkakapatid."

"Hanggang kay Sam lang ang narinig ko kanina. Pagkatapos namin kumain ni Ate Dahlia, lumabas na ako dito sa upper deck para ayusin ang mga bulaklak. Nalimutan ko kasing ilagay kanina ang mga laso."

"I see..." Mabuti na lang at lumabas ka na kanina, Daisy, aniya sa sarili. Mas makakabuti nang hindi mo narinig ang mga sinabi ni Papa tungkol sa akin. It's enough humiliation on my part.

"Nakakain ka ba nang maayos kanina?" tanong muli ni Lanz sa kanya.

"Oo naman. Ikaw ba? Bakit wala ka ngayon sa party ng mga magulang mo?"

"Ah...gusto ko lang muna magpahangin. Masyado din kasi maraming tao kanina sa loob," pagdadahilan ni Lanz. Ang totoo ay di na niya nais bumalik pa sa party dala ng kahihiyang inabot niya matapos ang sinabi ng ama.

"May nakaaway ka ba sa loob kanina kaya ka napasigaw paglabas mo?" usisa ni Daisy.

"Wala naman. Gusto ko lang makaramdam ng kalayaan sa sarili ko. I just want to let it all out. That's all..."

"Hindi ka ba masyadong mahilig makihalubilo sa mga tao?" tanong niyang muli.

"Hindi masyado. Panay mga kaibigan kasi iyon nina Papa at Mama. Mga kasosyo nila karamihan sa negosyo. May mga oras na kailangan ko rin talaga sila kausapin dahil may mga pinapaasikaso sa akin si Papa na mga negosyo gaya ng cruise line. Pero wala lang din ako sa mood makipagsocialize ngayong gabi," tugon ni Lanz.

Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now